Mabilis akong nagsuot ng cap, shades at face mask. Kahit pa possible nila akong makilala ay mainam na ring takpan ko ang aking mukha para hindi makuha sa camera. Nang masiguro ang aking hitsura ay nagmamadali akong bumaba ng sasakyan at kulang na lang ay liparin ang kinalalagyan ni Armi.

Hinawi ko ang ilang mga babaeng nakapalibot dito at nagtatawanan. Hindi man ako lumingon sa kanila ay alam kong kinikilala nila ako.

Lumuhod ako sa harap ni Armi at ginagap ang pisngi nitong basang-basa ng luha.

"It's me, JK," halos pabulong kong sabi. "Come on..."

Umiiyak siyang tumango.

Mahigpit kong hinawakan ang kanyang kamay at nakayukong iginiya palayo roon.

"Si JK ba 'yon?" tanong ng ilang fans na pilit pa ring inaaninag ang aking mukha.

"I don't think so. Mukhang basang-basa ng pawis. Neat si JK, 'no?!"

"Ilusyonadang babaeng 'yan! Dapat lang sa kanya 'yan!" Narinig ko pang sigaw sa ibang grupo. "P.A. lang naman 'yan! Lakas mag-ilusyon!"

"Sa amin lang si JK! Sa amin lang!"

Naiiling akong bumuga ng hangin at pilit na tinakpan din ng katawan si Armi na panay pa rin ang iyak.

Agad ko siyang pinasakay sa passenger seat bago nagmamadaling umikot sa driver's seat. Nang masigurong naka-lock na ang mga pinto ay saka ko inalis ang shades at face mask ko.

"Are you okay, Armi?" nag-aalala kong tanong sabay hipo sa luhaang mukha nito.

Humihikbi siyang tumango at yumuko.

"I am so sorry about that. Hindi ka namin dapat isinama sa shoot. This is insane." Gigil kong sinuntok ang manibela at pilit na kinalma ang sarili.

Hindi ko pa rin lubos-maisip na mangyayari kay Armi ito gayong hindi naman ito sikat.

Nang makitang nag-iipon ang fans palapit sa sasakyan ay dali-dali kong pinaarangkada iyon palayo. Mabuti na lang at sasakyan ng bodyguard ang nadala ko dahil kung hindi ay lagot na naman ako.

Papasok kami sa exclusive subdivision ng magdesisyong pumarada sa tagong lugar para bisitahin ang katawan ni Armi. May ilang galos siya sa braso na para bang kinalmot. Namumula rin ang isang bahagi ng kanyang pisngi na para bang sinampal o kung anoman.

"May masakit ba sa 'yo?"

Marahan lang siyang umiling.

Mabilis kong dinukwang ang wet wipes at agad na kumuha ng ilang piraso para ipahid sa mukha nito.

"I am really sorry, Armi. We didn't see it coming. It's just for advertisement. Hindi ko naisip na magiging ganito sila sa babaeng model."

"H-hindi n'yo naman kasalanan..." nagluluhang sagot naman niya.

Humugot ako ng malalim na buntonghininga at muling itinuloy ang pagpahid ng wet wipes sa kamay at brasong medyo nadumihan.

"Sigurado ka bang walang ibang masakit sa 'yo? I'll take you to the hospital."

Maagap siyang umiling. "Ayos na ako. Umuwi na lang tayo, JK."

Ilang saglit din akong natahimik bago tumango. She must be traumatized. Kung sa bagay, sino bang hindi ma-trauma sa ganoon? Kaya nga pasikreto ang pakikipag-date ng ibang miyembro dahil sa takot sa mga obsessed na fans.

Nang makarating kami sa mansion ay tarantang sumalubong sa amin ang buong grupo na halatang alalang-alala rin.

"Armi, ayos ka lang? Nasaktan ka ba?" Si Vince na hinaplos pa sa pisngi si Armi.

Agad akong nakalapit at tinapik ang kamay nito.

"Hayaan na muna natin siyang magpahinga," masungit kong sabi.

Hindi naman na nagpumilit si Vince at tila hindi naman nakahalata sa inasal ko maliban kina Jin at Jay na nagpipigil ng ngiti.

Pero sa halip na pansinin ay binalewala ko lang sila. Inalalayan ko si Armi papasok ng mansion kasunod ang nagbubulungang grupo.

Umiiyak na sumalubong sa amin si Manang Udyang at agad na niyakap si Armi na agad na namang umiyak.

"Ayos ka lang ba, anak? Wala bang masakit sa 'yo?" nag-aalalang tanong pa nito habang mabilis na pinapasadahan ng tingin ang mukha at buong katawan ng anak-anakan.

"Okay lang po ako, Mamang. Sorry po at pinag-alala ko kayo."

"I'm sorry din po, Manang..." nahihiyang bulong ko.

"Naku, hijo, wala kang kasalanan dito. Wala namang makapagsasabi sa reaksyon ng mga fans. Hindi ko lang inaasahan na magiging ganito," aniya habang hinahaplos ang mukha ni Armi. "Halika muna sa loob at magpalit ka ng damit, ha?"

Lumingon sa akin sa Armi at bumulong ng pasasalamat.

Tumango lang ako bilang sagot. Hiyang-hiya ako sa nangyari sa kanya. Ngayong kumalat na ang posters naming dalawa, natitiyak kong hindi na rin safe para kay Armi ang pumasok sa eskwelahan.

I couldn't believe that we just ruined her future. Bakit ba hindi namin napag-isipang maigi 'to?

"Is she okay?"

Agad akong napalingon kay Jimin na seryosong nakatingin kina Manang Udyang at Armi.

"She's okay. May kaunting galos lang."

Seryoso siyang tumitig sa akin. "Your video went viral. Fans were speculating that it was you."

Hindi ko nagawang makasagot. Paniguradong sermon ang aabutin ko sa aming manager pati na rin sa management.

"Hindi naman kita ang mukha ko, 'di ba?"

Umiling siya. "Hindi naman. Pero tumatawag na ang management."

Humugot ako ng malalim na buntonghininga at tumango. Alam ko namang mangyayari ito.

"Galit ba si manager?"

"Hmm... not really. I think you should talk to him first."

Tumango ako at muling lumingon sa direksyon na pinuntahan ng mag-auntie.

This is going to be a long day.

"You like her, huh?"

It wasn't a question.

"Maybe..." matapat ko rin namang sagot. Alam kong kahit na ano'ng deny ko, iba ang ipinapakita kong reaksyon. I like her a lot. At ibinuking ko na ang sarili ko sa ipinakita kong pagsaklolo kanina. Alam kong kahit na ano pang sabihin ko, walang maniniwala na wala akong feelings para rito. 

Hindi siya kumibo agad at sa halip ay malalim lang siyang humugot ng buntonghininga.

Ilang segundo ring namagitan ang katahimikan sa pagitan naming dalawa bago siya rin ang bumasag niyon.

"Are you planning to pursue her?"

Hindi ko nagawang makasagot agad dahil sa totoo lang, matapos ang nangyari sa kanya, pakiramdam ko ay hindi tamang madamay pa siya sa gulo ng mundo namin. 

"I love our fans but I don't think she deserves to be treated like that," malungkot kong sagot.

"No one deserves to be treated like that. No one," seryosong sang-ayon din naman niya. "So, what are you planning to do?"

Umiling lang ako bilang sagot. I didn't know exactly how to answer that. Possibleng masaktan ulit si Armi kung ipipilit ko siya sa mundong ginagalawan namin. Pero ang isiping tuluyan itong iwasan ay parang sobrang bigat din sa pakiramdam.

BOYS TO SEEK (JK and Armina Story)Where stories live. Discover now