Chapter 13: Storm

81 8 0
                                    

Kate's POV

Napansin ko ang pagiging tahimik ni Gaille. Alam ko namang tahimik talaga siya, pero langya! Mas lalong naging tahimik, eh. Mas nakakabingi pa ata ang sobrang katahimikan, kaysa sa isang concert na lahat ay nagsisigawan.

"Huy, Gaille!" Tawag ko sa kaniya, pero ang gagang ito, hindi man lang ako nilingon.

Wahhh, peymus na 'yung kaibigan ko! T____T

"HOY!" Sigaw kong tawag sa kaniya at binatukan ko siya.

"Aray, bakit ba?"

Halatang may nangyaring kababalaghan at naging ganiyan ang mood ng babaeng 'yan.

"Ayos ka lang ba?" Alalang tanong ko sa kaniya.

Ang hilig kasing mag-solo nitong babaeng ito, gustong kimkimin lahat ng problema niya mag-isa.

"O-oo," utal na sabi niya at hindi makatingin nang diretso sa amin.

She's lying.

Basang-basa ko na ang kilos ni Gaille, kaya halatang may problema nga siya. Kapag nauutal siya at hindi makatitig nang maayos sa amin ni Haeri, may tinatago siya. Normal naman sa kaniya ang pautal-utal magsalita dahil sa mahiyain nga siya. Pero ibang utal ang pinapakita niya 'pag nagsisinungaling siya.

Basta mahirap i-explain, bahala kayo diyan!

"'Tsaka pwede bang huwag kang mamatok, please lang?" Mahinahon ang pagkasabi niyang iyon, pero ang intimidating ng dating.

Asarin pa natin ito, de joke! Hahahahahaha!

"Sungit naman!" Naiusal ko na lang, pero 'di naman niya ako pinansin. "Ay, snobber ka na pala ngayon?"

No comment, hayst!

"What's wrong?" Tanong naman ni Haeri at narinig naman naming nagbuntong-hininga si Gaille.

"They're coming back," matamlay na sabi niya.

Ha? Sino?! Propeta ka na ba, Gaille?! OMG!

Napahinto naman si Haeri sa paglalakad, ganun na rin ako.

"Oh--" Si Haeri.

"At ayokong magalit sila sa'kin pag-uwi nila," putol ni Gaille sa sasabihin ni Haeri.

"Uy wai--" magsasalita na sana ako kaso nagsalita si Haeri.

Awts naman.

"Don't t-tell me..." - Haeri.

0________0

Nanlaki naman ang dalawang mata ko dahil ngayon ko lang na-gets. OMY!

"Sina Tita at Tito?!" Takang tanong ko.

Binigyan naman ako ni Haeri ng 'obvious-ba' look.

"Hala! Paktay ka, Gaille!" Sabi ko. "Paano na iyan?"

"I don't know. Natatakot akong makita si Daddy na magalit," ramdam ko ang pagkatakot sa boses niya.

"Well, nakakatakot magalit si Tito." Si Haeri.

Nagbuntong-hininga naman si Gaille.

Legit 'yon, nakakatakot si Tito Storm magalit, huhuhu. 'Di ko nga kering tignan 'yon sa mata niya nang matagal. 'Tsaka parang pati paghinga ko, binabantayan niya. Tapos baka kapag huminga ako, bigla akong saktan. Pero mabait si Tito, sadyang protective lang kay Gaille.

The Waves In The OceanWhere stories live. Discover now