Chapter 22

433 42 2
                                    

CHAPTER 22

Armina

Para akong tinulos na kandila nang makita si Aiyu sa entrance ng restaurant. Wala ako sa sariling nilingon si JK na noo'y gulat na tumayo nang itulak ito ng mga kabanda.

Nang makita kong tila naghahanap ang mga mata ni JK ay agad akong yumuko at nagkunwaring hindi pansin ang nagaganap na komosyon.

"Wow. Mukhang hindi na pahihirapan ni Aiyu si JK, a. Siya na talaga ang dumadayo!" bulong ni Jane habang nakatuon din ang atensyon kay JK na noo'y palapit na kay Aiyu.

Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang gustong mamahay na emosyon. Kahit pa alam kong gusto ako ni JK, nandoon ang mga insecurities. Alam ko at possibleng mabago pa rin ang damdamin nito. At doon ako natatakot. Hindi ko masabing ganoon na kalalim ang relasyon namin para hindi ma-threaten sa napakagandang babae na gaya ni Aiyu. Siya ang pangarap na babae ni JK noon. Siya at hindi ako.

"Paniguradong dito na magiging M.U. ang dalawang 'yan." Si Lulu na siniko pa si Jane.

"I think so, too. Bagay naman silang dalawa, e. Kaso paniguradong patago at bawal sa contract nila." Si Jane na pabulong pang nagsalita.

"Iyon lang. But still, maraming nakakalusot. Si JK pa ba ang hindi pagbigyan ng management? Sobrang sikat ng grupo nila para hindi ibigay ang kapritso ng mga boys natin." Si Lulu na kumindat pa sa akin. 

Tanging matipid na ngiti lang ang isinagot ko sa sinabi niyang iyon. Sa totoo lang, parang gusto ko na lang magkulong sa kwarto para hindi na masaksihan pa ang interaksyon nina JK at Aiyu sa isa't isa.

Aiyu will always be JK's celebrity crush. At baka nga first love pa niya. Nakasemento na ang balitang iyon noon pa man. At ako? Isang hamak na P.A. lang. Ano nga ba ako kumpara sa kanya?

Magkatabing naupo sina JK at Aiyu sa table kasama ng iba pang miyembro ng BTS. Pakiwari ko ay sobrang close na agad nila sa kakaunting interaksyong namagitan sa kanila.

Si Lulu naman ay tinawag ang P.A. na kasama ni Aiyu at pinaupo sa table namin.

"Girl, ano'ng ginagawa n'yo rito, ha?" nakangising usisa agad ni Lulu rito.

Sumenyas ang babae na tumahimik at alerto pang iginala ang tingin sa paligid namin.

"Naku, mukhang tinamaan na ang alaga ko kay JK. Hindi ko rin alam na plano palang manood ng concert!" tila kinikilig na chika pa nito.

Mapakla akong nakipagsabayan na lang ng ngiti sa mga ito kahit pa parang nagsisikip ang dibdib ko sa balitang iyon. Babae na mismo ang lumalapit... 

"By the way, ito nga pala ang P.A. ni JK ngayon, si Armi," pakilala pa sa amin ni Lulu. "Armi, P.A. ni Aiyu, si Twinkle."

"Really? Ang bata naman ng P.A. ni JK," gulat pang sabi nito sabay nag-abot ng kamay. "Bestie na tayo at ang mga alaga natin ay paniguradong magkakamabutihan na."

Tumango ako at mapaklang ngumiti. Hindi ko alam kung ano bang dapat na maging reaksyon doon. Ang hirap ngumiti habang binibiyak ang puso ko sa dalawa.

"Pagpasensyahan mo na itong si Armi at sadyang mahiyain." Si Jane na inakbayan pa ako. "Nga pala, kailan pa kayo rito?"

"Kahapon pa. Nauna lang kami ng isang araw sa inyo."

"Wow. Iba ang dedication, a."

Nagtawanan sila at wala akong nagawa kundi sumabay na lang ng ngiti sa mga ito. 

"Ano'ng himala ang nangyari at biglang napansin ni Aiyu si JK? Dati naman niyang alam na may crush sa kanya ang alaga mo, pero dedma lang noon, 'di ba?" pabulong na usisa ni Lulu.

BOYS TO SEEK (JK and Armina Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon