He was like a father to me. Maganda man ang intensyon niya ay hindi ko pa rin nagustuhan na pinanghimasukan niya kami ni Armi. He doesn't own me. He doesn't own my life. I was really disappointed.

Halos mag-uumaga na ay hindi pa rin ako makatulog kung kaya nagdesisyon akong lumabas ng kwarto at pumunta sa kwarto ng aking mag-ina. Saglit akong nakiramdam at tangka sanang aalis nang biglang magbukas ang pinto. At ganoon na lang ang gulat ko nang bumungad si Armi na halatang nagulat din sa pagkakita sa akin.

"A-ano'ng ginagawa mo rito?" nagtataka pang aniya sabay tingin sa hallway. "May problema ba?"

"I can't sleep," tanging naisagot ko.

"May gusto ka ba? May masakit ba sa 'yo?"

Umiling ako. "I want to see Kurt."

"Kurt?" Nagtataka pa niyang nilingon ang anak naming tulog na tulog sa bed. "Can I see him?"

Nag-aalangan man ay tumango pa rin siya. "S-sure... Come in..."

Marahan akong lumapit sa bed kung saan tulog na tulog si Kurt. Wala ako sa sariling ngumiti at naupo sa gilid ng bed para matitigan ito. Sa isip pa lang na malalayo ito sa akin ay sobrang bigat na sa pakiramdam.

I don't think I could do this again.

Mariin akong pumikit bago seryosong bumaling kay Armi na tila tulala rin sa pagtitig sa aming anak.

"Why didn't you tell me..." panimula ko.

Nagtataka siyang tumitig sa akin at kumunot-noo.

"About Manager Lee..."

Umawang ang labi niya at ilang segundo ring tumitig sa akin.

"I heard everything..."

Kinagat niya ang kanyang labi at agad na yumuko. "I-I'm sorry..."

Tumikhim ako. Para na namang nagbalik sa akin ang sakit ng nakaraan. "Have you really loved me, Armi?"

"Hindi na importante—"

"It's just a yes or a no, Armi. Have you really loved me?"

Ilang saglit din siyang natahimik bago marahang tumango.

"Are you going to leave me again?"

Nagluluha siyang tumitig sa akin bago marahang tumango. "I'm sorry..."

Humugot ako ng malalim na buntonghininga bago tumango-tango. "All right," tanging nasabi ko bago humiga sa tabi ng anak ko.

"JK..."

"I won't let you leave me again... Just so you know..." sabi ko nang nakapikit.

"JK!"

Noon na ako dumilat. "Lower your voice..."

"Ano'ng sinasabi mo? Hindi puwedeng hindi kami umalis ni Kurt. Ayokong makaapekto na naman sa career ninyo..."

Sa halip na pansinin ang katwiran niya ay muli lang akong pumikit at niyakap ang aking anak.

Naramdaman ko ang paglapit niya at lumuhod sa gilid ng bed.

"JK, please... Huwag na nating pahirapin pa ang sitwasyon. Para sa 'yo lang din ang gagawin ko."

"I'm tired, Armi. Let me get some sleep..." malamig na sagot ko pa nang 'di lumilingon dito.

"Pero JK—"

Mabilis akong bumaling sa gawi nito at agad na kinabig ang batok nito para mapalapit sa aking mukha.

Nanlalaki ang mga mata niyang tumitig sa akin na para bang hindi inaasahang gagawin ko iyon.

"One word and I'll kiss you," banta ko sabay sulyap sa nakaawang niyang labi.

"Pero—"

Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at agad na hinalikan ang labi niyang iyon.

"Don't tell me I didn't warn you..." bulong ko pa sa labi niya.

Napalunok siya at gulat na napaatras.

Umismid ako at nakalolokong ngumisi. "Good night, babe," sabi ko bago muling umayos ng puwesto sa tabi ng anak ko.

Nagising ako nang gumalaw ang anak ko at umupo sa tiyan ko. "Hey there, Kurt... Good morning..."

Matamis na ngumiti ang anak ko at yumakap sa akin. "Dito ka na sleep, Papa?"

Tumango ako at matamis na ngumiti. "Yeah. Gusto mo 'yon?"

Matamis itong ngumiti at tumango-tango. "Opo."

Niyakap ko ito pabalik habang hinahagod ang likod nito. Pero agad din akong natigilan nang lumabas si Armi galing sa banyo at nakatapi lang ng tuwalya.

Oh-kay...

"Shit... Gising ka na pala... S-sorry..." namumula pang aniya habang tila 'di mapakali sa unang dapat na gawin.

"Mama, dede!" demand pa ni Kurt sabay layo sa akin.

Ilang beses na nag-alangan si Armi kung ano ang gagawin lalo pa nga at hindi pa ito nakabihis.

"Mama! Dede!" umiiyak pang sabi ni Kurt habang panay ang martsa sa bed.

Taranta namang dumulog si Armi rito dala ang natimpla ng gatas.

"Sige na. Magbihis ka muna. Ako na muna ang bahala kay Kurt," kaswal na sabi ko habang iwas ang mga mata sa katawan nito.

This is hard, huh?

"Thank you..." taranta pang aniya bago mabilis na hablutin ang damit na mukhang nakaligtaan lang niyang bitbitin sa banyo.

Bumuga ako ng hangin at naiiling na ngumiti sa kawalan.

Hindi rin naman nagtagal ay lumabas na si Armi na nakabihis na. Tatayo na lang sana ako nang may biglang kumatok sa pinto at agad kong narinig ang boses ni Manang Udyang.

Gulat na tumingin sa akin si Armi na tila ba may ibig sabihin. Pero sa halip na mag-react ay nagkibit-balikat lang ako at inginuso ang pinto.

Nakasimangot siyang umirap sa akin bago buksan ang pinto.

"Ako na muna—"

Hindi na nito nagawang ituloy ang sana'y sasabihin nang makita akong palapit sa pinto. Makahulugan pa itong tumingin kay Armi na tanging makahulugang tingin lang din ang ibinalik sa akin.

"Dito ka natulog?" tanong ni Manang Udyang.

Naghihikab akong sumagot bago akbayan si Armi na tila ba nagulat pa sa ginawa ko. "Yes po, Manang."

Ibinalik nito ang tingin kay Armi na umiling-iling lang.

"I'll go back to my room. See you in a while, baby," malambing pang sabi ko bago mabilis na ginawaran ng halik si Armi sa harap ng nanay-nanayan nito.

Awang ang mga labing tumitig lang sa akin si Manang Udyang at maging si Armi ay hindi rin makapaniwala sa ginawa ko.

Umismid ako at nang makatalikod ay hindi ko na mapigilan ang ngumisi.

Kung iniisip ni Armi na hahayaan ko siyang lumayo ay nagkakamali siya. Hindi na iyon mangyayari. Hinding-hindi na.

BOYS TO SEEK (JK and Armina Story)Where stories live. Discover now