Chapter 5

541 43 2
                                    

CHAPTER 5

JK

Hindi ko alam kung sadya bang sabik lang sina Vince at Jimin sa babae o talagang malaki ang pagkagusto nila kay Armi dahil mas madalas na kausap nila ito kaysa sa akin.

"Those two seemed to really like Armi, huh?" Si Jin na inginuso pa ang tatlo na panay ang tawanan.

Umismid ako at nagkunwaring hindi interesado sa binuksan nitong usapan.

"Oo nga pala, may recording si Yogi kasama si Aiyu, a. Don't you want to tag along?" nanunukso pang aniya.

Hindi naman lingid sa grupo ang malaking pagkagusto ko kay Aiyu. Pero hindi ko rin kailanman inisip na makipaglapit dito. Sapat na sa akin ang humanga.

"Hindi ka naman pagagalitan ni Manager basta ilihim mo lang, e."

Humugot ako ng malalim na buntonghininga at umiling. Hindi ko pa rin malaman ang dapat na isagot. Crush ko si Aiyu. Pero gusto ko bang ligawan? I don't think I even came to that extent. Her music and her voice somehow captivated me but I think that's all it. 

"I admire her because she sang really well. Iyon lang iyon," matabang na sagot ko.

"Kahit pa malaman mong crush ka rin ni Aiyu?" Lalong lumapad ang ngisi niya.

Kunot-noo akong tumitig sa kanya. Hindi naman kaya ako pinagti-trip-an ng lokong 'to?

"Nalaman ko lang din sa P.A. ni Aiyu last time. Gusto ka nga raw makausap ni Aiyu kaso naman ay sobrang mahiyain ka."

Hindi ko napigilan ang pagsungaw ng ngiti sa aking labi. Aaminin kong may hatid na saya ang ganoong balita sa akin. Maraming celebrity ang gusto ring makipaglapit kay Aiyu kung kaya overwhelming ang balita niyang iyon kung totoo man. 

"Ano? Sama ka kay Yogi? Sa makalawa na 'yon."

Malalim akong nag-isip. Hindi pa rin ako makapag-decide. Naiisip ko pa lang na kausapin si Aiyu ay parang hindi ko na kakayanin. 

"I don't know."

"Come on, JK. Sayang ang chance. Kaunti lang ang tao sa recording studio. You'll have a lot of private time with her. This is your only chance, you know?"

Marahan akong umiling. Hindi ko talaga alam ang dapat na maging desisyon.

"Ang torpe naman talaga sa babae, oo!" iiling-iling na sabi ni Jin sabay malakas na tapik sa balikat ko. "Tell me when you change your mind, okay? Para isasabay na kita kay Yogi."

Tumango ako at mapaklang ngumiti. Aminado akong pagdating sa babae, nauubos lahat ng confidence ko. At hindi ko rin kayang ipaliwanag kung bakit. 

Noon na naglakad palayo si Jin at nakipagkuwentuhan naman kina Rapmon na nakaupo hindi kalayuan.

Halos katatapos lang ng shooting para sa MV kung kaya chill na ang lahat.

Marahan akong lumapit sa kinalalagyan nina Vince, Jimin at Armi. Panay ang bangka ni Vince kung kaya panay rin ang tawa ni Armi.

"Hey..." bungad ko pa sa tatlo na agad namang napaangat ng tingin nila sa akin.

Matamis na ngumiti si Armi sa akin at hindi ko malaman kung bakit bigla akong kinabahan sa ngiti niyang iyon.

"Hindi ka ba sasama kay Yogi? May recording siya kasama ang ultimate crush mo," nanunuksong bungad agad ni Jimin.

Pero sa halip na sumagot ay umiling lang ako at naupo sa tabi ni Vince.

"This is your chance, bro. Don't waste it." Si Vince na tinapik pa ako sa balikat.

"I don't know. Bahala na." Sumulyap ako kay Armi na noo'y titig na titig sa akin. Ibig ko tuloy ma-conscious dahil doon.

BOYS TO SEEK (JK and Armina Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon