Chapter 41

861 61 7
                                    

CHAPTER 41

JK

I had a rough month.

Literally.

I thought I wouldn't able to survive but surprisingly I did with the help of my bandmates. Sobrang laking pasalamat ko sa kanila dahil hindi nila ako iniwan sa ere kahit pa wala naman akong hiniling na gawin nila iyon. They were truly my brothers.

Sa mga panahong puro problema ang hinaharap ko ay iniwasan ko muna rin si Armi sa abot ng aking makakaya. I really thought she'll disappear on me, but thankfully she didn't. Not at least immediately. Alam kong darating ang araw na aalis siya at wala rin naman akong karapatang pigilan siya.

Pansamantalang tumigil si Armi sa trabaho para na rin sa kaligtasan niya. May mga pictures niya ang makikita pa rin sa mga social media sites at 'di na magawang kontrolin sa pagkalat. Pero ginagawa pa rin ng tech team ang kanilang magagawa para matanggal lahat iyon.

"Are you feeling okay?" Si Jin na hinagod pa ang likod ko.

Tumango ako at tipid na ngumiti. Hindi ko masabing buo ang kaligayahan ko. Kahit pa bahagyang humupa ang eskandalong kinasangkutan ko, nananatili ang katotohanang tinanggihan ni Armi ang kasal na inaalok ko. At wala na yatang mas sasakit pa roon.

"After all that happened, I still can't believe we're still here and doing our concert, huh?"

Mapait akong ngumiti. Malayo ito sa inaasahan kong mangyari. Marami mang advertisement namin ang nag-back out dahil sa akin ay nakamamanghang marami pa rin naman ang pumalit. At sa dami rin ng mga negatibong nabasa ko sa mga social media sites, hindi ko naisip na marami pa ring fans ko ang nagmamahal sa akin. I really thought that all my hard work will go down to drain.

Matapos ang kaunting touch up ay muli kaming sumalang sa stage para sa group performance.

Kahit pa ang dami kong iniisip ay saglit kong nakalimutan iyon habang nagpe-perform sa stage. Ang malakas na sigawan ng mga fans ang saglit na pumawi sa aking mga alalahanin.

Humihingal akong naupo sa isang tabi at uminom ng tubig habang nagsasalita ang iba sa mic.

"JK, JK, come here!" tawag ni Jay na noo'y nasa kabilang side ng stage.

Agad naman akong lumapit dito kasunod ang iba ko ring kasama.

"Look at that," bulong nito sabay turo sa mga fans na nasa unahan.

At ganoon na lang ang gulat ko nang makita ang isang babae na may hawak na tarpaulin at nakasulat doon ang mga salitang 'Will you marry me, JK?'

"Whoa... That's something new? I thought para kay Yogi ang message?" natatawang sabi pa ni Jay sa mic.

Pinaikot ni Yogi ang mga mata niya.  "Ako na naman ang nakita ninyo?"

"Wala bang face reveal ang nagtatanong?" nakangising tanong ni Jimin habang pilit na inaaninaw din sa stage ang mukha ng fan.

Saglit kong minukhaan ang babae na noo'y tamang nakasuot ng cap at halos matakpan ang mukha ng itim na face mask. Pero ganoon na lang din ang mangha ko nang matitigan ang magagandang mga mata na iyon.

Armi?

"Mukhang nagkatotoo ang hula naming ikaw talaga ang unang mag-aasawa, a," natatawang bulong ni Rapmon.

Curious na nagtinginan ang ibang fans na malapit at maging ang cameraman ay agad na tumutok dito.

"How do you want to answer that, JK?" natatawang tanong ni Jimin gamit ang mic nito.

Nagsigawan ang mga fans sa pag-iisip na isang lucky ARMY lang din iyon.

"Can you take her here?" utos ko sa security na malapit sabay turo kay Armi.

BOYS TO SEEK (JK and Armina Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon