Chapter 67: On Her Lips

120 5 2
                                    

Nadine's POV

"She's my girlfriend, and your girlfriend is none of my business."

Mas lalong nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Angry Bird sa kanila. Hindi ko alam kung ano na ang iisipin ko ngayon; ang sinabi niya ba, ang kamay niya na nasa wrist ko, o ang malakas na pagkabog ng puso ko nang marining ko ang litanya niya.

"Hoy, babae! Alam mo bang nangangabit 'tong jowa mo?!" asik ng lalaki sa 'kin habang dinuduro niya si Angry Bird.

Nangangabit? Mukhang na-misunderstood lang ata ng lalaking ito ang ginagawa ni Angry Bird. Loyal siya kay Bella, kaya paano niya magagawa 'yon? At saka, alam kong naghahanap siya ng gasolinahan. Baka nagtatanong-tanong lang siya.

At saka, bakit sinasabi sa 'kin? Hindi naman talaga ako ang girlfriend.

"Ano'ng ib—"

Hindi ko na tuluyang natapos ang sasabihin ko nang may nagpahinto sa akin. Ang alam ko lang, naramdaman ko ang dalawang kamay ni Angry Bird sa magkabilang balikat ko kaya ako napaharap sa kaniya. Ang mas nagpatikom pa ng bibig ko ay ang labi niya... sa labi ko.

Hindi ko na alam kung may ilalaki pa ba ang mga mata ko dahil sa sobrang pagkabigla. Dilat na dilat ako habang siya ay nakapikit. Parang hindi ko maramdaman ang hangin sa ilong ko ngayon. Hindi gumagalaw ang malambot niyang labi pati ang sa akin, ngunit kahit ganoon lang ay aaminin kong napakalaki ng epekto sa akin no'n.

Parang tumigil ang oras sa biglang nangyari. Wala akong naririnig na iba maliban sa pintig ng puso kong napakalakas. Grabe ang pagtibok na parang anumang oras ay lalabas na sa dibdib ko. Hindi ako makagalaw, at kahit gustuhin ko mang gumalaw at lumayo, parang nagpoprotesta ang katawan ko sa ideyang 'yon. Gusto ko siyang itulak, pero nawalan ako ng lakas.

Tuluyan na akong bumalik sa wisyo nang kumalas na siya sa 'kin. Bumaba ang isang kamay niya papunta sa kamay ko. Napatingin pa ako do'n at napatitig. Hindi ko masabi kung ano ba itong nararamdaman ko.

"I'm dead serious. Your girlfriend is none of my business," giit ni Angry Bird habang nakatingin sa magkasintahan na bakas na bakas ang gulat sa mukha. "I'm just asking for the location of the nearest gasoline station."

Tulala pa rin ako habang ramdam ko ang kamay niya sa kamay ko. Hindi ko alam kung bakit ba ako natataranta nang ganito. Hindi ko alam kung ano'ng dapat kong maramdaman sa nangyari. Hindi ko alam kung ano ba ito. Pero isa lang ang tanging naiisip ko ngayon.

First kiss ko 'yon, at siya ang nakakuha!

"Ayieeeeee!" tili ng babae na siyang dahilan kung bakit nahinto ako sa mga iniisip ko.

"Manahimik ka nga! Ang ingay mo!" Hinawakan ng lalaki 'yung palapulsuhan ng babae.

Binawi ng babae 'yung kamay niya habang malaki ang ngiti sa mukha. "Labs, nakakakilig kasi sila, aaaaacccckkkkk!"

Dahil sa awkwardness na nararamdaman ko ngayon, luminga-linga na lang ako sa paligid. Ramdam ko rin na umiinit ang pisngi ko, at hindi ko alam kung bakit.

"Inggit ka naman?!" bulyaw ng lalaki.

Isa lang ang napagtanto ko ngayon, at iyon ay sana hindi na lang ako bumaba ng kotse. Hindi ko ba alam kung bakit ako nagpakain sa kuryosidad kung nasaan na siya at kung ano na ang nangyayari sa kaniya. Hindi ko rin alam kung bakit ganoon ako kung mag-alala sa kaniya.

"Ih! Ang cute talaga nila! Perfect couple!" Hinampas-hampas naman ng babae ang boyfriend niya.

Napalunok na lang ako dahil sa kahihiyan. Unang-una, hindi naman talaga kami couple. Pangalawa, nasaksihan nila 'yung nangyari. At panghuli, may kakaiba akong naramdaman sa puso ko na parang tumalon dahil sa sinabi ng babae.

The Waves In The OceanWo Geschichten leben. Entdecke jetzt