Chapter 19

488 47 2
                                    

CHAPTER 19

JK

Keeping my relationship with Armi was quite hard than I could imagine. I sometimes wanted to hug and kiss her, but the boys were all around me. Like they knew something was going on.

Ilang araw na wala kaming ginawa kundi ang magbabad sa practice room at aralin ang choreography ng aming kanta. Sa tingin ko ay ang laki na naman ng nabawas sa timbang ko dahil sa sobrang pagpapawis.

"You look gloomy, bunso. May namimiss ka ba?" Si Jin na ngumisi pa sa akin.

I roll my eyes. Alam kong iba rin makiramdam si Jin sa lahat lalo pa nga at matagal ko rin siyang nakasama sa kwarto. He was like a big brother to me. At gustuhin ko mang sabihin sa kanya ang totoo, nandoon ang pag-aalangan dahil alam kong dalawa na sila ni Jay ang makakaalam.

"Don't you have anything to tell me, huh?" nang-uusisa pang aniya habang titig na titig sa aking mukha.

"None. Ano namang kailangan kong sabihin sa 'yo?" pa-inosenteng sagot ko pa sabay iwas ng tingin.

Yeah, I find it hard to lie.

"Are you sure about that?"

Tumango ako. "Yeah." Kabado akong uminom ng tubig.

Nakadistansya kami sa karamihan kung kaya kami lang din ang nagkakarinigan.

"You can tell me anything, you know. I am still your big brother."

Napalunok ako sa sinabi niyang iyon. Guilt crawling down to my bones.

"I'm okay. I have nothing to tell."

Tumango-tango lang siya at hindi naman na nangulit. Pero nang pumasok si Armi ay halos natuon ang atensyon nila sa amin. Hindi ko tuloy maiwasang mailang lalo pa nga at para bang may kakaiba sa ngiti nila.

"You're looking pretty, Armi," bati ni Jimin dito sabay salubong para kuhanin ang juice na dala nito.

"S-salamat..." nahihiyang sagot ni Armi sabay makahulugang sumulyap sa akin.

Tumikhim ako at nagpamukhang kalmado kahit na hindi ko na naman maiwasang magselos sa paglapit na iyon ni Jimin. I felt threatened with him since I knew how he works his charm. Not he's trying to because it's all natural to me. He could simply look the girl in the eyes and they were all over him.

Nang mabigyan na ni Armi ng juice ang lahat ng nasa kabilang side ay saka siya lumapit sa amin ni Jin.

Una niyang hinainan ng juice si Jin na agad namang nagpasalamat.

Nang lumapit siya sa akin ay pasimple kong hinawakan ang kamay niyang nakahawak sa tray. "Thanks for the juice," pormal na sabi ko kahit pa wala akong gustong gawin kundi yakapin at halikan ito.

Ilang araw na nga bang hindi kami nakakapagsolo man lang? Kahit na nasa iisang bahay kami ay sobrang hirap magsolo lalo pa nga at madalas na nakakalat ang grupo. Ni hindi rin ako makapagsolo sa kwarto dahil kung hindi si Jimin ang nakatambay ay si Vince.

Pero agad ko ring binitiwan ang kamay na iyon ni Armi nang magpakawala ng ubo si Jin. Hindi man siya nakatingin ay nakangisi naman siya sa kawalan.

Ugh! I hate this!

Tarantang umalis si Armi na tila ba nakahalata rin sa inasal na iyon ni Jin.

"You can't keep everything a secret, little bro," makahulugan pang aniya bago tumayo at nakisali sa kuwentuhan ng grupo sa kabila.

Pero sa halip na pansinin ang sinabi niyang iyon ay nagmamadali akong lumabas ng practice room at sinundan si Armi sa kusina. Kataong nag-iisa siya roon at abala sa paghuhugas ng plato.

BOYS TO SEEK (JK and Armina Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon