Chapter 55: The Closing (Acquaintance Party)

97 7 0
                                    

Third Person's POV

Natapos naman ang awarding at bumaba ang apat sa stage. Ang mga nakakuha ng Royal Awardees na sina Nadine, Casper, Bella, at Arwyn ay sabay-sabay na pumunta sa dance floor. Iba't ibang papuri naman ang bukambibig ng mga tao sa kanila. Kahit sino pa ang tanungin, talagang angat ang apat sa party, at hindi maitatanggi ang kagandahan at kagwapuhan na taglay ng mga ito.

·̩̩̥͙**•̩̩͙✩•̩̩͙*˚  ˚*•̩̩͙✩•̩̩͙*˚*·̩̩̥͙

ᴺᴼᵂ ᴾᴸᴬᵞᴵᴺᴳ:
ILYSB (STRIPPED)
» [LANY] «

⇆ㅤ ||◁ㅤ❚❚ㅤ▷||ㅤ ↻

▄ █ ▄ ▄ █ ▄ █ ▄ █

Ain't never felt this way
Can't get enough so stay with me
It's not like we got big plans
Let's drive around town holding hands

"Yiiiiee, kilig!"

"Bagay sila!"

"OMG, sana all!"

"When kaya?!"

Kapansin-pansin naman na nahihiya si Nadine, at bahagyang nakayuko ang dalaga. Bukod pa rito, hindi rin siya makapaniwala na nanalo siya ng mga awards.

And you need to know
You're the only one, alright, alright
And you need to know
That you keep me up all night, all night

Mukhang napansin naman ni Casper ang kilos ng dalaga, at nabasa ang nasa isip nito. "Don't be nervous. You deserve that title of yours," tugon ni Casper.

Napangiti naman si Nadine sa sinabi ni Casper, tila ba na may magic o spell sa sinabi ni Casper at biglang gumaan ang pakiramdam ni Nadine.

"Thank you, and so do you," sambit ng dalaga.

Oh, my heart hurts so good
I love you, babe, so bad, so bad, oh
Oh, my heart hurts so good
I love you, babe, so bad, so bad

"Ayiiieeee! Pumapag-ibig na ata itong mga kaibigan ko! Kayo, ha!" sigaw ni Katelyn habang nagbi-video.

Napatingin naman sina Casper at Nadine sa gawi niya, 'tsaka sabay silang tumawa. Sa kabilang banda naman, ang naging 'Campus Couple' rin na sina Bella at Arwyn ay nagpapalitan ng matatamis na ngiti sa isa't isa.

"Babe?" tawag ni Bella.

"Hmm?" Maliit na ngiti ang ibinigay ni Arwyn kay Bella.

"I love you, babe, so bad," sambit ng dalaga, dahilan para matigilan nang kaunti si Arwyn.

Mad cool in all my clothes
Mad warm when you get close to me
Slow dance these summer nights
Our disco ball's my kitchen light

Napatingin naman si Arwyn kina Casper at Nadine, hindi niya maipaliwag ang naramdaman niya nang makita niyang nakangiti ang dalawa sa isa't isa. "She smiled at someone else. I wonder when she will smile at me like that," sabi ni Arwyn sa isip niya. Hindi niya rin mawari kung bakit nga ba iyon ang naiisip.

"I-I love you, too, babe," sagot nito at biglang niyakap si Bella. Niyakap naman siya ni Bella pabalik, at mas mahigpit.

Hindi alam ni Arwyn kung ano ang nangyayari sa kaniya, ngunit nararamdaman niya na may nagbago. 'Di man sinasabi ni Bella, ngunit ramdam din niya ito. Nasa isip din ng dalaga na ang relasyon nila ni Arwyn ay hindi na tulad ng dati. Ayaw man isipin ni Bella, ngunit natatakot siya na baka dumating ang araw na sabihin sa kaniya ni Arwyn ang mga salitang ikinakatakot niyang marinig.

The Waves In The OceanWhere stories live. Discover now