Chapter 99: Enigma (Camping)

43 5 0
                                    

Nadine's POV

"GOOD MORNING!"

Napadilat naman ako bigla nang marinig ko iyon. Isang malakas na boses ang nagpagising sa akin. Hindi na ako magtatanong kung sino ito, dahil kilalang-kilala ko ang boses na iyon.

"Umagang kay ganda, Gaille! Gising na!"

Napakamot naman ako sa ulo at pinipilit idilat ang aking mga mata.

"Rise and shine, wooohooo!"

Nagtalukbong naman ako ng kumot dahil sa antok na nararamdaman ko. Hindi ko pa ata kayang bumangon.

"Hoy, Gaille! Gising ka na diyan! May mga activity ata. Morning routine, ganern. 'Di ba, ang bongga!" Hindi ko muna pinansin si Kate at pinikit ulit 'yung mga mata ko. "Lah, Gaille! Anong oras ka ba natulog, aber?!"

Naalala ko naman 'yung mga usapan namin kagabi ni Arwyn. Mas lalong hindi ko makakalimutan 'yung huling sinabi niya.

"You'll know it soon, Nadine."

Napadilat naman ako bigla dahil sa mga naiisip ko. Hindi ko kasi mapigilan ang sarili kong isipin kung ano 'yung tinutukoy niya.

Bigla namang hinatak ni Kate 'yung kumot ko, kaya napadaing ako bigla at nagpulupot. "A-ang lamig, Kate."

"Ayan!" sabi nito at niyakap ako. "Warm hugs from Katelyn maganda!"

"A-aray, Kate," inda ko naman, dahil sa bigat niya.

"Ay, hala!" gulat na sabi nito at biglang kumalas. Bigla rin siyang nataranta. "Sensya ka na. God bless! Bangon na kasi! Isipin mo na lang, para kanino ka bumabangon?"

"Susunod na lang ako." Tumagilid naman ako mula sa kaniya at kinuha ulit ang kumot ko para ilagay sa katawan ko.

"Sige, sunod ka, ha! Hindi tulog, okay? Magkaiba 'yon, 'te."

Tumango na lang ako. Lumabas naman na si Kate at napapikit ulit ako dahil sa antok. Anong oras na rin kasi ako nakatulog kagabi.

--------------------------------------------------

"Uy, Gaille! Sabi ko na nga ba, e!" Isang malakas na boses muli ang gumising sa diwa ko. Dahil sa pagod, nakatulog pala ulit ako. "Akala ko ba sunod, hindi tulog?!"

Bumangon naman ako habang nakapikit. Nahihirapan akong buksan ang mga mata ko, 'pagkat mabigat pa rin ang mga ito.

"Tumayo ka na, 'te! Tignan mo, matutulog pa 'yang babae na 'to!" sunod-sunod na sabi ni Kate.

Sa totoo lang, para siyang nanay sa ginagawa niya.

Hindi ko maintindihan kung bakit tila excited ata siya ngayon. Nakakagulat pa na napakaaga niyang magising, kasi kadalasan ay tanghali na iyan nagigising.

"Susunod na talaga ako," mahinang tugon ko.

"Gaille, isa! Male-late tayo niyan!" pagpupumilit pa nito. Tumayo na rin ako at nag-unat para hindi na ako kulitin ni Kate. "Tatayo ka rin naman pala, hehe," dagdag pa niya, "sino ka?"

"Huh?" takang tanong ko.

"Hindi ka si Gaille, maaga gumigising 'yon!"

Pinili kong huwag na lang siyang pansinin. May kinuha ako sa bag ko, ilang gamit para makapag-ayos ng sarili. Matapos no'n, 'tsaka ako naglakad papuntang banyo kahit nakapikit nang kaunti ang mga mata ko.

The Waves In The OceanWhere stories live. Discover now