Chapter 3

661 44 2
                                    

CHAPTER 3

JK

I was used to play around with people, but with Armina's presence, I felt kind of conscious. Kaya naman hindi ko rin magawang makipagsabayan ng harot kina Vince at Jimin na palaging nakatuon ang atensyon kay Armi.

"Okay ka lang, Armi? Hindi ka nahihirapan?" nag-aalalang tanong pa ni Vince dito.

Halos katatapos ko lang sa song part ko at si Jimin naman ang kasalukuyang nakasalang sa camera.

"Ayos lang naman, Vince. Madali lang naman. Medyo nangangapa lang ako sa mga gamit ni JK, pero masasanay din ako panigurado," nakangiting sagot ni Armi rito. Mukhang komportable na siya kay Vince.

"That's good to hear. Maganda namang magpasuweldo 'yang si JK," nakangising sagot pa ni Vince sabay kindat sa akin.

Sa halip na magkomento ay sinamaan ko lang ito ng tingin.

"Be good to Armi, JK. May plano pa mag-aral 'yan."

Bumaling ako kay Armi na para namang nahiya sa pagbubulgar na iyon ni Vince.

"You're not in school right now?" Bahagya akong kumunot-noo at mataman itong tiningnan sa mukha.

Mapait siyang ngumiti kasabay ng banayad na tango. "Oo. Hindi na ako nakapag-college kasi dahil nahihiya na ako kay Mamang Udyang. Ang dami na niyang gastos. Kaya eto, rumaket muna ako sa inyo."

Tumango-tango ako. Ang alam ko nga ay may kapatid na tinutustusan si Manang Udyang sa pagpapagamot nito.

"Kaya maging mabait ka kay Armi para makaipon na 'yan," singit ulit ni Vince.

"We're trying to continue our course online. Pero may mga times na hindi kinakaya ng schedule kaya mas natatagalan... But yeah, we have future plans," maikling kuwento ko at tatango-tango namang sumang-ayon si Vince.

"Don't ever give up on your dreams to have a better life. Iyan ang mga bagay na dapat ay ipinaglalaban natin hanggang sa huli," seryoso pang sabi ni Vince habang nakatitig sa mukhang iyon ni Armi.

He definitely likes her. He's being obvious.

"Itong si bunso," aniya sabay baling sa akin, "hindi kailanman sumuko sa pangarap niyang maging magaling na singer."

Tipid akong ngumiti at tumango. Pare-parehas naman kami ng naging hirap para lang marating ang estado namin sa entertainment world ngayon.

"By the way, may boyfriend ka na, Armi?"

Tulalang napatitig lang si Armi rito. Para bang hindi inaasahan ang diretsang tanong na iyon ni Vince. Maging ako ay biglang nahiya sa tanong na iyon.

Mapaklang ngumiti si Armi at umiling. "W-wala..."

"Well... That's good news..." bulong ni Vince, pero sapat ang lakas para marinig ko.

Ngumiwi si Armina. "Ha? Hindi ko narinig..."

"Um... W-wala naman." Nagkamot ng batok si Vince. Halatang nahiya rin sa sinabi. "S-susunod na pala ako ulit," iwas pa nito sabay alis.

Naiwan kaming nagsosolo ni Armi habang sobrang abala ng lahat.

"Armi, paki punasin naman ang pawis ni JK. Mag-CR lang ako." Nakangiwing inabot pa ng makeup artist kong si Winnie ang tissue kay Armi na halatang nabigla sa utos at hindi na nagawang sumagot.

I tried to act cool about it. Hindi ko alam kung bakit bigla akong na-conscious gayong sanay na akong pinupunasin ang pawis ko ng iba.

Nag-aalangang lumapit sa akin si Armi at tila humihingi pa ng permisong sumenyas. Tumango ako at nagpaka-kaswal pa rin.

BOYS TO SEEK (JK and Armina Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon