Chapter 24

489 50 3
                                    

CHAPTER 24

Armina

Pakiramdam ko ay nakalutang ako sa alapaap.

Mahal ako ni JK. Hindi lang niya ako gusto. Mahal niya ako!

Kinagat ko ang aking labi at pinigilan ang impit na sigaw sa pag-aalalang magising ko si Jane sa kabilang kama.

Kahit pa pagod ay hindi man lang ako dalawin ng antok sa sobrang kaligayahan. Kung ano'ng oras ako nakatulog ay hindi ko na rin namalayan. Basta ang alam ko, nagising akong punong-puno pa rin ng enerhiya.

Naging sobrang abala ang aming maghapon dahil sa concert preparation. Tamang nagkikita man kami ni JK nang mata sa mata ay hindi namin magawang makapag-usap dahil na rin sa dami ng mga taong nakapaligid sa amin.

Nang sumapit ang oras ng concert ay lalong hindi na nagkandaugaga ang lahat. Tahimik akong nakaabang kay JK na noo'y katatapos lang mag-perform ng solo.

Nang pumasok ito sa tent ay grabe ang pawis nito. Agad kaming sumaklolo nang maghubad din ito ng damit pang-itaas.

"Drink some more water, JK," utos pa ng isa sa mga staff doon.

Tahimik namang sumunod si JK at tinungga nga ang bottled water.

Nire-retouch ni Winnie ang makeup nito habang ako ay pinupunasan ang pawis nito sa katawan. Pero halos mapatalon ako sa gulat nang yumakap ito sa baywang ko na akala mo pagod na pagod.

Taranta akong tumingin kay Winnie na mukhang nag-alala pa sa halip na magduda sa kilos nito.

"Ayos ka lang, JK? May masakit ba sa 'yo?"

"I'm okay. Medyo nahihilo lang. Sasandal lang ako saglit," sagot pa nito habang nakabaon ang mukha sa gilid ng aking baywang.

At kahit pa gusto kong magprotesta ay hindi ko nagawa sa pag-iisip na nahihilo talaga ito.

"Wait, kuha lang ako ng inhaler," mabilis na paalam pa ni Winnie sabay takbo palabas ng tent.

Noon na nag-angat ng ulo si JK at pilyong ngumisi sa akin.

Pinandilatan ko ito at banayad na tinapik sa balikat. "Puro ka kalokohan!"

"Nahihilo naman talaga ako, pero tolerable naman."

Pinaikot ko ang aking mga mata.

"Gusto ko lang ma-energize. Masama ba?"

"May ibang tao rito. Baka may makahalata."

Umiling lang siya bago mabilis na tumayo at ninakawan ako ng halik sa labi.

Taranta akong napalayo at agad na iginala ang tingin. Ang daming mga tao sa labas!

Hindi nagtagal ay dumating si Winnie dala ang inhaler at ibinigay iyon kay JK na nagpipigil ng ngiti.

Puro kalokohan din ang isang ito, e.

Palihim siyang kumindat at wala akong nagawa kundi magpigil ng kilig. Nababaliw na nga yata ako!

Matapos ang halos dalawang oras na concert ay tila ba gumaan na ang pakiramdam ng lahat. Bukod sa sold-out, maituturing na successful ang concert sa ganda ng performance ng grupo.

Pagod na dumiretso ang grupo sa hotel at doon na nagsikain. May isang concert pa bukas kung kaya agad na ring nagpahinga ang lahat sa kani-kanilang kwarto.

Si Jane ay naghihilik na sa bed. Ni hindi na rin nagawang maglinis ng katawan dahil sa pagod.

Hihiga na lang sana ako nang makatanggap ng message kay JK.

BOYS TO SEEK (JK and Armina Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon