Chapter 53: Dance Floor (Acquaintance Party)

120 7 0
                                    

Third Person's POV

Natapos ang pagtatanghal ng isang babae na "Miss Lotus" kung tawagin. Samu't-saring hiyawan pa rin ang maririnig, at maraming umuusisa kung sino nga ba talaga si Miss Lotus. Nakuha ni Miss Lotus ang atensyon ng karamihan, kaya naman kuryosidad ng mga tao ang nangibabaw. Ngunit, may mga taong nakahalata at mukhang nagkaroon ng hinuha kung sino si Miss Lotus.

"Are you okay now, Nads?" tanong ni Casper kay Nadine na kakabalik pa lamang sa kaniyang upuan. Makikita sa mukha ni Casper ang isang ngisi, na tila ba mayroon siyang alam sa mga nangyari.

"O-oo," nauutal na sabi naman ng dalaga.

"Uy, sayang, Nadine! Hindi mo napanood kanina 'yong nag-perform!" ani ni Antonette.

"Oo nga, eh! Ang galing pa naman," sabi naman ni Haeri na kagaya ni Casper na makikita ang isang ngisi.

Napalunok naman si Nadine, at nakutuban din siya na mukhang alam ng mga kaibigan niya ang bagay na kaniyang itinatago. Maaaring tunay nga ang kasabihan na 'actions speak louder than words'. Sabagay ay matagal ng kaibigan ng dalaga sina Casper at Haeri, mukhang hindi niya rin maitatago ang kaniyang lihim.

"Grabe, bitin ako sa performance ni Miss Lotus!" singit naman din ni Peter. "Pero bakit 'di nagpakilala?" dagdag pa ni Peter at bakas dito ang panghihinayang.

Ngunit ganoon na lang ang pagtataka ni Nadine kung bakit parang may alam din si Antonette at Peter. Nararamdaman niya kasi ang mga mapang-asar na tono sa pananalita nila.

"Bingi ka ata, eh! Sinabi na kaya ni Miss Lucy kanina," singhal naman sa kaniya ni Antonette. Sinuklian naman siya ni Peter ng isang nguso at irap.

Bumulong naman ang binata na sinuguradong walang ibang makakarinig. "Bakit ba ang sungit mo sa 'kin? Hmp! Gano'n na lang ba talaga kalaki ang sama ng loob mo sa akin?" bulong ng binata at kasabay nito ang pagbuntong-hininga niya.

"Madami atang tao sa restroom kaya natagalan si Gaille. Pero sayang talaga, Gaille! Hindi mo n-nakita si M-miss L-lotus," saad naman ni Katelyn na pilit itinatago ang pagkabalisa. "Pero ang galing talaga ni Ga— este, ni Miss Lotus, 'no?!"

"Oo nga, eh! Kaya ba napasigaw ka kanina?" sabi pa ni Peter at nginisian si Katelyn.

"H-hindi kaya ako s-sumigaw! Wala akong sinabing kaibigan ko 'yon—" Napahinto naman sa pagsasalita si Katelyn, bahagya rin nanlaki ang kaniyang mga mata at napagtanto ang kaniyang sinabi. Para bang siya na ang humukay sa sarili niyang libingan.

Tumawa naman sina Haeri, Casper, Antonette, at Peter.

"Wala naman akong sinabi na iyon nga, eh?" dagdag pa ni Peter at papalit-palit ang tingin niya kay Katelyn at Nadine.

Napabuntong-hininga naman si Nadine at napagtanto ang mga nangyari. "Parang wala rin namang saysay kung itatanggi ko pa ito," tanging nasa isip ng dalaga. Tinignan naman niya si Katelyn, at nag-peace sign naman ito kasabay ng pagngiti.

"Please, Riverdale, calm down! We'll meet this angelic singer soon!" hayag ng babaeng emcee. Ngunit maski sila ay binabalot na rin ng kuryosidad. Wala rin silang ideya kung ano ang pagkakakilanlan ng nasabing tagapalabas.

Buntong-hininga at iba't ibang komento ang nanggaling sa mga estudyante ng Riverdale. Sa kabilang banda, may isang binata naman ang kanina pa tulala, wala rin ito sa sarili at bahagyang nakakunot ang mga kilay nito. Malalim ang kaniyang iniisip at para bang may gumugulo rito.

The Waves In The OceanDonde viven las historias. Descúbrelo ahora