Chapter 17

521 50 2
                                    

CHAPTER 17

JK

Agad akong natigilan sa dampi ng labi na iyon ni Armi. I thought she doesn't like me? What just happened?

"I'm s-sorry..." Agad siyang yumuko na para bang sising-sisi sa ginawa.

Gustuhin ko mang salita ay saglit akong nablanko. Parang hindi magawang i-proseso ng utak ko ang nangyari.

She kissed me. At kahit pa smack lang iyon, ramdam ko pa rin sa labi ko ang lambot ng kanyang mga labi. I've never kissed anyone, so I have no way to compare.

"I'm s-sorry talaga, JK... H-hindi ko alam..." nangangapa pa ring aniya habang hawak ng mga kamay ang mukhang sobrang pula.

"What does it mean, Armi?"

Nagluluha siyang tumitig sa akin. Para bang may gustong sabihin, pero mas pinipiling pigilan ang sarili.

Sa halip na makinig pa sa kung anomang isasagot niya ay mabilis kong hinapit ang kanyang baywang at agad na yumuko para sakupin ang kanyang labi.

Hinalikan ko siya sa paraang alam ko at literal siyang nanigas sa ginawa ko.

"Please, tell me, you like me too, Armi. Please, tell me..." nagmamakaawang bulong ko.

"P-pero JK..."

"It's just a yes or no, Armi."

Nagluluha siyang tumingala sa akin. Bakas sa mukha ang pag-aalangan.

"Y-yes... pero..."

Hindi ko na hinintay pa ang kasunod na salita. Sinakop ko ang kanyang labi at ninamnam ang lambot niyon.

Nang banayad kong ibuka ang kanyang labi ay para bang mas lalong nanigas ang kanyang katawan. Ginagap ko ang kanyang mukha at inanggulo iyon para mahalikang mabuti.

Hindi ko lubos maisip na ganito ang pakiramdam na halikan ang babaeng gustong-gusto ko. Pero agad din akong natigilan nang maramdaman ang mga yabag palapit. Itinigil ko ang paghalik at sa halip ay banayad na hinila si Armi papasok sa maliit na eskinita. Tumalikod ako sa mga taong nagdaraan bago muling halikan ang naghihintay na labi niyang iyon.

Kung gaano kami katagal nagpapalitan ng halik ay hindi ko na rin alam. Basta ang alam ko lang ay hindi sasapat sa akin ang maikling oras na kasama siya.

Nang bumalik kami sa hotel ay kataon namang natanawan na rin namin ang sasakyan ng grupo at pati na rin ng mga staff and crew.

"Let's talk some more when we get home, huh?"

Tulalang tumango si Armi. Sobrang pula pa rin ng kanyang mga pisngi.

"Good night, baby..." malambing pang sabi ko bago mabilis na kudlitan ng halik ang labi niyang pulang-pula sa halik ko.

Nakangiti akong tumalikod at kulang na lang ay magtatalon ako sa sobrang kaligayahan.

Kahit pa parang kulang sa tulog ay punong-puno pa rin ng enerhiya ang aking katawan.

"So, JK, payag ka na? Palit na tayo ng P.A.?" hopeful na tanong pa ni Jimin nang pumupuwesto na kami sa eroplano.

Kunot-noo akong bumaling dito at marahang umiling.

"Come on, JK. Okay naman si Jane, 'di ba?"

"It's still a no," matigas kong sagot bago maupo.

Dismayadong bumuntonghininga si Jimin. "Can we talk about this when we get back home?"

"Nothing will change, bro," sigurado kong sabi.

Nakangiting lumingon sa akin si Jay. Para bang may nababasa siyang kung ano sa mukha ko.

BOYS TO SEEK (JK and Armina Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon