Chapter 9

507 39 1
                                    

CHAPTER 9

JK

Karaniwan ay otso oras ang ginugugol namin kada araw sa pag-e-ensayo ng mga kanta at sayaw. Our group was notable for our synchronized moves on stage. At balak naming pangatawanan iyon hanggang sa huli kahit pa sobrang sakit sa katawan ang inaabot namin.

Halos katatapos lang namin mag-ensayo noon nang mapansin ko si Armi na abala sa pagdidilig ng mga halaman sa garden. Kahit pa sobrang simple niya ay hindi talaga nakakasawa ang kanyang ganda.

"Baka malusaw, JK!" panunukso ni Jay na nagpaikot sa mga mata ko.

Pero sa halip na magkomento ay tinalikuran ko lang siya at nagdiretso sa kwarto. Tulad nang inaasahan ay hindi pa rin siya lumubay sa pang-aalaska sa akin.

"Come on, bunso, magtapat ka na kasi!"

"Leave me alone, bro," simpleng taboy ko sabay hubad ng pang-itaas na damit. Kulang na lang ay pigain ko iyon dahil sa sobrang basa ng pawis.

"Seriously, after the stunt of saving your girl, you're still going to keep it all by yourself?"

Bumuga ako ng hangin at matamang tinitigan ito. "I was just feeling guilty about what happened to her. That was just it. Yeah, I told you that I like her, but I only meant her personality. Kakaiba siya sa mga babaeng nakasanayan nating naghahabol. She's just different. Ganoon lang iyon."

"Are you saying that you don't like her romantically?"

Umiling ako. "Not like that."

Malalim lang siyang nag-isip. Para bang naninimbang sa mga sinabi ko.

"Hmm, tell me, bunso... Why do you keep on denying? Wala namang masama kung aminin mong gusto mo siya?"

"I barely knew her, Jay. Kaya 'wag mo ipilit sa akin ang opinyon mo."

Natatawang nagtaas lang siya ng dalawang kamay sa ere at umiling-iling. "All right. Kung ayaw mo umamin, e, 'di bahala ka. Just don't tell me that I didn't warn you."

Kunot-noo ko siyang tinitigan. What was that supposed to mean?

"I think Vince and Jimin were serious about their feelings."

"Sa tingin mo, seseryosohin ni Armi ang dalawang iyon?"

Nakangisi lang siyang nagkibit-balikat. "I don't know. But you see, our rascal Vince is a very lovable guy and he is popular with girls. I don't think it would be too hard for him to convince a girl. And Jimin? He is such an angel. The boyfriend-type kind of guy. Impossibleng hindi sila magustuhan ni Armi. Iyon ang sigurado ko."

I wouldn't argue with that. Sila ang eksaktong description ni Jay. The ideal ones. The romantic ones.

"Hindi sila papansinin ni Armi," siguradong sabi ko sabay umiling-iling. "She knew that they wouldn't take her seriously."

Lalong lumapad ang ngisi niya. "Are you up for the challenge?"

"What?" tamad kong sagot.

"Makipagpalit ka muna ng P.A. kay Jimin. Sabi mo nga, at mukhang confident ka naman na hindi papansinin ni Armi ang kahit na sino sa dalawang iyon, then, pumayag kang makipagpalit ng P.A. sa buong trip natin abroad."

"Puro kalokohan ang naiisip mo, Jay."

"Bakit takot ka?" naghahamon pang aniya. "Akala ko ba sigurado kang walang magugustuhan si Armi sa kanilang dalawa?"

Tumikhim ako at sinamaan ito ng tingin. "Okay, fine. Deal."

Nakangisi siyang tumango-tango. "It's a deal then. I'll tell Jimin the good news," aniya sabay nagmamadaling tumalikod.

BOYS TO SEEK (JK and Armina Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon