Chapter 36: Believe

152 5 0
                                    

Nadine's POV

"Why does Kate take so long?" biglang tanong ni Tita Reah. Kasalukuyan kaming kumakain dito sa dining area nila.

"Aayusin lang daw po niya 'yung mga gamit niya, ma'am," sagot naman ng isang maid malapit kay Tita.

"Oh, I see."

Nagpatuloy kami sa pagkain. Si Lake naman ay patuloy sa pang-aasar kay Kuya. Tumahimik lang siya no'ng sinamaan ni Kuya ng tingin si Lake. Maya-maya lang ay may narinig kaming mga yabag pababa. Lumingon ako roon, at nakita ko si Kate papalapit dito sa dining area.

"Hey, Mom, Dad," bati ni Kate kina Tito at Tita na siyang tinanguhan naman ng mga ito.

Nakita kong napatingin si Kate kay Kuya na tahimik na kumakain at walang kamalay-malay na nakatingin na pala si Kate sa kaniya. Biglang nagbago ang hitsura niya, parang lumungkot.

Ano bang nangyari sa kanila sa taas?

At saka, sila na pala ni Kuya? Pero bakit parang... hindi ko maipaliwanag. Dagdag pa na namumugto ang mata ni Kate ngayon.

Bakit siya umiyak?

Iniwas ni Kate ang tingin niya kay Kuya. "I'll go to the restroom for a bit," paalam ni Kate.

"You said na masamang pinaghihintay ang pagkain, right?" singit ni Kuya Noah na may American accent pa, lalo na no'ng nag-tagalog siya.

"Don't you want to join us here? Your boyfriend is here, Katelyn," dagdag naman ni Tita Reah.

"Tinatawag po ako ni kalikasan, eh. Sorry po, bye!" Tumakbo siya papalabas ng dining area na siyang ikinatawa nila at ipinagtaka ko.

Paniguradong may nangyari.

Bumalik na lang kami sa pagkain habang wala siya. Ngunit paubos ko na 'tong pagkain ko ay hindi pa rin siya bumabalik. Habang patagal ng patagal, mas lalo akong nagdududa sa ikinikilos niya.

Natapos na kaming kumain at nagkwentuhan naman sina Mommy at Tita Reah. Tahimik naman si Daddy na sumusulyap kay Mommy at sa aming tatlong magkakapatid. Kami namang magkakapatid ay nakikinig, 'di ko lang alam kung ganoon din si Kuya. At nahuli ko namang nakatingin sa'kin si Casper. Pagkatingin ko ay bigla siyang ngumiti, kaya ningitian ko na lang din siya pabalik, kahit naiilang ako sa paraan ng pagtitig niya.

"Oh, I think we'll go ahead na," sabi ni Mommy kay Tita at Tito. Tumango naman si Daddy bilang pagsang-ayon.

"Buti bumalik na si Ate Kate!" masiglang sabi ni Lake na siyang ikinangiti ko, dahil sa tuwang nararamdaman ko.

"Bye po, Tito, Tita. Salamat po," sabi ko kina Tita at Tito nang may ngiti.

"No problem. Actually, we are the one who should be thanking you. We promise to pay the debt. Not now, but soon," sinserong sabi ni Tita sa amin.

"It's our pleasure for us to help. You're my friend anyway." Ngumiti si Mommy kina Tita at Tito, at napangiti rin ako.

"We're glad that you helped us," sabi naman ni Tito.

"Just call us if you need anything." Nakipag-beso si Mommy kay Tita. "We're going."

Papaalis na kami, pero hindi pa rin bumabalik si Kate.

Nasaan na kaya 'yon?

Tumango sina Tita at Tito at sabay-sabay kaming lumabas ng mansyon nila.

"You want to join us, Casper?" tanong ni Mommy kay Casper.

"Thanks, Tita, but I have my car with me," ngiting tanggi ni Casper.

The Waves In The OceanWhere stories live. Discover now