Chapter 31

560 53 8
                                    

CHAPTER 31

JK

Seryoso kaming nakapaikot kay Armi sa sala habang siya ay nakayuko at kandong ang baby namin.

Yeah, baby namin.

Humugot ako ng malalim na buntonghininga at tumitig sa batang lalaki na walang dudang sa akin. Hindi maikakaila ang pagkakahawig namin noong ganoong edad pa lang ako.

"Look at the resemblance. I can't believe it. Parang pinagbiyak na bunga talaga..." Si Jimin na ikinumpara pa ang hitsura namin sa picture ko na nasa cell phone nito.

I don't know how to react exactly. I must admit that I am too overwhelmed. Hindi ko alam ang dapat na maramdaman.

"What's his name?" Si Vince na lumuhod pa sa harap ni Armi habang hawak sa kamay ang baby namin.

"Kurt..." nahihiyang sagot ni Armi sabay sulyap sa akin.

"Just Kurt?"

"John Kurt..." sagot nito sa maliit na boses.

"So, Junior siya?"

"Not exactly... Hindi ako nag-declare ng father sa birth certificate niya..." Nahihiya pa siyang sumulyap sa akin.

"Really?" inis kong singit sa mataas na boses. "Why the hell would you do that to our son?!"

"Bunso, calm down." Si Rapmon na humarang pa sa akin at tinapik-tapik ako sa balikat.

Nag-iwas ng tingin sa akin si Armi.

"Magpalamig ka muna, bunso. Nagugulat sa 'yo si Kurt, o." Si Jin na lumuhod din sa harap ni Armi at hinawakan ang isa pang kamay ng baby namin. "Hello, Kurt. I am your worldwide handsome uncle."

"Uncle..." nakangising pag-uulit ni Kurt.

"Oh, come on. Pati ba naman sa bata?" reklamo ni Yogi bago iiling-iling na naupo sa tabi ni Armi at nakilaro rin sa anak kong walang ginawa kundi ang ngumiti at humagikhik. Para bang kilalang-kilala na agad niya ang mga ito kahit pa ngayon lang naman niya nakita sa personal.

"Seriously... How is this possible? Puwede pa lang ipanganak ang baby na exact resemblance natin?" Si Jimin na mangha pa ring nakatitig kay Kurt na humagikhik pa sa sinabi niya. "Look at that! Favorite uncle ako ng anak mo, JK!" excited pa nitong tinabig si Jin at pinalitan ang nakahawak na kamay nito sa anak ko.

There was no doubt that they were charmed by my son's cuteness.

"Sabihin mo, JK. Cute Uncle Jimin..." turo pa nito kay Kurt na nagliliwanag pa rin ang mukha sa pagtitig dito.

"Cute uncle..." matatas pa ring pag-uulit nito na nagpalapad ng ngiti ni Jimin.

"You're so cute, Kurt. Manang-mana ka sa akin!" Ginulo pa nito ang buhok ng anak ko na tumawa lang. Tila ba naunawaan ang sinabi nito.

"Who would have thought? Rapmon was the one rumored to have a kid? Akalain mong si bunso pala iyon?" Si Jin na nakangisi pang umiling-iling sa akin. "You are one naughty boy, huh?"

Hindi ako kumibo sa panunukso niyang iyon. Wala ako sa mood makipagbiruan. Ang hirap nang pinagdaanan ko nang iwan niya ako ng walang paalam. At alam kong ramdam nila na para akong naging ibang tao sa mahabang panahon. Iginugol ko ang buong oras sa pag-e-ensayo ng sayaw at kanta mula umaga hanggang gabi. Pinagod ko ang sarili ko para lang huwag mag-isip. At sa mahabang panahon ko iyon ginawa.

Mahabang panahon.

Naiisip ko pa lang kung gaano ako nasaktan ay parang ayoko na ulit magmahal.

"What are we going to do about this?" seryosong pagbabago ni Jay ng usapan.

BOYS TO SEEK (JK and Armina Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon