"Do you want to talk about it, bunso?" nakangising tanong pa ni Jay.

Umiling ako at sinamaan ito ng tingin. Kapatid man ang turing ko sa buong grupo, may pag-aalangan pa rin ako sa pagsasabi. Hindi ko alam kung mauunawaan ba nila ako o papaano. Pero malaking bagay na alam kong suportado ako ni Jay. Sa ngayon, sapat na iyon sa akin.

"Sure?" nang-uuyam pang sabi nito.

Pinaningkitan ko ito ng mga mata dahilan para humalakhak ito at nakakaunawang tumango-tango. "Fine. Kung ano'ng gusto mo. Kung saan ka masaya."

Hindi na ako nagkomento sa sinabi niya.

Masaya ako. Iyon ang isang bagay na sigurado ko.

Nang dumating kami sa Pilipinas ay halos pare-parehas na bakas ang pagod sa lahat. Ni hindi na nakuhang magpaalam ng ibang staff and crew at nagkanya-kanya agad ng uwi.

Nang matanawan ko si Armi di-kalayuan ay dumiretso ako ng tayo at pasimpleng kumaway rito.

Nahihiya naman siyang ngumiti at tumango bago pumasok sa kabilang sasakyan.

"I saw that."

Halos mapaigtad ako papasok ng sasakyan sa pagsasalitang iyon ni Jay sa likod ko.

"Then, keep your mouth shut," masungit kong sabi bago tuluyang maupo.

Natatawa naman siyang umupo sa tabi ko at agad na sinenyasan si Vince na lumipat muna sa kabilang sasakyan.

"I guess things will become more complicated for you, huh?" panimula niya.

I cleared my throat. I had no choice but to tell him. Alam kong mas makakabuti na may isa man lang sa ka-banda ko ang nakakaalam ng tungkol sa amin ni Armi.

"We'll have to talk some more."

"I could tell," simpleng sagot niya. "Ano'ng plano mo?"

"I still don't know."

Humugot siya ng malalim na buntonghininga bago seryosong tumitig sa akin. "Masaya ka ba?"

"I don't think I've ever felt like this."

"And, you didn't feel that way with Aiyu?"

Umiling ako. "No. Crush lang ang mayroon ako para kay Aiyu."

"You know that things won't be easy."

Bumuga ako ng hangin. "I know."

"Alam mo ang possibleng mangyari kapag nalaman ni Manager Lee 'yan."

"That's the reason why I wanted to keep things between us."

"Mahal ka ng grupo, bunso. Natitiyak kong walang magiging problema sa atin. Pero iyon nga, walang tiyak sa relasyon. Sa tingin mo ba, tatagal si Armi kung itatago mo ang relasyon ninyo?"

"Kaya nga kailangan pa rin naming mag-usap."

"Idinaan mo na lang yata kasi sa halik agad, e. Binigla mo, e," tumatawang aniya na nagpangiwi sa akin.

"Can I really trust you, huh?"

Humalakhak siya. Para bang ligayang-ligaya pa na hirap na hirap ako.

"Look, bunso. I support you to whatever it is that could make you happy. Ang sa akin lang, marami kayong dapat na i-consider ni Armi. Sana lang din maintindihan niya ang kalagayan mo. But tell me, one thing, sigurado ka na ba? I mean, hindi ba dahil na-excite ka lang makipagrelasyon? Or baka nadala ka lang sa panunukso ko?"

Umiling ako. "I'm sure about this. I like Armi. I really do."

Humugot siya ng malalim na buntonghininga at tumango-tango. "All right. Mainam na pag-usapan ninyong maigi ni Armi. Things won't be easy for the two of you. Iyon ang sigurado ko."

BOYS TO SEEK (JK and Armina Story)Where stories live. Discover now