Chapter 14: Habben Family

84 9 0
                                    

Nadine's POV

Kaagad akong umakyat sa kwarto ko pagkatapos umalis nina Haeri at Kate dito sa bahay. Dumiretso ako sa kama ko at nahiga. Sobra akong natatakot makitang magalit si Daddy katulad na nga lang ng kanina. Wala na akong magagawa, nalaman na niya.

Napabuntong-hininga na lang ako. Maya-maya lang ay may narinig akong katok sa kwarto ko. Kaagad akong napabangon.

"Nads, dinner is ready. Come downstairs," boses ni Mommy.

"Sige po, magpapalit lang po ako," sagot ko at narinig ko 'yung mga yabag niya papalayo sa pintuan ko.

Kaagad akong nagbihis ng pambahay. Malaking t-shirt at medyo may kahabaan na shorts ang suot ko. Sinuot ko 'yung tsinelas at lumabas na akong kwarto papunta sa dining area ng bahay namin.

Pagdating ko sa dining area, kaagad na nagtama ang paningin namin ni Daddy at umiwas ako. Natatakot ako sa tinging ibinibigay niya. Pagkaiwas ko ay saktong napatingin ako kay Kuya na nakatingin lang din sa 'kin na walang expression katulad ni Daddy. Iniwasan ko na lang din 'yun at umupo sa tabi ni Mommy. Nasa may sentro si Daddy at ang nasa kanan niya ay si Mommy. Katapat ni Mommy sa kabilang side ay si Kuya.

Katahimikan ang bumabalot sa 'min sa dinning table na kaagad namang binasag ni Mommy.

"How are you two here in our house?" Tanong sa 'min ni Mommy.

Nagkatinginan muna kami ni Kuya at nagkibuan kung sino ang sasagot. "We're both good, Mom." Sa huli, si Kuya na lang din ang sumagot.

Napangiti naman si Mommy at sumubo sa pagkain niya. Nakita ko pang nag-frown si Daddy at sumubo sa pagkain. Sumubo na rin ako sa pagkain ko.

"By the way, Lake is coming later," sabi agad ni Mommy at agad akong napatingin sa kaniya nang may tuwa.

"Talaga po?!" Nasabi ko na lang at nakita kong napangiti si Mommy sa expression ko. At tumango naman si siya.

Si Lake ang bunso namin. 17 years old siya at mas matanda ako ng dalawang taon. While si Kuya ay mas matanda naman sa 'kin ng dalawang taon. Ako lang ang nag-iisang babae sa magkakapatid. Kasama siya nina Mommy at Daddy sa business trip para raw magbakasyon siya. Hindi ko nga lang alam kung bakit mas nauna sila Mommy umuwi.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang biglang may narinig kaming paparating na sasakyan. "He's here," tipid na sabi ni Daddy.

Kaagad akong tumayo para salubungin si Lake.

"I'M HOMEEEEEE! WHAT'S UPPPPP!" Sigaw agad ni Lake pagpasok sa pinto.

"Lake!" Tawag ko sa kaniya

"ATEEEEE NADSSSSS!" Tawag niya sa 'kin at patakbong lumapit sa 'kin at niyakap niya ako.

"Na-miss kita, Ate!" Sabi niya sa 'kin habang nakayakap pa rin sa 'kin. Natawa naman ako dahil sa kakulitan niya.

"Pasalubong ko?" Pabiro kong tanong sa kaniya.

"Makakalimutan ko ba ang pasalubong ng maganda kong Ate?" Pambobola niya sa 'kin.

"Tara na nga, kain ka na do'n," aya ko sa kaniya papuntang dining room.

Dumiretso na kami sa dining room. "KUYAAAAA!" Tawag niya kay Kuya at akmang yayakapin siya, kaso sinamaan siya ng tingin.

"Sungit mo naman! 'Di mo ba na-miss ang nag-iisang Lake Mykel Habben?" Pagtatampong sabi ni Lake kay Kuya.

"Shut up! You're so noisy," malamig na sabi ni Kuya.

The Waves In The OceanWhere stories live. Discover now