Chapter 4

612 46 2
                                    

CHAPTER 4

Armina

Higit na nakakapagod ang sumunod na araw na shooting lalo pa nga at nakatapat sina JK sa araw. Sa tuwing makakatapos ng scene ay grabe ang pagpapawis nila. Palagi rin akong nakaalalay kay Winnie at tinutulungan ito.

"Are you okay, JK?" nag-aalalang tanong pa nito kay JK na bakas na ang pagod sa mukha. Napipikit na rin ito at para bang gusto nang matulog.

Tanging tango ang naging sagot nito habang naghahabol ng hininga. Nagmamadali kong kinuha ang bottled water at ipinainom iyon.

Wala naman siyang tanggi na inabot iyon at inubos ang laman ng bote.

"Gusto mong magpahilot ng muscles mo, JK?" tanong pa rin ni Winnie.

Umiling lang si JK. "I'm okay. Don't worry about me."

Tahimik lang akong nagmasid sa palagid. Maging ang ibang miyembro ay halatang pagod na pagod na rin.

Naabala lang ang lahat nang magsalita ang director. Isang shoot na lang daw at kinabukasan na lang ulit itutuloy. Marahil ay kita nitong pagod na ang grupo at hindi na magawang makapagsayaw ng walang mali.

At tulad nga ng sinabi nito ay agad nilang tinapos ang shoot. Sobrang tindi ng araw at halos humulas na rin ang makeup na nakalagay sa mukha ng grupo.

"Armi, pakialalayan si JK. Kailangan ko lang sagutin ang tawag sa akin." Si Winnie na apologetic pang tumingin sa akin.

Tumango ako at nilingon ang tila na-sprain pang paa ni JK.

"Tara na, JK?" tanong ko pa.

Nag-aalangan siyang tumango at ipinatong ang kamay sa aking balikat. Hinawakan ko ang kamay niyang nasa balikat ko at ang isang kamay ko naman sa baywang niya.

"Basang-basa ka ng pawis." Tiningala ko siya at nakangiwi naman siyang tumingin sa akin.

"S-sorry..."

"Ayos lang. Dapat pala ay ipinagbaba na rin kita ng pamalit agad. Sorry."

"You're new. It's understandable."

"Promise, next time, pagbubutihin ko na."

Tumango lang siya at hindi naman na nagkomento pa sa sinabi ko.

"Armi, paalalay naman, please?" Si Jimin na umarte pang parang nasasaktan din ang paa.

Naiiling akong ngumiti at inginuso ang P.A. nito.

Pero sa halip na sumagot agad ay lumapit pa ito sa akin at bumulong. "May rayuma na. Hindi na ako kayang alalayan."

Hindi ko napigilan ang matawa sa sinagot niyang iyon. Kakaiba rin itong si Jimin, e.

"Ako man, Armi. Ang sakit din ng paa ko." Si Vince na hinawi pa si Jimin na muntik pang madapa.

Nagkamot ng ulo si Jimin at idiniretso na ang paglalakad. Sabi ko na nga bang arte lang, e.

"Puro kayo kalokohan, Vince," may panermong himig ko pa habang umiiling.

"Hindi, a." Bumaling ito kay JK na tahimik lang. "Hindi ka na shy ngayon, bro?" Ngumisi pa ito.

Hindi sumagot si JK at sa halip ay umarteng parang walang narinig.

"Feel na feel mo yata, a." Si Jimin na naniningkit pang tiningnan si JK.

Pero kung ano'ng reaksyon ang ibinigay nito kay Vince ay ganoon din ang ibinigay nito kay Jimin.

"Guys, hayaan n'yo na si JK. At least mabawasan ang pagiging mahiyain sa babae," singit ni Rapmon na kumindat pa kay JK na hindi ko alam ang naging reaksyon dahil hindi pa rin siya kumibo.

BOYS TO SEEK (JK and Armina Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon