Chapter 10

485 44 2
                                    

CHAPTER 10

Armina

Halos manlamig ako nang lumipad na ang eroplano sa ere. Hindi ko sukat-akalain na ganito ang magiging pakiramdam. Nandoon ang takot at pagkalula sa isiping sobrang taas namin sa lupa.

Mariin akong pumikit at pilit na kinalma ang sarili. Alam kong dahil first time kong sumakay ng eroplano kaya ganito ang kaba. Ilang beses akong huminga ng malalim at nang maramdaman kong diretso na ang lipad ay saka na lang ako bahagyang napanatag.

Mabilis na nag-alis ng safety belt si Jane at nagmamadaling pumunta ng banyo. Ang iba naman ay relax na relax lang at karamihan ng staff ay tulog.

Bahagya akong nakapag-a-adjust na noon nang biglang sumulpot si Jimin sa tabi ko.

"Etong tubig, o. Mukhang namumutla ka," nag-aalala pang aniya sabay abot ng tubig.

Nahihiya akong tumango at tinanggap ang bottled water. Walang dudang siya talaga ang anghel ng grupo. Palagi siyang nakaalala sa maliliit na bagay.

"Pakibigay din kay Jane itong isa," aniya sabay lagay ng tubig sa cup holder.

Tumango ako at bahagyang pinakiramdaman ang sarili.

"You'll be fine. Masasanay ka rin sa mga susunod mong sakay."

Tipid akong ngumiti. "S-sana nga."

"Gusto mong mamasyal sa business class?"

Kumunot-noo ako. "Mamasyal?"

"Yeah. Come on. Para makita mo."

Maagap akong umiling. "Nakakahiya 'yon. Ayos lang ako rito."

"Saglit lang tayo. Para lang makita mo kung gaano ka-comfortable roon."

"Hindi na talaga, Jimin. Ayos lang ako rito."

Malalim lang siyang bumuntonghininga sa pagtanggi ko. "Sige na nga. Basta kapag nahihilo ka or 'di maganda ang pakiramdam mo, huwag kang mahihiyang magsabi kay Jane. Prepared iyon sa mga gamot."

Tumango ako at tipid na ngumiti. "Salamat, Jimin."

"Hindi na kita abalahin. Magpahinga ka na."

"Ikaw din."

Noon na siya tumayo at muling bumalik sa upuan nito sa business class. Sadyang maalalahanin at maalaga si Jimin sa lahat kung kaya hindi ko mabigyan ng kahulugan ang mga ginagawa niya para sa akin. Maging si Vince ay ganoon din.

At para mawala ang hilo ay nagpasya na lang akong ipikit ang mga mata at hindi ko na lang namalayan na nakatulog pala ako.

Hindi naging madali ang buong biyahe papuntang London. Halos abutin kami ng mahigit isang araw sa paglalakbay kasama ang airport transfers. Kaya naman nang makarating kami sa aming destinasyon, karamihan sa amin ay kwarto at kama agad ang hinanap.

Pero matapos namang maipahinga at maikain ang pagod na katawan ay saka ko lang na-appreciate ang ganda ng London.

"Mukhang wala kang gaanong dalang makapal na damit, a. Baka ginawin ka sa labas," nag-aalalang sabi pa ni Jane nang makita ang maliit na suitcase na ipinahiram pa sa akin ni Mamang Udyang.

Kinagat ko ang aking labi at ngumiwi. Wala rin naman akong ideya na magiging sobrang lamig sa labas.

"Oo nga. First time ko mag-travel kaya hindi ako maalam sa mga ganito."

"Mukhang kailangan kong magsabi kay JK. Baka magkasakit ka pa rito."

Maagap akong umiling. "Ayokong makaabala sa kanila. Sobrang magiging busy sila sa rehearsal."

BOYS TO SEEK (JK and Armina Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon