Chapter 28

529 43 3
                                    

CHAPTER 28

Armina

May kung ilang araw pang naging sobrang abala ni JK sa pag-e-ensayo kung kaya kahit ang kaunting oras naming magkita sana sa gabi ay hindi na niya nagagawa sa sobrang pagod.

Saglit akong nagmasid at tangka sanang lalapit sa kinatatayuan niya nang may biglang humawak sa aking kamay. At ganoon na lang ang gulat ko nang bumungad ang seryosong mukha ni Manager Lee.

"S-sir, good morning po..." kabado kong bati.

Pormal lang siyang tumango bago marahang bitiwan ang kamay ko. "Look at them..." utos pa niya sabay nguso sa grupo nina JK na nakaipon sa stage.

Napalunok ako. Hindi ko maiwasang matensyon sa dating ng boses nito. 

"Sobrang daming hirap ang pinagdaanan ng grupo nila para marating lang ang kinalalagyan nila ngayon sa music industry..."

Ganoon pa lang ang bungad niya ay parang gusto ko nang pagpawisan nang malapot. Ito ang unang beses na kinausap niya ako ng sobrang seryoso. At kung bakit niya nasasabi sa akin ito ngayon ay parang nahuhulaan ko na.

"Noon, naranasan nila ang grabeng pangungutya. Ni hindi sila nabibigyan ng slot performances on TV. At kung nabibigyan man, offline na iyon at tanging mga fans na lang ang nakakapanood. Ganoon ang hirap na pinagdaanan nila kung kaya ginagawa ko lahat para protektahan ang comfortability at security na nararanasan nila ngayon. Ayokong mawala iyon dahil lang sa isang pagkakamali."

Yumuko ako. Parang umaalingawngaw na sa tainga ko na ang susunod niyang mga salita.

"JK and his brothers were at the prime of their careers and they very much deserved it. Nakita mo kung papaano sila magsikap, hindi ba? Saksi ka kung papaano sila mag-ensayo para lang makapagbigay ng magandang performance para sa mga fans nila. And, you knew too well how possesive they were. Ikaw ang unang nakaranas noon, 'di ba? Sadly, nasaktan ka pa dahil doon."

Tumango ako at nagpigil ng luha. Wala pa man siyang ibang sinasabi ay nanghihina na ako. Para bang ayaw ko nang marinig ang mga susunod niyang sasabihin hindi pa man.

"If you truly love him... you knew exactly what's best for him. You won't risk it, right? You knew too well how much he loved his career and their music."

Hindi ako kumibo at sa halip ay mariing kinagat ang aking labi upang pigilan ang pagbuhos ng emosyon.

"I trust you, Armi. I knew you'll make the right decision," aniya sabay tapik sa aking balikat. "I wire some money in your account for your fresh start. Believe me, it's for your own good, too. Bata pa kayo ni JK. Marami pang puwedeng mangyari sa future. Habang maaga pa, gawin mo na lang kung ano'ng best para sa 'yo. Malay mo naman, if you were truly destined for each other, magtagpo pa rin ang landas ninyong dalawa. We'll never know, right?"

Noon na naglandas ang luha sa aking mga mata pero maagap kong pinalis iyon.

"Later, I'll give you time to bid your goodbye to him. However you do it, ikaw ang bahala. Last performace ito for the month kaya ito ang perfect timing."

Yumuko ako at ikinubli ang aking mukha.

"I hope you understand, Armi. I love those boys so much and I'm willing to do everything I can to protect whatever it is they were enjoying right now. And love? This is not just the right time. You knew that, right?"

Umiiyak akong tumango. "Pasensya na po..."

"Pasensya ka na rin, Armi. I really hope you understand. I have no hard feelings for you. My intentions were good. It's all for the boys. It's for JK."

BOYS TO SEEK (JK and Armina Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon