Chapter 36

609 57 5
                                    

CHAPTER 36

Armina

Tahimik akong nakatingin sa labas habang natutulog si JK. Hindi ko mapigilan ang masaktan sa tuwing maaalala ang nakitang saya nito kasama si Aiyu. Sa tingin ko ay may espesyal na silang pagtitinginan lalo pa nga at hinahayaan lang ni JK itong maghahawak sa kanya.

Wala ako sa sariling inalog ang ulo at pilit na binura ang imaheng naglalaro sa isip ko. Kailangan kong itanim sa isip ko na kahit na kailan, hindi magiging kami.

Hindi nagtagal ay nakarating din naman kami agad sa HQ. Nag-aalanganin man ay ginising ko pa rin si JK na namumungay pa rin ang mga mata sa sobrang antok.

Humahapay siyang tumayo kung kaya mabilis din naman akong nakaalalay sa baywang nito.

Nang mapansin ang ginawa ko ay umismid siya pero wala namang sinabi.

"Ako na, Armi," boluntaryo agad ni Ariel na tangka pa sanang kukunin ang braso ni JK pero agad na umiwas ito. At sa halip ay umakbay pa sa akin si JK at hindi pinansin ang pagmamagandang-loob na iyon ni Ariel.

Nagkakamot naman ng ulong tumingin sa akin si Ariel at may kung ano'ng ibinulong na hindi ko maintindihan.

Umiling ako at ngumiwi na lang bilang sagot habang nakayakap sa baywang ni JK. At kahit pa may amoy alak ay lumulutang pa rin ang kanyang pabango.

"Hindi ka ba nainip?" tanong pa niya habang paakyat kami sa ikalawang palapag.

Tumango ako at mapaklang ngumiti. "Ayos lang. Trabaho ko naman 'yon."

Hindi ko alam kung bakit biglang nabago ang ekspresyon ng kanyang mukha sa sagot kong iyon. Hindi na rin siya nagtanong hanggang sa makarating kami sa tapat ng kanyang kwarto.

"Okay ka na? Kaya mo na mag-isa?" paniniguro ko pa.

"Kung sabihin ko bang hindi ko kaya, sasamahan mo ba ako?" masungit pang aniya na nagpaawang sa labi ko.

"K-kung kailangan..."

"Or sasamahan mo ako dahil trabaho mo."

"Trabaho ko naman talaga ito..."

Mapakla siyang tumawa at tila inis na umiling-iling. "Do you still even care about me? Puro trabaho na lang talaga?"

"JK..."

"I can't believe that after everything you've done, I am still this idiot who keeps on hoping that you still love me!"

Mangha akong tumitig sa kanya. Tama ba ako ng intindi sa sinabi niya? He still loves me?

"Yeah! I get it! My feelings didn't matter! It's my career that's more important to you!" naghihinanakit pang aniya bago galit na binuksan ang pinto ng kwarto nito at padabog ding isinara iyon. Ni hindi ako hinintay na makapagsalita.

Naguguluhan akong pumasok ng kwarto at saktong naabutan ko roon sina Vince at Jimin na mukhang nagising lang din sa ingay namin.

"I think the plan didn't work..." nakangiwing sabi ni Vince kay Jimin. Tipo bang hindi naman din sinasadyang iparinig sa akin.

"How's the party?" Si Jimin na naghihikab pang bumangon sa bed.

"A-ayos naman. Sorry at napuyat kayo."

"It's okay. Inilipat lang namin si Kurt dito at baka kako magising ng madaling araw, e, bigla kang hanapin." Si Vince na maingat ding lumayo sa bed.

Mapait akong ngumiti sa mga ito. "Thank you talaga..."

"Don't mention it. Anything for our nephew." Mapait na ngumiti si Jimin. "Kumusta naman kayo ni JK? Nakapag-usap ba kayo?"

Umiling ako. Hindi ko alam kung dapat ba akong magkuwento tungkol sa sinabi niya.

BOYS TO SEEK (JK and Armina Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon