Inilibot ko ang aking tingin sa paligid bago marahang lumapit at niyakap siya mula sa likuran.

Gulat siyang lumingon sa akin at pagalit na humiwalay. "Puro ka kalokohan, JK. Paano kung makita ka ni Mamang?" bulong pa niya.

Muli kong iginala ang tingin. "Where is she?"

"Lumabas. Nagbilad ng mga damit."

"Kanina pa?"

"Kalalabas lang?"

Nagtataka siyang tumitig sa akin. "Bakit mo naman tinatanong?"

"So, I could do this..." Mabilis akong yumuko at ginawaran siya ng halik sa labi.

Gulat naman niya akong itinulak at tarantang tumingin sa likuran ko. "Nababaliw ka na ba? Paano kung may biglang sumulpot?!"

Humugot ako ng malalim na buntonghininga at gigil na pinisil ang kanyang pisngi. "I missed you so much. Hindi man lang tayo makapag-date."

"Date? As if pupuwede iyon sa atin..." naiiling pang aniya bago muling tumingin sa likuran ko. "Namamayat ka na kasasayaw... Ganyan ba talaga kayo katagal mag-practice ng sayaw?"

Tumango ako at malalim na buntonghininga. Noong una ay sobrang hirap talaga ang inaabot namin. Umaabot pa kami sa puntong gusto na naming tumigil at mag-quit na lang. But our dreams to succeed made us stay and perseveres. Nang lumaon ay naging madali na matutunan ang mga steps at nakapag-adapt na rin ang katawan naman sa hirap.

"I'm okay, baby. Don't worry about me. Malakas yata 'to," nagyayabang pang himig ko na nagpangiti naman sa kanya.

"Buti naman. Basta magsabi ka lang kung ano'ng gusto mo at lulutuin ko, ha?"

Tumango ako at matamis na ngumiti. Iyon na nga lang siguro ang nagagawa kong i-enjoy lately, ang masarap niyang luto.

"Pawis na pawis ka. Huwag kang magpapabaya na tuyuan ng pawis," nag-aalala pang aniya bago kuhanin ang nakasabit na bimpo sa aking balikat at dinampian ang pawis ko sa mukha.

Wala ako sa sariling ngumiti at tinitigan ang magandang mukha niyang iyon. Ilang babae na ang nag-alaga sa amin gaya ng pag-aalaga niya, pero iba pala talaga kapag espesyal sa 'yo ang taong gumagawa noon.

"Can I see you tonight?"

"Paano tayo magkikita? Palaging nakabantay sa 'yo ang mga kabanda mo."

"I'll think of something."

Humugot siya ng malalim na buntonghininga at tumango. "Sige, ikaw ang bahala."

"I'll go back there. Baka magduda pa sa akin ang mga lokong 'yon."

"Sige."

"I'll see you later, hmm?" Hinaplos ko ang kanyang pisngi at malagkit na tinitigan ang kanyang mukha.

Para bang hirap na hirap akong hiwalayan ng tingin ang mukhang iyon.

"See you."

Mabilis kong iginala ang tingin sa paligid bago panakaw na humalik sa kanyang labi.

Nanlalaki naman ang mga mata niyang tumitig sa akin at malakas akong hinampas sa braso. "Siraulo ka talaga!"

Ngumisi ako at mapaglarong kumindat. "Bye, baby."

She rolled her eyes. "Alis!" pagtataboy pa niya.

Natatawa akong tumango-tango at nag-flying kiss pa bago tuluyang magtatakbo pabalik sa practice room.

Padilim nang matapos ang practice namin. Kulang na lang ay bumigay ang katawan ko sa sobrang pagod at ganoon din ang mga kasama ko. Kaya naman matapos kumain ng hapunan ay sa kama agad dumiretso ang lahat. Bagay na nagpasaya sa akin dahil pagkakataon ko nang masolo si Armi!

Mabilis akong naligo at nagpagwapo bago magdesisyong tawagan ang numero ni Armi. Sa sobrang tahimik ay natitiyak kong tulog na ang lahat at wala nang mang-iistorbo sa amin.

Hindi nagtagal ay narinig ko ang mahinang katok sa aking pinto. Kulang na lang ay takbuhin ko ang pinto para mabuksan agad iyon.

Bumungad si Armi na noo'y mukhang fresh na fresh din. Nang masigurong walang tao sa hallway ay saka ko siya banayad na hinila papasok at agad na sinigurong naka-lock ang pinto.

Wala na akong inaksayahang panahon at mahigpit ko siyang ikinulong sa aking mga braso.

"I missed you so much..." bulong ko.

Nagpakawala siya ng manipis na tawa at banayad akong tinapik sa baywang. "Palagi mo naman akong nakikita, a."

Niluwagan ko ang yakap sa kanya para makita nang maayos ang kanyang mukha.

"I can't spend time with you alone. That's what I've been missing lately."

Mapait siyang ngumiti at tumango. "Oo nga... Wala ka namang choice, 'di ba?"

Tumango ako. Iyon ang katotohanang hindi ko mababago. No matter how stressful our work is, we couldn't deny that it's the music we love the most.

"By the way, tulog na ba si Manang?"

"Mm-hmm... Hindi ako makalalabas kung gising iyon."

Ngumiwi ako. "Sabi ko nga."

Hinila ko siya paupo sa sofa. "You want anything to eat? May mga snacks ako riyan."

"Busog pa ako," aniya habang hinihimas ang tiyan.

"Kung sa bagay... Busog pa nga rin ako. Ang dami kong nakain sa sarap ng mga niluto ninyo ni Manang."

"Talaga ba? Ikaw nga yata ang pinakamalakas kumain."

Humalakhak ako. I wouldn't deny that. "Food is life, baby. And besides, sa sobrang stressful ng trabaho, eating delicious food was our only escape."

"Kung sa bagay, sa tagal ninyong sumasayaw, nabu-burn n'yo lang din ang kinakain ninyo."

Tumango ako. "Yeah."

Mapait siyang ngumiti at nahihiyang nag-iwas ng tingin.

Yeah, I totally understand how she feels being alone with me since it's mutual. Ngayon lang naman ako nagkaroon ng girlfriend.

Hinawakan ko ang kanyang kamay at banayad na pinisil-pisil iyon. Kahit pa yata walang mga salita, sapat na sa akin ang magkasama kami.

"How do you think Manang would react if she finds out?"

Kinagat niya ang kanyang labi at saglit na nag-isip. "Hindi ko alam. Mahal na mahal kayo noon, e... Pero hindi ko lang alam kung papayag siya sa relasyon natin."

"Hmm..." Dinala ko ang kamay niya sa labi ko at hinalik-halikan ang likod ng palad nito. "Don't worry, ako'ng bahala na kumausap sa Manang kung sakali man."

"Ang mga kabanda mo? Sa tingin mo, suportado ka nila?"

Malalim akong nag-isip. Sa totoo lang ay hindi ko rin masabi. Bukod sa bawal talaga sa kontrata namin, alam kong possibleng mag-alala silang maapektuhan ang grupo. Pero iyon lang naman ang naiisip ko. Hindi ko rin sigurado kung ganoon nga ba ang magiging reaksyon nila.

"Mababait naman ang mga iyon. Para ko nang mga kapatid iyon. Alam kong maiintindihan nila ang desisyon ko. But yeah, I am not just sure about Jimin at Vince since both of them were crushing on you."

Namumula siyang ngumuso. "Hindi naman siguro. Mabait lang talaga sila."

Nangingiti akong umiling. "I've known them all my life. I am pretty sure that they were treating you extra special. Kilala ko ang mga tukmol na 'yon."

Ngumiti lang naman siya sa sinabi kong iyon at muling namagitan ang mahabang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"Awkward ba?" basag ko pa sabay kamot ng ulo. "Hindi lang talaga ako sanay makipagrelasyon. Sorry..." nahihiya ko rin namang pag-amin.

"Parehas lang naman tayo. Ikaw lang din naman ang first boyfriend ko."

Nahihiya akong nagkamot ng batok. Pakiwari ko ba ay wala akong kakuwenta-kuwentang boyfriend.

Para mawala ang namamagitang awkwardness ay binuksan ko ang TV at naghanap ng puwede naming panoorin. Bandang huli ay napili naming panoorin ang isang rom-com movie.

Pero dala na rin marahil ng pagod, kahit pa nakaupo ay nakatulugan ko ang panonood habang mahigpit na hawak ang kanyang kamay.

BOYS TO SEEK (JK and Armina Story)Where stories live. Discover now