Muli ay sumenyas itong hinaan ang boses. "Mukhang nagka-crush na rin, e. Ang gwapo raw pala ni JK sa personal. Akala niya, makeup lang ang nagpapagwapo, hindi raw pala. Bukod sa gwapo ay sobrang ganda pa raw ng boses... kaya ayun na nga... alam na this!"

"Abah naman! Kami ni Armi ang makapag-testify sa kagwapuhan ni JK, 'no?!" Si Jane na banayad pa akong siniko.

"At saka ang gentlemanly din daw," nakangising dagdag pa nito. "Mabango rin."

Nagtawanan ulit sila. Kung puwede ko na lang sana silang layasan ay ginawa ko na.

"Do you think they kissed before?" maintrigang tanong ni Lulu na mas inilapit pa ang ulo sa kausap.

Pilya namang ngumiti si Twinkle at nagkibit-balikat. "I don't know. Ang kuwento lang ng alaga ko, ang bango raw ng hininga ni JK. Malay ko ba sa ibig sabihin no'n!"

Kinikilig na naghampasan sa balikat sina Lulu at Twinkle habang si Jane naman ay parang kinikiliting bulate rin sa tabi ko. At ayaw mang maglakbay ng utak ko sa scenario na naiisip nila ay hindi ko mapigilan. 

"Naku, paniguradong may kauuwian na ang dalawang 'yan matapos ang concert!" Si Lulu na sumulyap pa sa table nina JK. "Sure na sure! Sila na pag-uwi ng Pinas!"

Wala ako sa sariling tumingin din sa gawi nito. Masayang nag-uusap ang dalawa. Para bang matagal na talagang magkakilala base na rin sa eye contact nito sa isa't isa.

"Boto naman ako riyan kay Aiyu at hindi naman kasing kiri ng ibang celebrity na nakilala ko." Si Lulu na ngumuso pa. "Mahinhin at soft spoken. Kaya nga na-crush-an ni JK."

"Abah, mabait naman talaga ang alaga ko at saka maganda rin kahit walang makeup. She's all natural, you know? Walang retoke sa katawan."

"Pero pataba kamo nang kaunti. Hindi rin naman maganda ang sobrang payat," suhestiyon pa ni Jane.

"Sinasabi ko rin. Talaga lang payat."

Humugot ako ng malalim na buntonghininga bago lakas-loob na magpaalam na pupunta sa comfort room.

Pero dahil sa sobrang abala nila sa pagkukuwentuhan ay parang hindi lang din nila gaanong pansin ang pag-alis ko.

Malapit na ako noon sa comfort room nang masalubong si Lucas na kagagaling lang din sa doon.

"Hey, Armi. Tapos ka na mag-dinner?"

Tumango ako at tipid na ngumiti. "Oo. Nakakabusog nga. Ikaw ba?"

Naghimas ito ng tiyan. "Sobra. Ngayon lang yata ako kumain ng ganito. Ang sarap, e. Naku, sige, do your business muna." Sumulyap pa ito sa comfort room.

Tumango ako at iniwan muna ito.

Pagpasok ko sa comfort room ay agad akong pumasok sa bakanteng cubicle. Maraming staff ang nasa labas at malakas na nagkukuwentuhan.

"Palay na ang lumalapit sa manok. Paniguradong may lovelife na si JK pag-uwi."

"Sinabi mo pa. Impossible namang walang mangyari sa dalawang 'yan after ng concert. Matagal na crush ni JK si Aiyu."

"Kaya lang, gaya ng ibang celebrity, magiging patago lang ang dalawang 'yan. Parehas silang masasabon ng kani-kanilang management kapag nagkataon."

"For sure 'yon. Kamalayan natin. Baka no'ng nasa London tayo, nagkamabutihan na rin ang dalawang 'yan. Matagal-tagal din silang magkasama na nagsosolo, 'di ba?"

Mariin akong pumikit at inalog ang ulo. Mukhang kahit saan yata ako magpunta ay 'yong dalawa ang laman ng kuwentuhan ng lahat.

"JK is still a man. Sa tagal na walang karelasyon 'yan, I am pretty sure that they already kissed in London. Or probably, they did more than that. Who knows? Boys will be boys."

"Sa ganda ba naman ni Aiyu, I'm sure naka-score talaga ang lokong 'yon."

"There is no doubt about that. Pero bagay naman sila, 'di ba? So, why not? Parehas din naman silang single."

Tahimik akong lumabas ng cubicle at yumuko. Ayoko na lang ding matanong pa nila ng kung ano-ano.

Nang makalabas ako ng comfort room ay parang noon na lang ako nakahinga-hinga sa mga narinig. Ayoko mang isipin na impossible ang mga espekulasyon ng mga ito ay hindi ko pa rin maiwasan ang maapektuhan.

"Okay ka lang?"

Kulang na lang ay mapatalon ako sa pagsulpot na iyon ni Lucas sa likuran ko. Ganoon ako kawala sa sarili.

"O-okay lang..."

"Para kasing namumutla ka. Gusto mong magpahangin sa labas?"

Wala ako sa sariling tumango. Sa totoo lang ay kanina ko pa gustong umalis at magkulong na lang sa kwarto.

"Come on," nakangiti pang aniya sabay alalay sa siko ko.

Hindi na ako nag-abalang tumingin pa sa table nila JK sa takot na makitang sobrang saya nito sa katabi.

Nang makalabas kami ng restaurant ay doon kami sa pool area naupo at tumambay. Malaki at magarbo ang hotel gaya nang natuluyan namin sa London. Halatang puro mayayamang tao lang din ang naka check-in doon.

"Puro JK at Aiyu ang topic sa table namin, a. Sa inyo ba?" panimula pa ni Lucas.

"Oo nga..." mapaklang sagot ko.

"Kung sa bagay, bagay naman silang dalawa."

Hindi ako nagkomento sa sinabi niyang iyon at sa halip ay itinuon na lang ang atensyon sa ilang bisitang lumalangoy sa pool.

"First time mo makasama sa concert tour?" pag-iiba rin naman niya.

Umiling ako. "Nakasama na rin ako sa London. Iyon ang first time ko."

"Really? Wow," manghang sabi pa nito. "Kung naaga pala ako, baka nakasama rin ako roon. Maganda ba sa London?"

Tumango ako at tipid na ngumiti. "Maganda rin naman ang Japan, 'di ba?"

"Yeah, of course. Buti nga at may chance tayong mamasyal after ng concert. Ganoon din ba kayo noon sa London?"

"Oo. May pasyal time rin kaya sulit."

"I can't wait. Gusto ko ring mamasyal. Magkakasama ba tayo?"

"Oo. Though, may ibang gumagawa ng ibang lakad lalo pa 'yong ilang beses na nakarating."

"I see. Puwede pala kitang makasama kung ganoon?"

Tumango ako at mapaklang ngumiti. Hindi ko alam kung ano bang dapat na maging komento roon.

"Um, Armi... can I ask you something?"

Wala ako sa sariling bumaling dito at noon ko na lang napansin ang pamumula ng kanyang mukha. Para bang tensyonado siya sa 'di ko malamang kadahilan.

"M-may boyfriend ka na ba?"

Sapat na ang tanong nito para lisanin ng kaluluwa ko ang katawan ko.

Shit.

BOYS TO SEEK (JK and Armina Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon