"Hindi ko kailanman sisisihin ang anak ko kung iyan ang inaalala mo."

"Hindi naman sa ganoon—"

"Let's stop right here, okay? Mag-empake ka na," masungit pang utos niya.

Ilang saglit din akong nakipaglabanan ng titig bago mauna pa ring mgbaba ng tingin. Wala yata akong magagawa kundi ang sumunod. Sa tantiya ko ay hindi ako mananalo sa kanya.

"But like I said, hindi kita pinipilit na sumama sa akin. Anak ko lang naman ang gusto kong makasama."

"Hindi ko rin kayang mahiwalay sa anak ko," naghihinanakit na sabi ko.

Sobrang bigat sa pakiramdam na para bang wala na talaga siyang pakialam sa akin.

Tumikhim siya. "Then, let's do it on my terms. Agreed?"

Malalim akong humugot ng buntong hininga bago napilitang tumango. Nag-aalala lang naman ako para sa kanilang dalawa. Kaya nga ginawa ko ang lahat para matutunan ang iba't ibang klase ng self-defense para may kakayahan man lang akong protektahan ang aking anak. Natatakot akong kapag nalaman ng media ang tungkol sa baby ko ay gawan kami ng masama ng ibang tao. Kainaman na lang din, nagamit ko ang pinaghirapan kong skills para sa trabaho kahit pa malayo ito sa pinangarap ko noon.

"Where is my son?"

"Natutulog pa sa kwarto." Nanguna ako palapit sa kwarto at maingat na binuksan iyon.

Nakasunod pa rin naman siyang pumasok at gaya kanina ay nagmasid pa rin.

"Pasensya ka na... Medyo mainit."

"It's okay," halos pabulong niyang sagot bago umupo sa gilid ng bed at pinagmasdan ang nahihimbing naming anak.

"Kumain ka na ba?"

"I'm full," aniya nang 'di sumusulyap sa akin. "Igayak mo na ang mga gamit mo."

Muli ay bumuntonghininga ako. "Wala pa akong naigagayak na mga gamit. At saka sayang naman ang deposit ko sa apartment."

Nakakunot-noo siyang lumingon sa akin. "May problema na naman ba tayo?"

Pinaikot ko ang aking mga mata. "Wala. Sabi ko nga wala, 'di ba?" Sarkastiko akong ngumiti. Alam kong hinding-hindi ako mananalo sa kanya.

"Ganyan ka ba talaga manamit?" puna niya sabay baba ng tingin sa dibdib ko.

Shit.

Agad kong pinag-krus ulit ang aking mga braso. "Um, hindi naman ako nagkakaroon ng bisita rito," katwiran ko. Iyon din naman ang totoo.

"Even boyfriend?"

"W-wala akong b-boyfriend..." nahihiya kong sagot.

Hindi naman na siya nagkomento sa sagot ko.

"Kumusta na kayo ni Aiyu?" lakas-loob kong tanong.

"It's none of your business," maagap niyang sagot.

Palihim akong umirap. Ang sungit naman!

"Igayak mo na ang mga gamit mo," pag-uulit niya.

"Opo. Gagayak na po. Ang sungit!"

Pero hindi lang niya ako pinansin sa sinabi kong iyon at sa halip ay itinuon lang ang atensyon sa anak naming nahihimbing pa rin ng tulog.

"Kumuha ka na lang ng kaunting gamit ni Kurt. Bibilhan ko siya ng bago," bilin pa niya habang hinihimas ang buhok ng baby namin.

"Sayang naman 'to..." Nanghihinayang kong tiningnan ang mga gamit ng baby ko. Hindi man mamahalin iyon, may sentimental value pa rin iyon sa akin. Pinaghirapan kong mabili lahat ng iyon.

BOYS TO SEEK (JK and Armina Story)Where stories live. Discover now