Chapter 95: I Will (Camping)

20 6 0
                                    

Kate's POV

Nakahanap na kami ng pwede naming i-try ni Pedrong Unggoy, at 'yon ay 'yung Marine Tower. Pass muna ako sa rides, kaka-rides lang naman kasi namin ni Bray, eh. Gusto ko rin ma-try 'yon, kasi kanina ko pa nakikitang may mga pagewang-gewang sa ere ng dalawang tower.

"Tsk! Lord, keep me safe from harm!" dasal naman ng unggoy. Nakapikit pa siya, parang damang-dama.

Nang turn na namin para aakyat sa tower, binigyan ulit kami ng mga gears. Kinabitan naman kami ng kung anu-ano. Nagsimula naman kaming maglakad sa tightrope. Aamin ko, medyo kinakabahan ako rito, ah! Kahit naman may nakakabit sa 'kin at may mga tali na harang sa magkabilang gilid namin, parang feeling ko, mahuhulog pa rin ako, eh! Idagdag pa 'yung mga nakaharang sa daanan namin na kailangan naming lagpasan. Obstacle course nga!

"Nyare?" Kinalabit ko naman si Peter habang nasa kalagitnaan kami ng paglalakad sa tightrope. Para na kasi siyang natulala sa likod ko, nawalan na ata ng dugo dahil sa taas.

Sayang! Sarap sanang picture-an 'yung mukha niya!

Napatingin naman siya sa 'kin, kumukurap-kurap pa. "Ha?"

"Hatdog, Peter, hatdog," pang-aasar ko pa sa kaniya, "bakit ka na kasi tulala diyan? Sige ka, malalaglag ka talaga diyan!"

Bumuntong hininga naman siya. "Ano kasi... may iniisip lang ako."

"May isip ka pala?" Tumawa ako sa kaniya, tapos sinamaan naman niya ako ng tingin. Niyugyog ko naman 'yung tightrope at bigla siyang nag-panic. Nag-panic din ako, kaya tinigil ko na rin. Ayoko pang mamatay! "Ano ba kasi 'yan?"

Kinamot niya pa 'yung temple niya bago maglakad ulit palapit sa 'kin. Ang layo na kasi ng agwat namin, ang bagal kasi niyang lagpasan 'yung parang punching bag na nakaharang. "May nasabi akong hindi ko dapat sabihin kanina!" Nag-sign of the cross naman si Unggoy. "Jusko, Lord! Ang dami nang papatay sa 'kin!"

"Ayan, ang daldal mo kasi! Dapat ka na talagang ipatumba!" singhal ko pa sa kaniya.

"Parang ikaw, hindi!"

"May exemption, siyempre!" Nauntog pa ako sa harang na nakatayo rito sa tightrope, kaya tinawanan naman ako ng Unggoy. Binigyan ko siya ng matalim na tingin, tas tawa naman siya ng tawa. "Gago ka! Ipapatumba na talaga kita!"

Kinaway naman niya 'yung kamay niya habang humahagalpak pa ng tawa. "'Wag! Kailangan ko munang magkajowa!"

"Duda ako diyan," sabi ko pa, "depende na lang kung may magkakagusto sa 'yo."

"Ay, ansama!" Sinubukan niya pang tumakbo dito sa tightrope, kaya inalog ko 'yon. Tumigil naman siya sa pagtakbo kaya tinawanan ko siya. "Oy, Kate! 'Wag mo 'kong papatayin! Maraming iiyak 'pag namatay ako! Marami kayang nagugwapuhan sa 'kin!"

Tinignan ko naman siya nang may pagtataka. "Maraming iiyak? Lah, bulag ba sila?!"

Tinangka niya pang habulin ako, kaso nalagpasan ko na naman 'yung isang harang, kaya hindi niya ako naabutan. Tinawanan ko naman ang unggoy kasi ang bagal-bagal niyang umusad.

"Pero, huh, parang may nagkakagusto nga sa 'yo," wika ko pa. Hindi naman sa pag-aano, pero may nararamdaman talaga akong isa sa mga kaibigan ko ang may gusto kay Peter! Wala lang akong time para makichismis, pero nafe-feel ko talagang meron!

"Sino?" Medyo bumilis 'yung lakad ni Peter papunta sa 'kin. Wow, ha, ang bilis niyang nalagpasan 'yung mga harang! Eto talagang si Peter, basta chika, eh! "Bili! Sabihin mo!"

The Waves In The OceanWhere stories live. Discover now