Chapter 97: Companion (Camping)

27 5 0
                                    

Nadine's POV

Ilang oras din ang lumipas, unti-unti na ring natahimik ang campsite namin. Ang iba ay natutulog na sa kani-kanilang tent. Ang mga kaibigan ko naman, isa-isa nang natutulog. Samantalang ako, gising na gising pa rin. Hindi pa rin ako tinatamaan ng antok, kaya agad akong napabangon sa pagkakahiga. Iningatan ko pang hindi ko magising si Kate sa tabi ko, kaya dahan-dahan akong umalis sa tent namin dala ang airpods ko.

Namayani ang katahimikan sa campsite namin. Medyo madilim na rin nang nilibot ko ang paningin ko sa lugar. Tahimik akong umalis doon at naglibot-libot sa paligid. May nakikita rin akong ibang mga estudyanteng tulad ko na siguro ay nagna-night walk din. Sino nga bang hindi gagawin iyon kung nandito ka ngayon sa presko at napakagandang lugar?

Habang naglalakad ako, nakakita naman ako ng parang isang entrance. Dala ng kuryosidad, pumasok ako roon at tinignan ang kabuuan ng lugar. Maraming nakapalibot na puno at halaman sa lugar. Dire-diretso lang ang lakad ko, hanggang sa may maaninag ako habang papalapit sa dulo. Mabilisan akong naglakad, at namangha ako sa lake na nasa harapan ko ngayon. Napakapayapa ng tubig at napakalinis. Napaupo naman ako sa damuhan malapit sa tubig at pinagmamasdan nang may ngiti ang kabuuan ng lake sa harapan ko.

Kaagad kong nilagay sa tenga ko ang dala kong airpods at nagpatugtog mula sa cellphone ko. Tahimik akong nakikinig ng music habang nakatanaw lang sa magandang tanawin sa harapan ko. Ang tagal na rin no'ng huli kong naranasan na mapag-isa at nakatanaw lang sa nature. Hindi ko maiwasang mapangiti habang nilalanghap ang sariwang hangin at yumayakap sa akin ang malamig na simoy nito.

Sa kalagitnaan ng pag-iisa ko rito, bigla naman akong nakarinig ng kaluskos. Agad akong naalarma dahil medyo malakas ang tunog na iyon, ibig sabihin ay malapit lang iyon sa kung nasaan ako. Maya-maya lang din ay nawala ang kaluskos kaya napanatag ako kahit papaano.

Ilang minuto lang ang lumipas, narinig ko na naman ang parehong tunog. Patagal nang patagal ay palakas iyon nang palakas mula sa akin. May nararamdaman din akong presensya na parang papalapit dito, at hindi ko namang maiwasang manginig habang nararamdaman iyon.

Dahil nakapasak ang airpods sa akin ngayon, nag-hum ako para mawala ang kabang nabubuo sa sistema ko at para mawala sa isip ko ang nararamdaman ko. Siguro ay wala lang ito, baka dahil lang sa sobrang tahimik ng lugar ay may naiisip akong kung anu-ano.

Hina-hum ko lang ang kantang tumutugtog ngayon sa tenga ko, at hindi ko na rin namamalayan na nawawala na pala ang kaluskos na naririnig ko. Hindi ko na rin maiwasang mapakanta nang tuluyan habang nakatingin sa kawalan. Unti-unti naman akong nare-relax sa ginagawa ko. Habang kumakanta, hindi ko mapigilang tumingala at tumingin sa full moon sa kalangitan. Kaunti lang ang nakapalibot na stars dito, ngunit hindi ko pa rin maiwasang mamangha dahil ang ganda at ang payapa tignan ng mga ito.

"The moon is beautiful, isn't it?"

Napahinto ako sa pagkanta nang marinig ko ang mababa at kalmadong boses-lalaki malapit sa akin. Hindi ko maintindihan ang pagtalon ng puso ko nang marinig ko ang boses na iyon. Lumipat ang tingin ko sa may kaliwa ko, at nakita ko si Arwyn na nakatayo at nakatingala rin sa buwan. Nanlaki ang mga mata ko at tinanggal ang airpods ko sa kaliwa. Napaawang naman ang labi ko habang pinagmamasdan ko siyang nakatingin sa moon.

"Oo, ang ganda nga," malumanay kong sagot habang nakatingin sa kaniya. Maya-maya lang din ay napatingin ako ulit sa buwan at ngumiti.

Narinig ko ang marahang pagtawa niya. Gumalaw naman ang ulo niya at lumingon ito pababa sa akin. "You don't mind me sitting here beside you, right?"

Ngumiti naman ako sa kaniya at marahang umusog para kay Arwyn. Kaagad naman siyang nag-indian sit sa tabi ko at nagbuntong hininga habang nakatingin sa lake na nasa harapan namin. Heto na naman ang mga mata ko na nakapako na naman sa kaniya. Heto na naman ang puso ko na parang nagtatalon sa tuwa kapag nandito siya malapit sa akin.

The Waves In The OceanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon