Chapter 5: Feelings

88 11 0
                                    

Nadine's POV

"You piece of a sh--" Rinig kong sigaw at akmang lalapitan ni Angry Bird si Casper, pero pinigilan naman siya ng isang kaibigan niya.

"Dude, hayaan na lang natin!" Sabi nung lalaking tama lang ang tangkad at 'yung makwela. Kung hindi ako nagkakamali, Peter ang pangalan niya.

Nakita ko namang inismiran lang siya ni Casper. "What?!" Rinig kong baling sa kanya ni Casper.

Agad ko namang nilapitan si Casper para pigilan 'yung away nila. At para hindi na magkagulo.

"Casper," tawag ko sa kanya.

Nakita ko naman ang pagkagulat sa mukha niya.

"N-nadine," naiusal niya.

"Hayaan mo na lang 'yan," at nginitian ko naman siya. "By the way, may gagawin ka ba mamaya? Treat kita dahil nakapasok ka ulit."

"Sure!" Umaliwalas naman ang mukha niya at halatang nawala ang inis.

Bata pa lang talaga kami ay close na kami ni Casper, para ko na nga rin siyang Kuya kung ituring. Paano ba naman kasi, masyado ring protective. At siya rin ang unang lalaking kaibigan ko. Kalimitan lang din ako makipaglaro sa ibang mga bata. Minsan ay tinatakas pa ako nila Casper sa bahay para lumabas, at kapag nagkakasakit naman ako ay bibisitahin niya ako at babantayan. Bukod sa mag-business partners ang family namin, ay mag-close friends din sila.

Bumalik ang isip ko sa reyalidad nang marinig ko ang boses ni Bella.

"Babe!" Rinig kong tawag ni Bella kay Angry Bird. "Nice Game!" Dagdag pa niya.

Nakita ko namang napangiti si Angry Bird.

"Well, boyfriend mo pa ba?" Sabay kindat pa niya kay Bella.

'Di lang pala masungit, mayabang din pala.

"I'll go ahead to our room first, see you," rinig kong sabi nung tahimik at mukhang mabait na lalaki.

Mukhang matino, 'di kagaya nung dalawa.

Tinignan ko 'yung lalaking makwela at gumawa siya ng isang mapang-asar na mukha dun sa lalaking tahimik. Bigla namang nagsalita 'yung Coach nila.

"Tryout dismiss, maiwan ko na kayo," sabi nung Coach nila.

"Yes, Coach!" Rinig kong sagot ng mga players. At umalis na rin 'yung Coach.

"Hi, Bella!" Masayang bati ni Kate kay Bella.

"Oh, Hi, Kate!" Bati namang pabalik ni Bella kay Kate at sinamahan niya ng isang matamis na ngiti.

"Tsk," singhal naman ni Laurenn.

"Laurenn, say hi to them," si Bella.

"No way!" Sigaw naman nito.

"Laurenn! Diba napag-usapan na natin ito?!" Pagsaway naman sa kanya ni Bella.

"Fine! HI!" Pasigaw na bati nito at sabay irap. Halatang napipilitan siya.

"HELLO DIN SAYO, LAURENN!" Pasigaw na bati din sa kanya pabalik ni Kate at nag-flip hair pa.

"Kate!" Agad ko namang sinaway si Kate.

"Hmp!" Singhal naman niya.

Ito talaga si Kate, lakas lagi ng tama.

"Ay, 'di pala ako nakapag-introduce kanina, no? By the way, I'm Haeri. Nice to meet you!" Pagpapakilala naman ni Haeri na tumingin sa gawi ni Bella. "And nice meeting you, too!" Tingin naman niya sa gawi ni Laurenn, ngunit halatang may pagka-sarkastiko ang bati niya.

The Waves In The OceanWhere stories live. Discover now