Chapter 71: Para-paraan

103 6 0
                                    

Nadine's POV

"GOOD MORNING, ATE!"

Isang malakas na boses ang narinig ko sa labas ng kwarto ko. At hindi ko na kailangan pag-isipan pa kung sino ito. Tumayo naman ako at nag-unat saglit, 'tsaka binuksan ang pintuan.

"Good morning, Lake."

"Breakfast is ready! Tara!" aya niya sa akin.

"Anong meron?" takang tanong ko.

Parang sumobra sa ganda kasi ang mood ni Lake ngayon.

"Wala naman, masaya lang ako, hehe!"

Para talaga siyang si Kate.

Minsan napapaisip ako kung bakit sa aming tatlong magkakapatid, siya lang ang hindi tahimik.

Siguro no'ng buntis si Mommy, kay Kate pinaglihi si Lake.

Lagi kasing bumibisita sina Kate dito, at gustong-gusto naman ni Mommy. Tuwang-tuwa pa nga siya kay Kate dahil napakasigla raw na bata.

Tumawa naman ako sa iniasta ni Lake. Para din kasing may tinatago siya na kung ano at hindi niya lang masabi.

"Tara na, 'te! Masama daw paghintayin ang pagkain!"

Bumaba naman kaming dalawa ni Lake at dumiretso sa hapagkainan. Nandoon sina Mommy, Daddy, at Kuya.

"Morning, everyone!" masiglang bati ni Lake.

"Morning," tipid na bati ni Kuya.

"Good morning, my babies!" masiglang bati din ni Mommy, "good morning, hon!"

"Good morning po," usal ko at ngumiti.

"Good morning," sabi naman ni Daddy at nakipagbeso kay Mommy.

"Here, eat a lot!" saad ni Mommy.

"Yes. Thanks, hon." Tumango naman si Daddy at tipid na ngumiti.

"Yiiieeee! Nakakakilig naman, Mommy at Daddy!" biglang sabi ni Lake dahilan para matawa kami.

Bigla naman tumunog ang cellphone ko na ikinagulat ko pa. Nagtinginan naman silang lahat sa akin. "Excuse me lang po."

Kaagad ko naman itong sinagot at nakaligtaan tignan kung sino ang tumatawag. "GOOD MORNING, GAILLE!" Nilayo ko naman sa tainga ko ang phone dahil sa sobrang lakas ng boses ni Kate.

"K-kate?" Hindi ko man nakita kung sino 'yung tumawag, pero sa boses pa lang ay kilalang-kilala ko na. "Bakit ka napatawag?"

"Bakit, masama?" sarkastikong sambit nito at tumawa. "Miss lang kita, ayiiieee!" ika naman nito. "Ay, tara, video call!"

"E-eh? Kakain pa k-kami," tugon ko at nagbuntong-hininga.

Hindi naman din ako makakatanggi.

Nagulat naman ako nang biglang may tumunog at lumabas 'yung video call. Pinindot ko naman ito, at nakita kung gaano kalaki ang ngiti ni Kate ngayon na parang bagong gising din.

"Add natin si Haeri!" Todo ngiti si Kate sa camera.

Maya-maya lang ay nakita kong nag-join na rin si Haeri. "Oh, ang aga-aga?" angal ni Haeri, "morning sa inyo!"

The Waves In The OceanМесто, где живут истории. Откройте их для себя