Chapter 9: Save

69 9 0
                                    

Arwyn's POV

"Weird," rinig kong sabi ng pinsan ni Bella na si Antonette.

"Yeah," pagsang-ayon naman sa kaniya ni Bella.

"'Yung gamot talaga 'yon, eh!" Singit naman ni Peter.

"Gamot? Obvious naman na may sakit lang ang iinom no'n, eh." Si Ace.

Kaya nga!

"Malamang, eng-eng ba kayo? Ano 'yon, iinom ng gamot ng wala lang? Edi nangisay na 'yon ngayon, tsk," singhal ko naman sa kanila.

"Pa-mysterious kasi sila, hayst! Kung palabas siguro ito, sila na ang mga main character," dagdag pa ni Peter.

Lah, ano naman tawag mo sa akin? Villain?! Antagonist?! Ugok!

"Ang sabihin mo lang, chismoso ka!" Sabi naman ni Antonette kay Peter.

"Nyenyenye! 'Di naman kausap, wews!" Pang-aasar naman sa kaniya ni Peter.

"Ewan ko na lang talaga kapag nagkatuluyan kayo," natatawang sabi ni Ace.

"Ulol, pre!" Si Peter.

"No way!" Si Antonette.

Tsk, mga defensive.

Nagtawanan naman kami dahil sa mga naging reaction nila.

Umirap naman si Antonette kay Peter, "Oh, nandito na sila ulit!"

Dumating 'yung tatlo na may hawak-hawak na ice cream. Tas 'yung isa naman na Faye ba pangalan? Or Kaye? Basta 'yon, may natira pang ice cream, sa pisngi at labi.

Mukhang bata, tsk!

Binigyan naman ni Kaye si Bella at Antonette.

"Aba, sila lang?!" Takang tanong ni Peter.

Puro paglamon ang iniisip ng loko!

"Oohh, inggit ka naman?!" At dinilaan naman niya si Peter. "Blehh!"

Isa pa itong si Kaye na ito! Mukhang puro pagkain ang nasa utak!

"Ohh, so sweet. Thank you, Kate!" Pagpapasalamat ni Bella kay Kate pala ang pangalan.

Mas gusto ko Kaye, eh. Bakit ba?!

Nakita ko pang dapat bibigyan ni Nadine ata 'yon ng ice cream si Laurenn.

"No thanks!" Pagtataray naman ni Laurenn at umirap.

Tumingin naman si Pedro kay Haeri ata 'yon at si Nadine ba 'yon? Basta, 'yon na 'yon!

Nagpapaawa effect lang 'yan.

"Who you muna?" Sabi no'ng Haeri kuno at inirapan siya.

"Oh sige, sa 'yo na lang 'yung sobra dito," sabi naman no'ng Nadine at inabot 'yung sobrang ice cream kay Peter.

"Lahhhh! Akin 'yan, sabi mo? Daya!" Sabi ni Kaye.

Gutom na gutom?!

"Ibibili na lang kita mamaya, marami pang ice cream do'n." 'Yung Nadine ay tumingin naman siya kay Ace. "P-pasensya na ha, p-pero pwedeng h-hati na lang kayo ni Peter?"

Hati amp, HAHAHAHAHAHAHAHAHA!

"Oh, don't bother. It's fine." Si Ace.

"Ayaw ko may kahati!" Singit naman ni Peter.

The Waves In The OceanWhere stories live. Discover now