Chapter 18

540 50 1
                                    

CHAPTER 18

Armina

Wala ako sa sariling tumitig sa kawalan at malalim na bumuntonghininga. Para bang panaginip lang ang lahat. Hindi ako makapaniwalang hinayaan ko ang sarili kong mahulog sa isang sikat na singer.

Inalog ko ang aking ulo at ilang beses pa ulit na bumuntonghininga. Gustong-gusto ko si JK pero nandoon ang pag-aalangan at takot. Hindi ko pa rin masabi na tama ang desisyon ko kung kaya hindi ako mapatanag. Pero alam ko ring kahit ano'ng pigil ko, palaging mananalo ang puso ko. Gusto ko siyang makasama kahit pa alam kong magiging mahirap.

"What do you think of Aiyu?" Si Vince na mataman pang nakatitig sa aking mukha.

Kumunot ako at tinitigan din ito. Nasisiguro kong sa akin nakadirekta ang tanong niya.

"What do you think? Bagay ba sila ni JK?" inosenteng pag-uulit nito.

Wala ako sa sariling tumango at sumulyap kay JK na agad na nagsalubong ang kilay.

"I told you!" baling nito kay JK na hindi na maipinta ang mukha.

"Aiyu is her ideal woman eversince," dagdag ni Jimin. "She's got a pretty face and a great body."

"Don't forget that JK wanted his woman to be a strong one. Ayaw niya nang lalampa-lampa." Si Rapmon na sinundan pa ng malakas na tawa.

Ngumiwi ako at kinagat ang aking labi. Lampa ako. Iyon ang sigurado. Kung tutuusin pala ay hindi ako pasok sa criteria niyang iyon.

"And, Aiyu is a great singer, too. Her voice was so angelic." Si Yogi. "Kaya nga gustong-gusto siya ni JK."

Muli akong sumulyap kay JK na para bang iritang-irita sa mga sinabing iyon ng mga kabanda.

"Kaya ngayong may chance na siya kay Aiyu, hindi na niya dapat pakawalan ang pagkakataon!" Si Jin na ngumisi pa, pero makahulugang tumingin sa akin.

"It wasn't like that anymore," matabang na sagot ni JK.

Nagkunwari akong abala pa rin sa pagpupunas ng mga muwebles at nag-iwas nang tingin. Ayokong sa akin na naman bumagsak ang tanong nila.

"But do you think Aiyu can cook?" Si Yogi.

"I think so." Si Jin. "Parang napanood ko siya once sa vlog niya na nagluluto. Pasok na naman sa ideal type ni JK!" mariin pang sabi nito sa pangalan ni 'JK.'

"I think you're destined to be with Aiyu. Sobrang pasok talaga siya sa ideal woman mo." Si Jimin.

Hindi ko alam kung ano'ng reaksyon ni JK sa pagkakataong iyon. Basta ang alam ko, parang dinudurog ang puso ko sa isiping kabaligtaran ako ng ideal woman niya. Ganda nga lang yata ang panlaban ko at wala ng iba.

"Tigilan n'yo na nga si JK. Hindi n'yo alam baka nagbago na ang isip niyan."

Hindi man ako lumingon, alam kong si Jay ang nagsalita. Ang natatanging kabanda ni JK na nakakaalam ng tungkol sa amin, pero hindi ko rin masiguro kung buong-buo na boto sa akin.

"Si JK? Magbabago ng isip?" Si Vince. "I don't think so. Hindi nga madaling ma-attract sa mga babae 'yan."

"Truth. Wala ngang naging ibang crush 'yan kundi si Aiyu," sabat din ni Yogi.

Kinagat ko ang aking labi at pinilit na huwag maapektuhan. Natural lang naman ang crush at hindi ako dapat magselos.

Kaya naman para maiwasan na lang na huwag mag-isip ay lumayo na lang ako sa umpukan ng mga ito at umakyat sa ikalawang palapag.

Nagpupunas ako noon sa may bintana nang may biglang humila sa kamay ko.

Si JK!

Taranta akong lumingon sa pinanggalingan nito sa pag-aalalang kasunod nito ang kabanda.

BOYS TO SEEK (JK and Armina Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon