Chapter 26

503 47 4
                                    

CHAPTER 26

Armina

Buong araw kaming magkasama ni JK at masasabi kong ito na rin ang aking pinakamasaya. Kahit pa wala naman kaming ginawa kundi ang kumain, humiga at manood ng TV ay hindi ko pa rin ipagpapalit ito sa kahit na ano.

"Nasaan na sila? Baka pauwi na ang mga iyon?" nag-aalala kong tanong.

Magkatabi kaming nakahiga sa sofa habang nakapuwesto siya sa likuran ko at nakayakap sa aking baywang. Habang ako naman ay komportableng nakaunan sa kanyang braso.

"They're having dinner. Don't worry too much."

Tumango ako at humugot ng malalim na buntonghininga. Kung puwede lang na hindi matapos ang araw na ito. Kung puwede lang.

Pumaling ako para maayos na makita ang gwapo niyang mukha.

Malamlam ang mga mata niyang tumitig sa akin bago banayad na hinaplos ang aking pisngi.

"You're so beautiful..." bulong pa niya.

Tipid akong ngumiti. "Ikaw din naman..."

"Well, matagal ko nang alam," nagyayabang pang himig niya na nagpatawa sa akin.

"Hindi na ako kokontra. Totoo naman..."

Banayad niya akong kinabig palapit at pinatakan ng halik ang aking noo. "Let's take a nap for a while."

"Baka dumating na sila..."

"Mamaya pa 'yon. Wala pang message si Jay."

Tumango ako at pumikit na rin. Sa totoo lang ay kanina pa rin ako hinihila ng antok kahit pa wala naman kaming gaanong ginawa.

At hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako sa ganoong posisyon.

"JK, ano'ng oras na?" Marahan kong idinilat ang aking mga mata at ganoon na lang ang gulat ko nang makita siyang nakadilat na at nakatitig nang diretso sa kung anoman na nasa aking likuran.

"Um..." Makahulugan siyang sumulyap sa akin bago muling itinutok ang tingin kung saan.

At noon ko na lang na-realize na may ibang tao sa kwarto!

Shit!

Inalalayan niya akong bumangon. Kulang na lang ay hindi ko itaas ang aking mukha sa sobrang kahihiyan nang makita ang ilang pares ng mga paa.

Shit! Shit! Shit!

"I was trying to call you." Hindi man ako mag-angat ng tingin ay alam kong si Jay iyon.

Nang maupo si Jay sa katapat na sofa ay saka sumunod ang ilan pang miyembro ng banda na titig na titig sa aming dalawa.

Kulang na lang ay lumubog ako sa aking kinauupuan. Pakiwari ko'y hindi ko magagawang tumingin sa mga ito.

"A-alis na ako..." tarantang paalam ko pa, pero mabilis na naagapan ni JK ang kamay ko at umiling.

"This is your room, babe..." paalala pa niya na lalong nagpainit ng aking mukha.

Yumuko ako at pilit na ikinubli ang mukha. Hindi ko inaasahang mabubuking nila kami sa ganitong paraan!

"Sabi ko na nga bang may itinatago itong si Jay, e." Si Jin na abot-tainga ang ngisi.

Kabisado ko na ang boses nila kahit pa hindi ako direktang tumingin sa mga ito.

"Guys, look..." tangkang paliwanag ni JK.

"So, umamin ka rin pala?" Si Jimin na naningkit ang mga mata. "Akala ko, e, kami pa ni Vince ang mauuna. Siraulo ka talaga, bunso."

"She's obviously taken," masungit na sagot ni JK dito.

BOYS TO SEEK (JK and Armina Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon