Chapter 15

499 39 1
                                    

CHAPTER 15

JK

Wala ako sa sariling ngumiti habang inaalala ang nangyari kay Armi. Hindi man nito sabihin, alam kong hiyang-hiya ito sa nangyari.

Hmm... It is quite memorable for me, too. It was probably embarrassing on her part, but not to me. That's the closest I've held a woman. Her nice smell lingered in my thoughts all night.

"Kumusta ang date ninyo ni Aiyu?"

Noon ako tila ginising sa pananaginip. "It's not a date," pagtatama ko kay Jin na abot-tainga ang ngiti.

"Come on. Masusundan ba ang date? Kuwento ka naman!"

Umiling-iling lang ako bilang sagot. Aiyu has a very nice personality. Kung crush ko siya noon, after meeting her personally, sa tingin ko ay wala namang nabago. I still love her beauty and her sweet voice.

"It's a dream come true for you, bro. Grab the chance to get to know her more. Kami na ang bahalang magtakip sa 'yo kay Manager Lee," udyok ng aming leader na si Rapmon.

"I didn't dream it like that. Gusto ko lang siya makita at marinig kumanta sa personal. Iyon lang iyon."

"Kuh, deny pa 'to!" Si Yogi na sinundan pa ng malakas na halakhak.

Nangingiti naman akong umiling ulit. Alam kong kahit na ano pang sabihin ko ay hindi nila paniniwalaan. Ipipilit pa rin nila ang iniisip nilang totoong nararamdaman ko.

"Tell us. How is she in person? Mabait din ba?" Si Vince na curious pang tumalungko paharap sa akin.

"She's nice. Sobrang down to earth naman magsalita."

"Do you think she likes you?" Si Jimin na ginaya rin ang pose ni Vince.

Umiling ako. "I can't answer that."

"Hindi pa ba obvious? Si Aiyu pa mismo ang bumisita sa kanya." Si Jin na umiling-iling kay Jimin.

"Oo nga naman. Obvious naman na gusto rin ni Aiyu si JK. Hindi naman mag-effort 'yong tao kung hindi gusto. Naisip siguro niya na kung si JK ang hihintayin niyang lumapit ay aamagin siya!" Si Yogi na sinundan pa ng malakas ng halakhak.

Hindi namin naiwasang matawa rin sa sinabi niyang iyon lalo pa nga't alam nila kung gaano ako kamahiyain. Ang daming pagkakataon sana na makilala ko sa Aiyu nang malapitan, pero dahil sa pagiging mahiyain ko ay palagi akong nakaiwas.

"Mukhang magkaka-girlfriend na ang bunso natin, a!" Si Rapmon na malakas pa akong tinapik sa balikat.

Pero sa halip na magkomento ay natatawa lang akong umiling. Walang dudang maganda si Aiyu. Siya ang basehan ko ng ideal girl ko noon. Pero nang makilala ko si Armi, nabawasan ang paghanga ko kay Aiyu. Hindi maikukumpara ang simpleng insidente sa pagitan ni Armi kagabi.

"Bagay talaga sila. Perfect ang height difference, e." Si Jin na kumindat pa sa akin.

Nang bumagsak ang tingin ko kay Jay ay tila naiiba ang ekspresyon ng mukha niya. Para bang nahuhulaan na niya kung ano talaga ang tumatakbo sa isip ko.

"Hindi ba siya sasama sa huling pamamasyal natin ngayon?" Si Rapmon na sinundan pa ng inom ng juice.

Umiling ako.

"Did you not invite her?"

"Why would I?" wala sa sarili kong sagot.

Nagtawanan silang lahat.

"Oh, come on, JK. Invite her! Mas malaya kayo rito kaysa sa Pinas. Kaya samantalahin n'yo na magkasama kayo!"

"I agree. Hindi n'yo magagawa ang lumabas kapag nasa Pinas na kayo." Si Yogi.

BOYS TO SEEK (JK and Armina Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon