Chapter 37

640 58 8
                                    

CHAPTER 37

JK

Matapos mangumusta ay agad na ring umuwi si Manager Lee. Tamang nakibalita lang ito kung ano ba talaga ang nangyari sa pag-atake kanina at sinigurong wala sa amin ang nasaktan.

Kinabukasan ay naging laman kami ng balita. Sinasabing ang mga taong nagtangkang saktan kami ay mga bayaran umano, pero hindi masabi kung ano ang totoong motibo dahil tamang napag-utusan lang. May mga nagsasabing possibleng inggit iyon sa tagumpay na tinatamasa ng grupo kung kaya gustong masaktan kahit na ang isa sa amin.

At dahil sa pangyayaring iyon, kulang na lang ay gawing triple ang dami ng PSG sa tuwing lalabas kami sa HQ. Higit din naman akong naging kampante sa set-up na iyon lalo pa nga't inaalala ko lang din ang nangyari kay Armi noong gabi na iyon. Kahit pa sanay siyang protektahan ang sarili niya ay hindi ko pa rin maalis ang mag-alala. Ayoko na lang ding malagay ulit siya sa alanganin dahil lang sa trabahong ayaw naman niyang iwan.

Halos gabi-gabi na naman ang naging pag-uwi namin ng mga sumunod na araw. Sa sobrang pagod, mas madalas ay sa kwarto ang diretso namin para matulog agad. Ni hindi ko magawang silipin ang anak ko.

Maghahating-gabi noon nang maalimpungatan ako at makaramdam ng sobrang uhaw. At dahil naubos ko na ang tubig sa loob ng ref ay nagdesisyon akong bumaba sa kusina.

Pero hindi pa man ako tuluyang nakakalapit sa kusina nang maulinagan ang boses ng isang lalaki kausap si Armi. Nang bahagyang makalapit ako ay noon ko na lang nabosesan si Manager Lee.

What is he doing here?

"Hindi ko alam kung ano'ng plano mo sa pagbabalik mo. Buong akala ko ay nagkaintindihan na tayo noon, Armi?"

"Naiintindihan ko naman po..."

"Then, why are you here? Bakit sa dinami-dami nang papasukan, bakit dito pa rin?! Is it because of your son with him?"

"Hindi ko naman po naisip, sir, na makukuha ang agency namin. Hindi ko naman po sinasadya..."

"Seriously? Ngayon pa ba?"

"Sorry po..."

"Look... How much do you still need? I could pay you. Name your price. Lumayo na lang kayong mag-ina at huwag n'yo na lang guluhin pa ang buhay ni JK. He already moved on from you. Huwag mo na pahirapin ulit ang sitwasyon."

Pakiramdam ko ay pinagbagsakan ako ng langit at lupa sa narinig kong iyon. Ibig bang sabihin, siya ang rason kung bakit umalis na walang paalam si Armi noon? 

"Hindi po kailangan. May trabaho naman po ako. Kaya ko pong buhayin si Kurt sa munting paraan ko."

"Kurt is still JK's son. Don't get me wrong. Nag-aalala rin ako para sa anak ninyo pero hindi kayo puwede rito. Sana naiintindihan mo 'yon, Armi. Ito ang pangarap na buhay ni JK. Gusto mo bang sirain 'yon? Kapag lumabas ang balita tungkol sa inyo, maraming magagalit. Maraming mawawala. Do you want that for him? Do you want him to be miserable?"

Umiiyak na umiling si Armi. "H-hindi po..."

"Then, do what is right. At ang ginawa mo noon, iyon ang tama. Iyon ang mabuti para kay JK. Hindi lang para sa kanya kundi para sa grupo. Sana lang, huwag mo na patagalin pa 'to. Sana lang, gawin mo pa rin ang mabuti para sa kanya. Matutulungan kita para bigyan ng magandang future ang anak ninyo. Just stay away from him. Nagawa mo na noon. Sana magpakalayo-layo ka na at 'di na magpakita ulit. Do it for JK's sake! Are we clear?"

Tumango si Armi nang 'di nag-aangat ng tingin dito.

Mabilis akong tumalikod at tahimik na bumalik sa ikalawang palapag. Sa sobrang galit na nararamdaman ko, mas pinili ko munang huwag komprontahin si Manager Lee. Alam kong sa nararamdaman ko, puwede ko siyang masaktan at mapagsabihan ng kung ano-ano'ng masasakit na mga salita.

BOYS TO SEEK (JK and Armina Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon