Chapter 82: Reconcile

106 5 0
                                    

Nadine's POV

Pagkaalis nilang lahat dito sa V.I.P. room, ang natira na lang ay ako at si Arwyn. Pareho naman kaming tahimik at walang imik o kibo sa isa't isa. Maya't maya rin ang silip ko sa phone ko kung sakaling may dumating man na message o chat kahit kanino, pero kay Mang Kanor talaga ang hinihintay ko dahil sinabihan ko na siya na sunduin niya ako rito. Nagbago na ang isip ko na hintayin si Kuya at gusto ko nang umuwi agad, lalo na ngayon na posibleng maiwan kaming dalawa ni Arwyn, at nangyari na nga.

Bigla na lang ako nakarinig ng malakas na pag-ubo sa tapat ko. Dahil kaming dalawa lang ni Arwyn dito, malamang ay siya 'yung umuubo-ubo. Tinatapik-tapik niya pa ang dibdib niya na para bang hirap na hirap huminga o makapagsalita. 'Tsaka ko lang napagtanto na nasamid pala siya sa iniinom niyang beer nang bumaba ang tingin ko sa mesa kung saan nakapatong ang beer niya.

Taranta akong lumapit sa kaniya para alamin kung ano nga ba ang magagawa ko. Kukunin ko na sana ang pitcher ng tubig, kaso hindi pala maganda 'yon para sa nasamid. Hindi ko rin pwedeng itapik siya sa likod, kasi umuubo na siya.

Paglapit ko sa kaniya, hinalungkat ko naman ang micro bag na dala ko. Sakto at may dala akong puting panyo, kaya agad ko naman itong binigay. Walang pagdadalawang-isip na tinanggap niya ito at pinunas niya sa bibig niya pagkatapos niyang umubo. Inabot ko na rin ang tissue na nasa may kabilang dulo ng table at binigay sa kaniya kung sakaling kailanganin niya rin. Nilayo ko na rin ang mga beer sa tapat niya, sensyales na 'wag na siyang uminom ulit.

"A-ayos ka lang?" tanong ko sa kaniya habang nag-aalangan at nag-aalala.

Bilang sagot, tumango na lang siya sa 'kin. Pinupunasan niya pa rin ang bibig niya at inaayos ang damit niya.

Napansin ko naman na may kaunting likido sa may kanang bahagi ng ilong niya, siguro ay 'yung beer. Nagbuntong-hininga muna ako bago magsalita, "M-may a-ano sa ilong mo." Tinuro ko naman kung saan ko nakita ang konting beer.

Kumunot ang noo niya at pinunasan ang kaliwang bahagi ng ilong. "Wala na?"

Umiling lang ako sa kaniya. Kinuha ko 'yung panyo ko na nilapag niya sa mesa kanina. Bigla ko namang naramdaman ang kamay niyang napahawak sa 'kin, mukhang kukunin din ang panyo. Saglit akong natigilan sa pagdikit ng mga balat namin. Gulat na umangat naman ang tingin ko sa kaniya na nakatingin na pala sa 'kin nang seryoso at wala atang balak bumitaw. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Una ay 'yung nahi-hypnotize sa titig niya, at ang isa pa ay 'yung malakuryenteng nararamdaman ko sa mga palad ko.

Nagbalik na naman ang pakiramdam na ito. Ano ba kasi ito?

Lumunok ako habang nakatitig sa kaniya. Hindi ko mapigilan ang pagkalabog ng puso ko, kaya't mas lalo akong naguluhan. Kinakabahan na naman ako? Para saan at bakit kay Arwyn ko nararanasan?

"Babe?"

Naputol ang titigan namin nang marinig ko ang boses ni Bella na nasa pinto. Ang mga mata niya ay nagtatakang tumingin pabalik-balik sa amin at sa kamay namin ni Arwyn sa panyo.

Agad akong napabitaw at umatras ng isang hakbang. Kumpara kanina, doble o triple na ang pagkalabog ng puso ko dahil alam kong panibagong misunderstanding na naman 'to. Kinakabahan ako sa magiging reaksyon o iisipin sa 'min ni Bella, kahit alam kong wala naman talaga kaming ginagawa.

"Oh, sorry for disturbing your leisure time with her," malamig na sabi niya kay Arwyn, "I forgot my bag. Excuse me." Kinuha niya flap bag niya na nasa isa sa mga upuan at tumalikod sa 'min.

"Babe..."

"Bella..."

Saglit na nagkatinginan ulit kami ni Arwyn dahil sa sabay na pagtawag kay Bella. Nang mapunta ulit ang tingin ko kay Bella, napansin ko ang malalim na paghinga niya.

The Waves In The OceanHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin