Chapter 1

1K 59 1
                                    

CHAPTER 1

JK

Armina is very pretty.

Humugot ako ng malalim na buntonghininga at pasimpleng tinitigan ang mukha niyang iyon. Sa tingin ko ay hindi sila nagkakahuli sa edad ni Sofie, pero sa ganda ng mukha ay talagang naiiba.

Nang mag-angat siya ng tingin sa akin ay pasimple akong nag-iwas ng tingin at kunwari ay itinuon ang atensyon sa TV. Nakaikot ang grupo sa sala at tamang nood lang.

We've been living for years in one roof. Puro intense training ang nangyari sa amin bago kami tuluyang sumabak sa mundo ng entertainers. Ilang taon din ang binilang bago tuluyang makilala ang aming grupo. At hindi naging madali ang lahat. Muntikan pa kaming ma-disband dahil sa sobrang higpit ng kompetisyon.

"Kakaiba pala ang pakiramdam kapag may maganda tayong nakikita..." bulong ni Vince habang nakatitig pala kay Armi na noo'y abala sa pagpupunas sa mga furniture.

Binalewala ko ang sinabi niyang iyon at kunwari ay hindi nagpakita ng interes kahit na ang totoo ay tama naman ang sinabi nito. Kung tutuusin, ang mga babaeng direkta naming nakakasalamuha ay ang umiikot lang sa production team. Bukod doon ay wala na. Ni hindi kami allowed mag-girlfriend habang nasa agency. Though yeah, older members have their own ways. Hindi nga lang makapag-seryoso dahil sobrang hectic ang trabaho.

Muli akong sumimple ng tingin kay Armi na noo'y abala pa rin sa paglilinis. Nakatali ng mataas ang kanyang itimang buhok dahilan para malantad ang makinis at maputi niyang leeg.

Wala ako sa sariling lumunok at muling nag-iwas ng tingin. Hindi ko maintindihan kung bakit all of a sudden ay nagkainteres akong tumingin sa babae. Napapalibutan ako ng mga magagandang babae sa mundong ginagalawan namin at ang nag-iisang crush kong singer-actress ang tamang lantaran kong hinahangaan pero bukod doon ay wala na.

"Do you think hindi talaga niya tayo kilala?" bulong ni Jimin.

Umismid ako at 'di pa rin nagpakita ng interes. Sa edad ni Armi ay parang hindi kapani-paniwalang hindi nga kami nito kilala gayong kinikilala na ang grupo namin sa ibang bahagi ng mundo.

"She's been ignoring our presence. Hindi nga siguro," sagot ni Vince.

"She must be intentionally hiding it from us to keep her job," singit ko habang nakadirekta ang tingin sa TV.

"You think so?" Si Vince na walang kahiya-hiya pang tumitig pa rin kay Armi.

"Yeah," tamad kong sagot.

Hindi naman na kumibo si Vince at maging si Jimin sa tabi ko. Pero pakiramdam ko ay kay Armi pa rin nakatuon ang atensyon nila.

Pero halos sabay-sabay kaming napatingin sa may pinto nang bumungad doon ang aming manager na posturang-postura sa suot nitong suit.

"Good morning, kids!" masayang bungad pa nito.

Agad naman kaming bumating lahat at umayos ng upo. Komportable itong naupo sa tabi ng leader naming si Rapmon bago magsalita.

"May bago kayong i-shoot na music video kaya mag pack-up na kayo ng gamit n'yo na good for three days," balita pa nito.

"Saan naman po ngayon?" tanong ni Rapmon.

"Somewhere in Tagaytay lang naman. Iwas muna tayo sa maraming tao ngayon at parang hindi na sasapat ang bodyguards ninyo sa dami ng mga fans ninyo."

Tumango-tango ang lahat. Kahit pa alam naming nakakapagod ang pag-shoot ng MV ay worth it pa rin naman ang hirap lalo pa nga't ilang araw lang ay nasa chart na agad ang kanta namin.

BOYS TO SEEK (JK and Armina Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon