Chapter 11

498 47 3
                                    

CHAPTER 11

JK

"JK, promise, hindi mo na ako kailangang ibili ng mga damit," panunubok pa niyang mangumbinsi kahit pa ilang beses na niyang sinabi.

Pero nagkunwari akong walang naririnig habang nakatingin sa labas.

"Uy, magsalita ka..." aniya habang pilit na hinuhuli ang aking tingin.

Humugot ako ng malalim na buntonghininga at diretsong tinitigan ang mukha nito. Saglit akong natigilan lalo pa nga't sobrang lapit lang namin sa isa't isa. Gulat pa siyang napalayo habang pilit na ikinukubli ang namumulang mga pisngi.

"Mainam na may extra ka para hindi ka gumamit ng ibang jacket."

"Hindi naman gaanong malamig. Kaya ko naman..." pangangatwiran pa niya sa paraang parang nagmamaktol.

Yeah. Cute.

"Kaya pala hindi mo matanggihan ang jacket ni Jimin." Hindi ko magawang ikubli ang selos.

Alam kong kapag tuluyang nagpursige si Jimin ay hindi rin impossibleng mahulog ang loob ni Armi rito. And that is something I don't think I could take.

"Nagmamagandang loob lang naman 'yong tao."

Nagtaas ako ng kilay at matamang tinitigan ito. Nakanguso siya at nakatingin lang sa harap.

"Do you like him?" hindi ko na rin napigil itanong.

Gulat siyang tumitig sa akin na akala mo hindi inaasahang itatanong ko iyon.

"Hindi, a! I mean, mabuting tao si Jimin. Gusto ko siya bilang tao... Gano'n..." nangangapa pang paliwanag niya na nagpangiti sa akin.

All right. I guess she's being sincere about it.

Dumiretso ako ng upo at muling itinuon ang tingin sa harap. Pero agad din akong napalingon dito nang banayad niyang hilahin ang kamay niyang hawak-hawak ko pa rin pala.

"Oh, sorry..." Agad ko namang binitiwan iyon at muling tumingin sa harap.

Ni hindi ko alintana na hawak ko pa rin pala ang kamay niya!

Hindi nagtagal ay nakarating kami sa pinakamalapit na mall. Hindi na rin naman kami nag-aksaya ng oras at dali-dali na rin kaming bumaba ni Armi.

"JK, hindi yata magandang ideya 'to," bulong pa niya habang naglalakad kami sa kahabaan ng mall.

"Kulang pa ba ang takip sa mukha ko?"

Nangingiti naman siyang tumango. "Kung sa bagay... Hindi naman kita."

"I told you."

Nang makakita ng boutique ay banayad ko siyang hinila papasok at agad na pinamili ng damit.

"W-wala akong type," nakangiwi pa niyang sabi. Like she's totally trying to convince me.

"Really?" Tinitigan ko siya sa mukha habang pilit na inaaninaw ang mga mata ko sa likod ng dark shades na suot ko.

"Isuot mo na lang lahat nang mapipili ko." Walang pagdadalawang-isip na humugot ako ng mga damit na sa tingin ko ay babagay sa kanya.

"JK, stop! Hindi ko kayang bayaran lahat nang iyan!" tarantang aniya sabay awat sa kamay kong kumukuha ng mga damit.

"Believe me. Bagay sa 'yo 'to."

Umiling-iling siya. "Mahal 'yan. Ayos na ang isa!"

"I'll pay for it. Hindi ko rin ibabawas sa suweldo mo, kung iyan ang inaalala mo."

"Ang kulit po! Hindi naman kailangan ganyang karami kasi!"

Noon na ako huminto sa pamimili at agad na inabot sa kanya ang ilang pirasong mga damit na sa tingin ko ay kakasya sa kanya.

BOYS TO SEEK (JK and Armina Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon