Chapter 6

516 50 4
                                    

CHAPTER 6

Armina

May panahong sobrang nakakapagod ang trabaho, pero kahit pa ganoon ay nagagawa kong i-enjoy. Magaling ang grupo nina JK at nakakalibang ding panoorin sila sa stage. Para ba silang nagiging ibang tao kapag nasa entablado na dahil na rin siguro sa makeup at porma na talaga namang kahali-halina.

Kahit papaano ay nawawala na rin ang hiya kong makihalubilo lalo pa nga at karamihan ng nasa set ay mababait naman at accommodating. Maging ang grupo ay malapit sa staff kung kaya hindi nakakailang.

"We have a big problem," anunsyo ng lalaking medyo may kalakihan ang katawan. Kung sabihin ay iyon ang production head ng sikat na brand ng mga damit na i-model ng BTS.

"What is it, Boss Joey?" Si Rapmon na lumapit pa rito.

"Our female model had an accident. We need to find another model ASAP."

Nanlaki ang mga mata ni RM. "The shoot will start tomorrow!"

"Yeah, tell me about it," tila frustrated pang sabi nito sabay piga sa pagitan ng kilay. "Lagot ako kay Mr. Federico kapag na-cancel pa ang shoot bukas."

"You can't cancel the shoot, boss. May importanteng bisita si Boss Federico bukas para manood ng shoot."

Lalong nalukot ang mukha ng lalaki. Tila ba pasan niya ang mundo sa bigat ng problema.

"I guess it's better to give a heads up, Boss Joey. Baka hindi lang sabon ang abutin mo kay Boss Federico." Si Yogi na naiiling pang umupo hindi kalayuan.

"I think that's the best thing you can do," sang-ayon naman ni Rapmon at tumango pa kay Yogi.

Nanlalatang umiling si Boss Joey. "Darating na ang mga bisita ni Boss mamayang gabi. Kailangan kong makahanap ng model ASAP."

"Well, you have a whole day to recruit one, right?" Si Yogi.

Malalim na bumuntonghininga ang lalaki, pero agad ding natigilan nang mapatitig ito sa akin. "Who is she?"

Wala ako sa sariling lumingon sa likuran ko, pero nang makitang walang ibang tao roon ay noon ko lang natanto na sa akin pala ito nakatingin.

"Yeah, you, pretty lady." Tumango ito sa akin habang titig na titig pa rin sa aking mukha.

Bumaling ang tingin ng lahat sa akin. Hindi ko alam kung ano'ng mayroon at ganoon na lang ang tingin nila sa akin.

"I think your problem is solved, boss." Si Vince na abot-tainga pang ngumiti sa akin bago ibalik ang tingin kay Boss Joey.

"Yeah, I think so, too," sang-ayon pa nito bago matamis na ngumiti.

Tulala akong tumitig sa repleksyon ko sa salamin. Pakiwari ko ay ibang tao ang nasa harap ko dahil sa makeup at ayos ng buhok. Malayo ito sa nakasanayan kong wala ni katiting na lipstick sa labi. Banayad ding kinulayan ng light blonde ang aking buhok kung kaya parang hindi ko rin makilala ang aking sarili.

"I didn't think she'll be this pretty..." halos pabulong na sabi ni Yogi habang titig na titig sa aking mukha sa salamin.

Dahil sa sobrang ilang ay agad akong nagbaba ng mukha upang ikubli ang pamumula noon.

"Yeah, me too. Though, she's already pretty without makeup on. Having some colors on her face is a different story." Si Jin na noo'y titig na titig din pala sa akin.

"Oo nga. Halos ka-level din niya sa ganda si Aiyu or maybe, even better," si Jay na hindi rin maalis ang titig sa akin.

Sanay man ako na nasasabihan ng maganda ay nakakailang din pala kapag celebrities na gaya naman nila ang nagsabi.

BOYS TO SEEK (JK and Armina Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon