Chapter 33

543 50 3
                                    

CHAPTER 33

JK

Nakapaikot ang buong grupo sa akin habang seryoso akong tinititigan. I didn't ask them about my decision, but yeah, I admit that I've been quite drastic considering the consequences. They'll probably hate me for it.

"Are you sure about this, bunso?" Si Rapmon na wala mang ibang sabihin ay bakas sa mukha ang pamumuroblema.

Tumango ako. "I'm sorry for not telling you. I get ahead of myself. I knew that was very inconsiderate of me. I am really sorry."

Napuno ng katahimikan ang buong paligid. Para bang walang may balak na bumasag noon.

Malalim na bumuntonghininga si Yogi at diretsong sumandal sa sofa bago magsalita. "Nandito na 'yan, e. Ano pa nga bang magagawa?"

Bumuntonghininga rin si Rapmon. "Yeah. Though, I am pretty sure that our manager will not be very happy about it."

"I don't think we need to tell him anything." Si Jin na tila pinakakalmado sa lahat . "JK's secret will be our secret, too. Sobrang laki ng scandal na 'to. It would be the end of us, for sure."

"I don't mind." Nagkibit-balikat si Vince. "I have everything I needed."

"Me too," sang-ayon ni Jimin. "Our little Kurt is already a family. I would do anything for our family."

Mapait akong ngumiti sa sinabing iyon ni Jimin. Gusto kong ma-guilty dahil sa mabilisan kong pagdedesisyon. Pero ganoon pa man, kung mayroon mang konkreto sa desisyon ko, iyon ay ang makasama ang anak ko.

"Yeah. Family is family. Kahit naman hindi na ako magtrabaho ngayon, kaya ko nang buhayin ang ilang henerasyon ng pamilya ko," mayabang na himig ni Jay na nagpangiti naman sa lahat.

"You're right about that. Ikaw nga ang pinakamayaman sa atin, remember?" Si Yogi.

Tumawa si Jay at tumango-tango. "And besides, hindi na rin naman tayo bumabata. Gusto ko na rin maranasan ang makipag-date nang hindi nagtatago."

"Apir tayo d'yan, bro!" Si Jimin na nakapag-high five kay Jay.

"I like that idea, too. Ang hirap ng walang freedom." Si Jin na kumindat pa sa akin. "So, yeah, bunso. We got your back, okay?"

"Sabay-sabay tayong magtago kay Manager Lee." Si Rapmon na malakas pang humalakhak.

"Truth. Sa hirap at ginhawa ang samahan natin, remember?" Proud pang tumayo ng diretso si Jimin at namaywang.

"I'm free to babysit my nephew." Si Vince na nagtaas pa ng kamay.

"Yeah, me too," nakangising segunda ni Jimin.

"Thank you, guys, so much..." nahihiya kong sabi.

Laking pasalamat ko talaga na sobrang babait ng mga kagrupo ko. Talagang walang iwanan hanggang sa dulo.

"But tell us... Si Kurt lang ba ang gusto mong kunin? What about the mom?" nakangising tanong ni Jin.

I roll my eyes. "I just want to be with my son."

"Sure ka? Son lang?" Si Jay na abot-tainga ang ngiti.

"Sapat na ang hirap na pinagdaanan ko noon. Wala na akong balak na dagdagan pa."

"Come on. I'm pretty sure there is a valid reason for that." Nagkibit-balikat  si Rapmon. "Ayaw mo man lang bang alamin ang rason?"

"All she told me was that she was doing it for my own good? I find that too shallow, don't you think so?"

"I don't think so," kontra ni Yogi. "Mahirap naman talaga i-date ang kahit na sino sa atin, 'di ba? For me, valid ang reason niyang iyon."

"I think so, too. Mas pinili lang niyang huwag makasira sa career natin," segunda ni Jin dito. "Though, yeah... mali nga lang ang naging paraan niya. Pero siguro, naisip niyang hindi ka papayag na lumayo siya kung nagsabi man siya sa 'yo."

BOYS TO SEEK (JK and Armina Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon