Maagap akong umiling. Hindi ko maiwasang mapaisip sa espesyal na trato nila. "Hindi na kailangan. Magpahinga na kayo."

"May sasabihin din naman ako kay Lulu," katwiran ni Vince.

"May sasabihin din ako kay Jane," sagot din ni Jimin.

Naiiling na lang akong ngumiti at hinayaan nga ang mga ito.

"Puwedeng magtanong, Armi?" panimula ni Vince.

Tumango ako sabay sulyap dito.

"Hindi ka ba nag-aaral? I mean... bakit nagtatrabaho ka ngayon? Hindi ba abala sa pag-aaral mo?"

Mapait akong ngumiti. "Nakatapos naman ako ng Senior High kaso hindi ko na naituloy mag-college. Nahihiya kasi ako kay Mamang Udyang. May sakit kasi ang kapatid nito na tinutulungan niya sa pagpapagamot."

"But do you plan to continue?" Si Jimin na bahagya pang ipinilig ang mukha.

Sumulyap din ako rito. "Sana. Kapag medyo nakaipon. Or kung hindi man, gusto kong magtayo ng sarili kong negosyo."

"Really? That would be nice. Kapag wala na kami sa stage, I wanted to have my own business, too." 

"Ako rin. Gusto ko ring ituloy ang pag-aaral kung sakali." Si Vince na nanatiling nakaakbay kay Jimin.

Sa tingin ko ay silang tatlo nina JK ang malapit sa isa't isa. Though, close naman silang lahat, silang tatlo talaga ang madalas magkasama.

Nang makarating kami sa kwarto ko ay agad na ring umatras ang dalawa.

"Akala ko ba—"

Sabay na ngumisi ang dalawa at nag-peace sign. Nangingiti akong umiling-iling sa mga ito.

"Rest well, Armi. See you later." Si Vince na kumakaway pa.

Kumaway din ako pabalik bago tuluyang pumasok sa kwarto.

Pagpasok ko sa kwarto ay naabutan kong may nakahiga na sa bed.

"Ikaw si Armina?" tanong ng petite na babae sabay bangon. Sa tingin ko ay medyo matanda sa akin.

Tumango ako at tipid na ngumiti.

Agad na nag-abot ito ng kamay kung kaya kinamayan ko naman ito. "Vince's P.A., Sina Lulu at si Jane naman"—itinuro nito ang mga babae sa kabilang bed—"P.A. ni Jimin."

Lumapit din ako rito at kinamayan ang mga ito. "Nice meeting you po."

"Mukhang kaedaran mo lang si JK, a. Ilang taon ka na ba?"

"Twenty-three po."

Tumango-tango si Lulu. "Oh, matanda lang pala sa 'yo ng isang taon ang bunso namin." 

Nahihiya akong ngumiti. "Oo nga po."

"Don't worry about JK. Mabait na bata 'yon. May times na parang seryoso, pero sa totoo lang ay nahihiya lang iyon. Sobrang luko rin gaya nina Vince at Jimin," sabat ni Jane na natatawa pa.

"Ano po bang dapat kong gawin mamaya? Wala po akong ideya." Hindi na rin naman ako nagkaila. Talagang wala akong alam.

"Tamang assist mo lang si JK sa mga gamit niya. May mga sponsors na binibihisan sila at dapat alam mo kung ano ang mga magkakaterno. Though, iyon lang naman ay kung hindi kayang mag-isa ng stylist nila. As P.A., ikaw dapat ang mangalaga ng mga personal na gamit."

Tumango-tango ako. Kahit na papaano ay parang nagkaka-idea na ako.

"Don't worry. Madali lang naman. Pressure lang nang kaunti kapag may event kasi double-time ang galaw natin. Pero kayang-kaya mo 'yon. Bata ka pa naman."

"Salamat po sa tips. Kayang-kaya ko po 'yon."

"Hala, sige na. Mahiga ka muna. Paguran mamaya." Si Jane na noo'y humihikab na humiga.

Tumango ako at sumunod na lang kahit pa nawala na nga ang antok ko kanina pa.

Bago mag-alas siete ay nakaligo na kami pare-parehas. Lumabas kami ng kwarto at agad na tinunton ang kwarto naman ng aming mga amo.

May ilang bodyguard ang sumalubong sa amin at bumati. Hindi ko man matandaan sa pangalan ang mga ito ay medyo naging pamilyar na ang mga mukha.

Kumatok ako sa kwarto nina JK at Jin. Hindi nagtagal ay bumukas iyon at bumungad si Jin na mukhang bagong paligo na rin.

"Ikaw pala, Armi. Wait mo lang si JK. Naliligo pa."

Nahihiya akong tumango. Sobrang gwapo ni Jin at hindi ko maiwasang mamangha.

Umupo ako sa munting sala at naghintay. Abala si Jin sa mga gamit nito kasama ang P.A. nito na hindi ko pa nakikilala.

"Ikaw ang P.A. ni JK? Ang bata mo pa pala. Mas pagkakamalan pa kitang girlfriend kaysa P.A.," nangingiti pang sabi ng babaeng kulot ang buhok. "By the way, Anna nga pala," pakilala pa nito sa sarili.

"Hello po. Armina po..." pakilala ko rin naman.

"She's pretty, 'no?" Si Jin na kumindat pa sa akin. "Kaya naka-crush-an nina Jimin at Vince," pabulong na dugtong pa nito, pero intensyog iparinig sa akin.

Hindi ko malaman ang dapat na maging reaksyon sa sinabi nito. Ako? Crush nina Vince at Jimin? Malabo yata iyon! Sobrang labo!

"Hindi naman kataka-taka. Maganda rin kasi si Armina." Si Jane na kumindat pa sa akin.

Ngumiwi ako at agad na nag-iwas ng tingin. Hindi ko maiwasang mahiya sa mga ito. Parang hindi ko yata magagawang paniwalaan ang spekulasyon nilang iyon. Sadyang mababait lang sina Vince at Jimin. Iyon ang sigurado ko.

Hindi nagtagal ay lumabas si JK na nakatapi lang ng tuwalya sa baywang. Kulang na lang ay magliyab ang pisngi ko sa nakita. Hindi ko akalaing puro muscles pala ang natatakpan ng suot niyang damit. He's so tone!

"Magbihis lang ako saglit," sabi pa nito bago lumapit sa suitcase nito at humugot ng damit.

"JK, JK, JK..." Si Jin na banayad pa itong sinuntok sa abs. "Kaya nababaliw ang mga ARMYS dahil sa 'yo, e."

"Aish, tigilan mo ako," nanunupladong saway pa ni JK dito at apologetic pang tumingin sa akin. "Saglit lang, a."

Nahihiya akong ngumiti. "Ayos lang..."

"Seriously, JK? Mukhang mas tone ang muscles mo, a. Mukhang 'di ka lumulubay kaka-gym," tukso pa rin ni Jin at makahulugan pang tumingin sa akin. 

Kung anomang ibig sabihin ng tingin niyang iyon ay hindi ko alam. Para kasing may ibig itong ipahiwatig na hindi ko lang maintindihan.

"Hindi ka na marunong mahiya sa bagong P.A. mo," dagdag pa nito.

Umiling-iling lang naman si JK at hindi na nagkomento sa tuksong iyon.  Nang makahugot ng damit ay muling pumasok si JK sa banyo. Pero saglit na lang naman iyon at agad na rin itong lumabas.

"Turuan na kita?" bungad pa niya. 

Tumango ako at tipid na ngumiti. Sa tingin ko naman ay kakayanin ko ang simpleng trabaho na iyon. At mukha namang mabait si JK gaya na rin nang sinasabi ng ibang tao tungkol dito.

BOYS TO SEEK (JK and Armina Story)Where stories live. Discover now