Chapter 46: Love Story

77 7 0
                                    

Authors' Note:

Listen to the media above for imaginary purposes!;)

- daine❤️

--------------------------------------------------

Nadine's POV

"Pasalamat kayo at may party na magaganap sa Saturday," sabi ni Miss Corpuz, ang professor namin sa Business Statistics, habang nagliligpit ng mga gamit niya. "Kung hindi, tatambakan ko talaga kayo ng gawain! Class dismiss!" At saka lumabas na siya sa classroom namin.

"Yehey! Ang lapit na ng Acquaintance Party!" Narinig kong sabi ng isa kong kaklase. Hindi ko na nilingon kung sino ito, dahil abala ako sa pag-aayos ng mga gamit ko.

Huwebes ngayon, at sa darating na Sabado na nga ang pinakahinihintay na Acquaintance Party. Ayon sa naririnig ko, taon-taon talaga idinaraos ang party na 'to dito sa Riverdale University.

"Buti na lang at walang gagawin gaano, 'no! Bwiset talaga 'yang Corpuz na iyan, eh! Sarap ilampaso sa sahig!" Si Kate habang nag-aayos din ng mga gamit niya.

"Ay, nako! Dapat first day pa lang, ginawa na natin 'yan, eh! Mukha kasing mop!" singit naman ni Haeri.

Siya nga pala 'yung prof na unang sumalubong sa 'min no'ng first day. Siya rin ang professor na hindi kami pinapasok sa klase niya noon kasi nga late kami no'ng first day.

Narinig ko naman ang halakhak ni Antonette, paniguradong sang-ayon sa mga sinabi ni Haeri at Kate.

"H-hinaan niyo 'yung boses niyo at baka may makarinig, tapos isumbong pa tayo," paalala ko sa kanila. Sa dami na naming naging issue rito sa room at sa buong university, ayoko ng madagdagan pa ulit iyon.

"Edi isumbong! I would also be glad kasi malalaman na rin 'yung baho nu'ng Corpuz na iyon!" sagot ni Kate. Napailing na lang ako dahil sa sinabi niya.

Si Kate talaga.

"Tara na nga. Susunduin pala ako ni Kuya, sasabay ba kayo?" aya ko sa kanilang dalawa ni Haeri.

"O-"

"HINDI!"

Taka kong tinignan si Kate dahil ngayon lang siya tumanggi sa alok ko 'pag si Kuya ang susundo sa 'kin. Nanlalaki ang mata ni Kate na nakatingin ngayon kay Haeri na para bang may gustong ipahiwatig.

"H-hindi na rin pala, Nads," sabi ni Haeri.

Nagtataka man sa mga ikinikilos nila, tumango na lang ako.

Sabay-sabay kaming pumunta sa parking lot, dahil dito ang usapan namin ni Kuya. Unang humiwalay si Antonette ng daan dahil sa College of Architecture building na raw niya hihintayin si Bella.

"Oh, Kuya mo, oh!" biglang sabi ni Haeri habang nakaturo sa may bandang likod ko. Nilingon ko si Kuya at nilapitan.

"U-una na pala kami ni Haeri, ah!" Biglang hinatak ni Kate si Haeri at patakbong lumayo sa amin. "May sale kasi na pagkain, nakita ko kanina! Bye! Ingat, Gaille!" At tuluyan na silang umalis.

Simula no'ng pumunta kami sa mansion nina Kate at nag-usap sila, gan'yan na lagi ang ikinikilos ni Kate 'pag nakikita niya si Kuya. Alam kong nagsisinungaling lang siya. Kahit 'di niya sabihin, alam kong may nangyari. Pero ang hindi ko alam, ano iyon at bakit ayaw nilang ayusin?

Mataman kong tinignan si Kuya na ngayon ay nakatingin sa dinaanan nina Kate. Katulad ng nakasanayan, walang ekspresyon ang mukha ni Kuya. Pero alam kong may iniisip siya ngayon.

The Waves In The OceanUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum