Chapter 25: Unexpected Meeting

45 10 0
                                    

Arwyn's POV

We immediately went to the nearest convenience store. Dahil sa naguguluhan ako sa mga nangyayari kanina, hindi ko alam kung saan na ako napapadpad. Basta sinusundan ko si Bubuyog. At kasalukuyan kaming nasa loob ng 7-Eleven.

Umikot-ikot naman si Bubuyog, este si Kate, at ang daming pinagkukuha. "Huy, ang dami mong kinukuha!" sita ko sa kanya.

"Wala akong pake!" sagot naman niya sa akin nang pasigaw.

Aba't!

"Pera mo 'yan, ha!" sabi ko sa kanya.

Kumuha ka ng marami, basta ikaw magbabayad. Wala na akong pake!

"Libre mo na lang, hehehehe." Nginitian naman niya ako.

Gago!

"Ulol! Ikaw kumuha niyan, kaya ikaw magbabayad niyan!" singhal ko sa kanya.

"Ahh, 'yun lang ba? Edi ibalik ko muna, tapos ikaw na kumuha. Oh, 'di ba? Problem solved!"

At nakuha pang mamilosopo nito!

"Bahala ka diyan, iiwanan na kita dito! Aalis na ako!" angal ko sa kanya at tangkang maglalakad papalayo.

"Uy, sige na! Babayaran naman kita kapag okay na, eh. At saka 'di din sapat 'yung pera ko." Nginusuan naman niya ako.

How troublesome!

"Tsk, fine! Just pay me next time!"

"Salamat talaga! Promise, babayaran kita!" Sabay nagbuntong-hininga siya.

"Ano pa bang magagawa ko?" Inabutan ko ng pera si Kate. Umupo naman ako sa isang stool at pumila naman siya.

'Di ko naman mapigilang mapaisip sa kalagayan niya. Sabagay, 'di naman siya maglalayas ng walang dahilan. And for sure, she is facing a big problem.

Eh, pakialam ko ba?!

Maya-maya ay umupo na si Kate sa tabi ko at huminga ng malalim. "Huwag mo muna sabihin sa kanila, ah? Lalo na kay Gaille, kasi alam ko namang sobrang nag-aalala iyon, eh."

Gaille? Maybe she's talking about Nadine? Tss, alam mo naman pa lang nag-aalala, eh!

Iniabot naman niya sa akin ang isang coffee, kaya pala dalawa ang binili. "Thank you," mahinang usal ko at umiwas ng tingin, "wala naman din talaga akong balak sabihin sa kanila. Sa totoo nga, hindi naman ako tumutulong sa paghahanap sa 'yo. At 'di rin naman tayo close."

Agad na nanlaki ang mga mata niya. "Hinahanap nila ako?!" gulat na sabi niya.

Naman, magkakaibigan kayo!

"Oo, malamang. Lalo na 'yung Nadine na 'yun. Kung makikita mo lang itsura niya." And suddenly, Nadine's worried face flashed to my mind. And I can't help but... but to feel worried about her.

I shook my head because of those thoughts.

What the hell am I thinking?!

"Kaya nga huwag mo muna ipaalam sa kanya!" Buntong-hiningang sabi niya.

"Oo nga, kulit! How many times would you repeat it?!"

"Hanggang sa mabingi ka! Charot. Sa dami ng taong inaasahan ko, 'yung taong hindi ko inaasahan ang nandito sa tabi ko." At tumawa naman siya.

The Waves In The Oceanحيث تعيش القصص. اكتشف الآن