Chapter 19: Mr. Yelo

66 11 0
                                    

Nadine's POV

"Bella, ikaw naman!" Aya ni Kate kay Bella na kumanta, halatang nae-excite rin siyang marinig ang boses ni Bella.

"Oh, no thanks," mariing tanggi naman ni Bella kay Kate.

"Bilis na! Please, Bella," nag-puppy face naman si Kate.

Paawa effect ni Kate, kung baga.

"I wanna hear you sing, babe," singit ni Angry Bird.

Nagbuntong hininga muna si Bella saka sumagot. "O-okay." At halata rin na nahihiya siya.

Nagsimula nang mag-select ng kanta si Bella. At maya-maya ay nagsimulang na siyang kumanta.

"There goes my heart beating" Pagsisimula ni Bella sa kanta.

Napangiti naman ako dahil sa kantang pinili niya.

"Cause you are the reason
I'm losing my sleep
Please come back now" Pagtutuloy niya.

Ang ganda ng boses niya, at hangang-hanga kaming nakikinig. Smooth at ang sarap sa tenga.

Napasulyap naman ako kay Angry Bird na ngiting-ngiti at titig na titig kay Bella.

Hindi ba matutunaw si Bella sa ginagawa niya?

Nadaanan rin ng mga mata ko si Ace. Nakatitig din siya kay Angry Bird, at 'di ko alam kung paano i-express 'yung mukha niya. Para kasi siyang nagseselos. Ibinalik ko naman ang tingin ko kay Angry Bird, at...

Nagulat naman ako nang magkasalubong ang mga mata namin.

"What?" Sabi niya ng walang kasamang boses. At halatang naiirita siya kaya iniwas ko naman agad ang tingin ko. Sa titig na iyon, may iba akong naramdaman. Hindi ko na lang pinansin iyon, dahil baka wala lang 'yon.

Ibinalik ko na lang ang mga tingin ko kay Bella, at pinakinggan ang pagkanta niya.

"I climbed every mountain
And swim every ocean
Just to be with you
And fixed what I've broken
Oh, 'cause I need you to see
That you are the reason"

Napamangha naman kaming lahat ng naabot ni Bella ang high notes.

Nagtuloy lang siya sa pagkanta at maya-maya ay natapos na rin ito. Nagpalakpakan naman kaming lahat.

"Wao! Ang galing mo pa lang kumanta, Bella!" Nakangiting sabi ni Kate. "'Di lang maganda, may ibubuga rin pala sa pagkanta!" Dagdag pa niya.

"Break na ba kayo ni Arwyn?" Biglang singit ni Peter.

Nasamid naman bigla si Angry Bird, at saktong umiinom pa siya ng tubig. Ayon, nabuga niya at sa mukha pa ni Peter.

"Ano ba, pre!" Naiiyak na sabi ni Peter.

Mukhang bata.

"Hahahahahahahaha, 'yan tuloy!" Malakas na tawa ni Kate.

"Tawang-tawa ah? Hahahahaha!" Sabi naman ni Haeri.

"Anong break? 'Di mo naman naiintindihan 'yung song?! Tanga-tanga ka kasi!" Mataray naman na sabi ni Tonette kay Peter.

"'Di naman ikaw kinakausap ko, 'no!" Halatang pikon na bwelta naman ni Peter.

Lagi na lang siyang napipikon.

The Waves In The OceanWhere stories live. Discover now