Chapter 58: Kidnapper?

246 6 5
                                    

Kate's POV

Tumagal ang sayawan at hindi ko na lang namalayan na unti-unti na pa lang umaalis ang mga nandito. Tumingin ako sa table namin, at nagulat ako na kami na lang dalawa ni Peter ang nakaupo.

"Saan sila?" takang tanong ko kay Peter. 

"Huh? Umalis na, ah? Ngayon mo lang napansin?" sagot niya sa 'kin habang kumakain pa ng marshmallow na coated ng chocolate galing sa chocolate fountain.

"Ano?! Bakit 'di mo man lang sinabi sa 'kin?!" bulyaw ko.

"Ano ako? Informant mo? Kasalanan ko bang tulala ka diyan kanina pa? 'Tsaka, ano ba! Busy ako sa pagkain ko dito, oh! Tumunganga ka na lang ulit diyan!"

Ang galing! Parang gusto ko tuloy ibuhos sa kaniya 'yung chocolate sa chocolate fountain, kaso sayang 'yung chocolate.

Bigla namang pumasok sa isip ko sina Gaille at Haeri! Alam kong nagkasundo kaming sabay-sabay kaming uuwi, baka pati sila, umuwi na rin?!

Hindi! Hindi! Hindi nila ako iiwan, lalo na si Gaille!

"Eh, sina Gaille? Nasaan sila?" tanong ko ulit kay Peter, nagbabakasakaling nandito pa sila.

"Umalis na rin, kasama 'yung kapatid niya, si Casper, at si Haeri." Patuloy lang siya sa pagnguya ng marshmallow, nagkandabulol-bulol na nga siya, eh.

"Seryoso ka ba diyan?!" napalakas kong sabi. So, iniwan talaga nila ako?! Maski si Gaille?!

"Mukha ba akong nagjo-joke?!" sigaw ni Peter sa 'kin.

"Hindi, kasi literal na joke na 'yung mukha mo, nakakatawa kasi kahit tignan ko lang," pagtataray ko.

"Nye, nye, nye." Sumubo naman siya ng isa pang marshmallow.

Kahit gusto ko rin kumain, hindi ko magawa kasi ang sakit lang na iniwan nila ako! Bakit naman ganitong hatinggabi na, 'tsaka nila ako iniwan?!

You betrayed me! And I know that you'll never feel sorry for the way I hurt, yeah!

Nilabas ko 'yung phone ko na nasa bag ko rin ng mga pagkain. Pagkabukas ko no'n, bumungad sa 'kin 'yung chat ni Casper sa Messenger.

Torpe kay Gaille:

Kate, nauna na kaming umuwi mukha kang busy sa iniisip mo eh

Don't you dare command me to fetch you there, katamad na mag-drive ulit

Sabay ka nalang kay peter, alam ko late din yan uuwi

Aba nga naman! Ang galing talaga neto! 

Nagtataka tuloy ako kung kaibigan ko ba talaga 'tong si Casper. Bwiset! Ngayon lang nila ako iniwan! 

Wala akong choice, dahil kami na nga lang dalawa ni Peter ang natira rito sa table namin. Ayoko rin naman magpasundo kay Kuya, alam kong may inaasikaso ulit siya sa company ng pamilya namin.

"Pst! Woi, Pedro! Sabay ako sa 'yo, ha?" request ko sa kaniya.

"Sige, tapusin ko lang 'tong marshmallow ko." Tumingin ako sa bowl ng marshmallow, at nakita kong marami pang nando'n! 

Baka umabot pa ng siyam-siyam bago kami makauwi!

Magrereklamo pa sana ako, kaso siya kasi ang maghahatid sa 'kin pauwi. Baka iwan ako ng mokong na 'to, eh. Kaya para hindi na rin ako ma-bored, kumain na lang ulit ako.

Sabay rin naman kaming natapos, kaya wala ng hintayang naganap. Pagkatapos naming kumain, sabay na kaming lumabas sa quadrangle at pumunta sa parking lot. Hindi pa kami nakakapunta sa kotse niya nang bigla na lang naramdaman ko na naiihi na ako!

The Waves In The OceanWhere stories live. Discover now