Chapter 23: Jerk

50 8 0
                                    

Peter's POV

"Yuck!" sigaw ni Tonette. "Even in my nightmares, that won't happen!" dagdag pa niya.

Hmp! Arte nito, choosy, ah!

"At sino'ng may sabing mangyayari iyon?! Eww!" sabi ko at naduduwal pa kunwari.

Nginisian naman kaming dalawa ni Ace. 

"Ewan ko sa 'yo, Alas!" sabay naming sabi ni Tonette.

"Ugok!" singhal ni Tonette at binatukan ako.

Aray!

Magda-drive na sana si Ace nang dumating si Laurenn. Binuksan naman ni Tonette 'yung pinto, umusog siya para makaupo si Laurenn dahilan para magkatabi kami. Nasa passenger seat kasi nakaupo si Bella.

"Bella, sorry, ngayon lang natapos pag-uusap namin about sa class project," sabi ni Laurenn.

"Yeah, okay lang." Si Bella.

Nagsimula nang mag-drive si Ace at nagkuwentuhan naman sila Tonette, Bella, at Laurenn.

Tuloy, out of place kami ni Ace.

Wala akong magawa kundi makinig na lang din sa pinag-uusapan nila.

"OMG?! Si Kate? 'Yung parang babaeng siga--" biglaang sabi ni Laurenn.

"Laurenn!" saway sa kanya ni Bella.

Eh totoo naman kasi! Para talagang siga 'yung isang 'yon!

Nag-peace sign naman si Laurenn. "Bakit daw nawawala?" tanong nito na may bahid pa rin ng katarayan.

"No clues kami, eh. Pero feeling ko, si Nadine at Haeri, alam ang dahilan," paliwanag ni Tonette.

"Kailan nangyari?" takang tanong ni Laurenn.

"Actually, kahapon lang magkakasama kami, tapos kumain magkakasama. Tapos nung nagsiuwian na ata kami, may nangyari," pagpapaliwanag ni Tonette, "bakit 'di ka pala sumama kahapon?"

"Um, may iba kasi akong pinuntahan with fam. Nasabi ko na rin naman kay Bella," sabi ni Laurenn.

Mukha siyang maldita, ay mali! Maldita talaga siya, pero may good side naman din si Laurenn. Malamang, si Bella ba naman kaibigan, talagang magbabago 'yan. Si Arwyn nga, medyo napaamo, si Laurenn pa kaya?

Speaking of Arwyn, wala talagang konsyensya! 'Di man lang tumulong! Minsan, napapaisip din ako paano ko ba naging kaibigan iyon.

"Hayst, nasa'n na kaya si Kate, 'no?" pag-aalala ni Tonette.

"Pansin din sa mukha ni Nadine ang pag-aalala," malungkot na sabi ni Bella.

Yeaaa, this is my time!

"Girls, huwag kayong mag-alala dahil mahahanap din natin 'yun si Kate!" masiglang sabi ko at nag-thumbs up pa.

Tinignan ko naman sila na kanya-kanyang lingon sa kung saan. Hindi nila pinansin ang sinabi ko. Parang multo tuloy ang dating ko.

Ay hanep, wala ni isang umimik! ಥ╭╮ಥ

Ge, awts!

Biglang kumulo ang tiyan ko. "Alasss!" tawag ko kay Ace.

"Why?" tanong niya.

"Gutom na ako!" angal ko kay manong drayber Alas.

"Gutom?" takang tanong ni Ace.

The Waves In The Oceanحيث تعيش القصص. اكتشف الآن