Chapter 2

784 46 2
                                    

CHAPTER 2

Armina

Kahit pa puro lalaki silang kasama ko sa SUV ay hindi naman ako nailang lalo pa nga at sobrang respectful naman nila. Hindi ko sukat-akalain na ang simpleng babaeng gaya ko ay makakatanggap ng ganoong trato sa idol ng lahat.

"Have you slept well?" malambing na tanong ni Vince.

"Naidlip ako saglit. Hindi rin naman ako sanay na matulog sa sasakyan."

"Sana pala nagkuwentuhan na lang tayo. Pinilit ko lang naman matulog at paniguradong paguran ang shooting."

"Hindi yata totoo 'yan, Vince," naiiling na singit ni Jimin sabay akbay rito. "Makamasa ka kaya. Parehas kayo ni JK na makamasa!" Sumulyap pa ito kay JK na nahihiya namang ngumiti.

"Kuh! Ikaw din kaya." Si JK na banayad pang sinuntok si Jimin sa braso na tumawa lang.

Kinagat ko ang aking labi at pinigilang mangiti sa cute na interaksyon nilang iyon. Ang sweet nila sa isa't isa. Bagay na medyo nakakapanibago para sa akin lalo pa nga't hindi ko naman nakitaan ng ganoong samahan ang ibang lalaki.

Sinabayan kami ng kani-kanilang mga bodyguard papasok sa sosyal na resort. Sa lobby pa lang ay sumalubong na ang mga staff na halatang nagpipigil na tumili sa pagkakita pa lang sa sikat na grupo. Hindi ako maka-relate lalo pa nga't talagang hindi ko naman sila kilala. Pero siguro nga, magdadalawang tingin ako dahil sobrang gugwapo naman talaga nila.

Saglit silang nag-ipon at nag-usap bago pumunta sa kanya-kanyang kwarto. Inihatid ko si JK sa kwarto niya habang hila-hila ang suitcase nito.

"Ako na riyan, Armi," aniya sabay agaw sa suitcase nito.

"Naku, JK, trabaho ko naman 'to. Ako na lang," giit ko pa.

Pero hindi lang niya ako pinansin. Kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod na lang dito.

Lumagay sa gilid ko sina Jimin at Vince at matamis na ngumiti.

"Saan ang kwarto mo?" tanong ni Jimin.

Ngumiwi ako at nahihiyang sumagot. "Sa kabilang wing kasama ang ibang staff."

"I see. Kapag hindi ka komportable sa mga makakasama mo, magsabi ka lang. Kuha tayo ng solo mo," dagdag pa nito.

"Mababait naman ang mga P.A. namin. Kaya wala kang dapat ipag-alala." Si Vince na palihim pang dinilatan si Jimin na umismid lang.

Marahang lumingon sa amin si JK at umiling-iling sa dalawa. "Lubayan n'yo nga si Armi," may panermong himig pa ng mga ito.

"Masama bang makipagkuwentuhan?" medyo defensive pang himig ni Vince.

Hindi naman na sumagot si JK sa sinabing iyon ni Vince. Halatang may gusto pang sabihin, pero mas piniling hindi na lang kumibo.

Nang makarating kami sa kwarto ni JK kasama si Jin ay saglit akong nag-alangan na pumasok lalo pa nga at wala akong ideya sa gagawin.

"May kailangan ka pa?" nahihiyang tanong ko kay JK. Hindi ko alam kung dapat ko bang galawin ang suitcase niya o papaano.

"Magpahinga ka na lang muna, Armi. Mga around seven ka na lang bumalik."

Tumango ako at nahihiyang sumenyas na lalabas na.

Tipid naman siyang ngumiti. "Thanks. Magpahinga ka muna."

Tumango ulit ako bago tuluyang lumabas sa kwarto nito. Agad kong natanaw sina Vince at Jimin sa kabilang pinto at mukhang may inaabangan.

Nakangiti pa itong sumalubong sa akin. Hindi ko tuloy malaman ang dapat na isipin. Ako ba ang inaabangan nila?

"Hatid ka na namin sa kwarto mo." Si Vince.

BOYS TO SEEK (JK and Armina Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon