Chapter 12

470 44 3
                                    

CHAPTER 12

Armina

Hindi ko alam kung dapat ko bang alisin ang kamay na iyon ni JK o papaano. Wala rin akong ideya kung bakit niya ginagawa ito.

Gusto ba niya ako?

Pero bakit?

Kinagat ko ang aking labi at pilit na pinaglabanan ang luhang gustong sumungaw sa aking mga mata. Ayaw ko mang mag-isip ng negatibo, iyon ang pumapasok sa isip ko. Ginagawa ba niya ito para subukin kung bibigay ako kaagad? Ganoon ba iyon? Kaya ba niya ako binilhan ng mga damit at sapatos dahil may kapalit?

Nang makarating kami sa hotel ay nanatili akong lunod sa mga iniisip.

"Are you okay, Armi?" nag-aalalang tanong pa niya nang papunta kami sa kanyang suite.

"Hindi ako gaya ng ibang babaeng iniisip mo, JK. Sana malinaw sa 'yo 'yon."

Gulat siyang tumitig sa akin. Tila ba hindi inaasahang sasabihin ko iyon.

"W-wala akong iniisip na ganoon, Armi. Is it about me holding your hand?"

Kinagat ko ang aking labi at pilit na pinaglabanan ang luha. Pero hindi ko nagawang pagtagumpayan iyon dahil agad na binasa ng luha ang aking mukha.

Humugot siya ng malalim na buntonghininga at malungkot na tumango-tango.

"Sorry about that. I just felt doing it because I think I..."—kabado siyang tumitig sa akin—"like you..."

Umawang ang aking labi at gulat na tumitig dito. Parang hindi magawang i-proseso ng utak ko ang pagtatapat niyang iyon. At kahit pa gusto kong maniwala ay nandoon ang pag-aalinlanganan.

"Magpahinga ka na. Salamat sa mga pinamili mo. Ikaltas mo na lang sa suweldo ko kung kinakailangan."

Nanlulumo siyang tumitig sa akin. "No, it's all right. Bigay ko lang 'yan..."

"Salamat," malamig kong sabi bago lumuluhang tumalikod.

Nang makarating ako sa kwarto namin ay doon ko ibinuhos lahat ng aking nararamdaman. Hindi ko alam kung tama bang ganoon ang naging reaksyon ko o papaano. Parang ang hirap naman kasing paniwalaan na basta na lang niya ako nagustuhan.

Inalog ko ang aking ulo at wala sa sariling tinunton ang banyo para maghilamos. Kahit na papaano ay nakatulong iyon para kumalma ang puso ko.

Hindi na ako lumabas ng kwarto at sa halip ay nahiga na lang sa bed. Pipikit na lang sana ako nang biglang tumunog ang cell phone ko at ganoon na lang ang gulat ko nang makita ang pangalan ni JK.

John Kurt: I'm sorry for making you feel that way. Don't worry, I won't bother you anymore. I mean, you still have the job. Just forget what I told you, okay? I don't want you to feel uncomfortable.

Kinagat ko ang labi dahil parang kinurot ang puso ko sa simpleng mensahe na iyon. Parang ibig kong magsisi na hindi ko maintindihan. Pero alam ko rin sa sarili ko kung ano ang mabuti para sa akin. Namasukan ako para magtrabaho at makaipon ng pera at hindi para makahanap ng pag-ibig.

Me: Thank you.

Iyon lamang ang naisagot ko sa text na iyon. Hindi na siya nag-reply pa pagkatapos niyon. At nakatulugan ko na rin ang lungkot na hindi ko rin kayang ipaliwanag kung saan nanggagaling.

Kinabukasan ay naging sobrang abala ng lahat para sa concert ng BTS. Nang mapuno ang stadium at marinig ang malalakas na sigawan ng fans ay saglit kong nakalimutan ang nangyari kagabi. Mukhang iwas din naman si JK at hindi man lang ako magawang tingnan.

BOYS TO SEEK (JK and Armina Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon