Chapter 29

528 46 3
                                    

CHAPTER 29

JK

Tahimik kaming nakaupo habang naghihintay ng susunod na instruction. Katatapos lang namin sa TV program guesting, pero grabe ang naging dagsa ng mga fans sa labas ng station.

"Sir, mukhang hindi natin kakayanin ang dami ng mga fans. Kahit sa parking lot punong-puno. Hindi po namin na-anticipate ang mangyayari po. Pasensya na po," apologetic na sabi ng team leader ng security.

Iiling-iling na nagkamot ng ulo si Manager Lee. "What are you planning to do now?"

"Tumawag na po kami ng back-up sa ibang security agency. Parating na po iyon. Ilang minuto na lang po."

"All right. Basta siguraduhin n'yo lang na safe ang mga boys ko," mahigpit na bilin pa nito.

Tumango-tango ito bago nagmamadaling tumalikod.

"Someone might have leaked our schedule," conclusion agad ni Vince.

"That's for sure. Wala namang nakakaalam sa TV guesting natin na ito," segunda ni Jimin.

"And, it could be from the station, too," pabulong namang dagdag ni Jin.

Hindi na ako nakisali sa usapang iyon. Ang gusto ko na lang gawin ay umuwi at matulog. Ilang araw na punong-puno ang schedule namin kung kaya hinahanap ng katawan ko ang pahinga.

"Mararanasan pa kaya natin ang normal na buhay?" Si Rapmon na naiiling pa.

"Mukhang impossible na. Kahit bata yata ay kilala na tayo." Si Yogi na sinundan pa ng inom ng tubig.

"Sinabi mo pa." Bumuntonghininga si Jay. "Nagugulat ako kapag may mga bata ring sumisigaw sa pangalan natin. That's quite surprising to see. I am not complaining, though. Pero nakaka-miss ang privacy."

"Yeah. Iyon ang pinakamahirap na makuha ngayon. Privacy," sang-ayon ni Yogi.

"Who would have thought na mararating natin ang ganitong pagkilala." Si Jin na proud pang ngumisi. "This is beyond my expectation. Kahit pa mga foreigner nating fans, ibang klase ang passion."

"The reason I am very thankful to you, guys," madramang singit ni Jimin, "naranasan ng family ko ang maalwang buhay dahil sa inyo. So, thank you so much from the bottom of my heart." Hinagod pa nito ang tapat ng dibdib na nagpatawa sa lahat.

"JK, are you okay?" puna ni Jay habang concerned na nakatingin sa akin.

Tumango ako at mapait na ngumiti. "Yeah. Pagod lang."

Hindi naman na siya nagkomento sa sagot kong iyon. Maging ang mga kagrupo ko ay hindi na rin nagtanong, pero tamang nagpalitan lang ng makahulugang mga tingin.

"Kumusta na nga pala kayo ni Aiyu?" Si Jin na nilingon pa ako.

"Walang kami... but yeah, she's fine," matabang kong sagot bilang pagpapakita ng kawalan ko ng interes sa topic na binuksan niya.

Alam kong duda sila sa sagot kong iyon lalo pa nga at higit kaming naging malapit ni Aiyu nitong nakakaraang buwan.

"Come on. Spill the beans. Kayo na ba, ha?" pangungulit pa nito.

Nangingiti lang akong umiling. What is not to like about Aiyu? She's simply perfect. Bukod sa mabait ay maunawain din siya at maalaga. But the thing is, I just couldn't force myself to love someone else even if it's almost five years that Armi left me without a single fucking word.

"Guys, come on. Nandiyan na ang back-up security." Si Manager Lee na sumenyas pa sa aming sumunod.

Halos sabay-sabay kaming sumunod sa aming manager papuntang parking lot. Pero sa halip na sa dati ay sa ibang floor kami pumunta. Iyon pala ay sa ibang sasakyan kami sasakay.

BOYS TO SEEK (JK and Armina Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon