Beginning

2.3K 71 3
                                    

BEGINNING

Armina

Tulala akong nakatingala sa napakalaking bahay na nasa harap ko. Ilang beses kong inalog ang aking ulo sa isip na baka nananaginip lang ako. Kabado akong lumapit sa naka-unipormeng security guard at alanganing ngumiti.

"Good morning po... Dito po ba nakatira si Mamang Udyang?"

Mataman akong tinitigan ng security guard na akala mo pinagdududahan pa ako.

"Bakit? Ano'ng kailangan mo?" masungit pang tanong nito habang pinapasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

Naiilang kong kinipit ang aking bag at kinakabahan pa ring ngumiti. "Pamangkin po niya ako... Ipapasok daw po niya ako ng trabaho rito."

"Sandali lang," aniya sabay dial sa telepono.

Matapos ang sandaling pakikipag-usap ay tumango ito sa akin at saglit na ipinasok pa sa scanner ang bag ko. Mangha naman akong nagmasid lang at tumahimik. Hindi ko sukat akalain na ganitong kalaking bahay ang pinagsisilbihan ni Mamang.

"Dito ka na sa hagdan dumaan. Diretsuhin mo lang 'yan," pormal pa ring sabi lang nito sabay turo nga sa mahabang hagdan patungo sa mansion.

Tumango ako at bahagyang yumukod. "S-salamat po..."

Hindi naman na ito kumibo at sa halip ay muling itinuon ang atensyon sa kung anomang ginagawa nito.

Inakyat ko ang mahabang hagdan patungo sa mansion. Sa sobrang ganda ng paligid ay halos 'di ko namalayan ang nakapapagod na akyating iyon. Ang daming iba't ibang klaseng mga halaman na halos pantay-pantay ang tabas. Nalalatagan din ng Bermuda grass ang lahat ng mga lupang walang semento kung kaya sobrang lamig sa mga mata.

Nang marating ko ang mansion ay saglit pa akong napatulala sa pagtitig sa napakalaking mansion na iyon. Napapalibutan ng salamin ang buong bahay na tila nagyayabang pa sa taglay na ganda noon. May mga bahaging tanaw ang nasa loob at mayroon ding hindi. Pero agad din akong natigilan nang matanaw ang ilang kalalakihan na bigla na lang sumilip sa may veranda at diretsong tumitig sa akin.

Agad akong napalunok nang matitigan ang mga gwapong mukha na iyon. Kumaway pa ang lalaking kulay sky blue ang buhok at matamis na ngumiti.

"Hello!" bati pa nito.

Sa sobrang mangha ay tumango lang ako at kabadong ngumiti. Para silang mga artista sa kagwapuhan! Bakit hindi man lang ako kinukuwentuhan ni Mamang!

"Armina!"

Agad akong napalingon sa nagsalita.

"Mamang Udyang!" excited pang salubong ko rito at niyakap ito ng sobrang higpit. "Kumusta ka na? I miss you na!"

Natatawang tinapik ni Mamang ang aking likod. "Ang ganda mo lalo, a. Na-miss din kitang bata ka."

Kumalas ako ng yakap at hinalikan iyon sa pisngi. Si Mamang Udyang ang nag-iisang kapatid ng yumao kong ina. At dahil bata pa lang nang mamatay ang aking ina ay ito na rin ang nakamulatan kong magulang. Hindi rin kasi nagtagal ang buhay ng aking ama dahil sa sakit nito sa puso. Ito lang ang pamilyang nakagisnan ko simula pa lang kung kaya sobrang espesyal nito sa akin.

"Mamang, ang laki ng bahay! Bakit wala kang ikinukuwento?!"

Sumenyas siyang tumahimik ako kung kaya nagpasaway naman ako.

"Manang, kaano-ano mo?"

Sabay kaming napatingala ni Mamang sa nagtanong. Iyong lalaking kulay sky blue pa rin ang buhok.

"Pamangkin ko, hijo," tipid na sagot lang ni Mamang sabay banayad na hila sa akin papasok.

"Sino ang mga iyon, Mamang?" pabulong kong tanong.

BOYS TO SEEK (JK and Armina Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon